Chapter 2.04

277 13 6
                                    

Let's talk

Mahirap ang mga sumunod na araw kakaiwas ko kay Cain, buti nalang at medyo marami ang emergency patients kaya hindi masyadong nagko-krus ang landas namin. Nga lang ay sa iisang floor lang pala kami. Sa laki ng Hospital ay iisang floor pa talaga kami ng opisina!

I was a bit exhausted from the check-ups with my patients. Kaya naman nang maghapon na ay medyo inaliw ko ang sarili sa pagbabasa ng mga new cases dahil katatapos lang halos ng pag-uusap namin ni Anya.

I carefully checked her background and asked any specific details with Jake regarding her but he was too weary I was not able to gather new information. He was not like this when I last saw him. Ngunit alam ko ang pangyayari tungkol sa pagkamatay ng kaniyang asawa. Dalawang taon na rin ang nakakalipas mula nang mangyari iyon, halos magkasabay lang sa pagpanaw ng aking ama.

Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit pamilyar ang mukha ni Anya sa'kin. It's like I saw her in the past already... or maybe masyado lang akong engrossed sa kaniyang kaso.

I slightly shifted when I heard a knock at my door. Napakunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahan.

"Come in!" Sinara ko ang laptop.

"Mara.."

I swallowed hard. Napatayo ako mula sa kinauupuan. Naramdaman ko ang matinding pagkabog ng aking dibdib, marahil sa takot. Ngunit hindi ko lang alam kung bakit ako natatakot.

"I need to talk to you..." he trailed off, pushing the door open then slightly leaving it ajar.

I looked at him for a few seconds before finally composing myself. Ngumiti ako saka tumango, barely even keeping my professionalism in this case.

"May kailangan ka?" panimula ko at naupo na sa aking upuan. Tumingin ako sa medyo magulong mga libro sa lamesa ng study table, roon nagdi-discuss usually ang mga kagaya kong Residents kasama ang iilang Intern.

"Uhm, yeah.. kailangan ko ng tulong mo." he said as he walk a little bit closer. Napakunot ang noo ko.

Are we close for him to ask help from me?

I pursed my lips then nodded. "What kind of help?"

"Kailangan ko ng impormasyon tungkol sa isa mong pasyente," napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi kaagad nakapagsalita. "I know this is against work ethics and confidentiality of doctor-patient relationship but... I really need it, Mara."

"Nahihibang ka na ba?!" sa nanlalaking mata kong saad.

Hindi ko kaagad na-proseso ang sinabi niya at mas lalong napaatras nang makita ang muling pagbukas at sara ng pinto. Pumasok mula rito ang pamilyar na bulto ni Dante. Ang kapatid ni Cain na dati kong crush.

"This is illegal, Cain! Alam mong ayaw kong mawalan ng lisensya!" exaggerated kong saad. Ngunit totoo naman.

Umiling siya.

"Please, I will be held responsible if anything happens. It's just.. this is really important for me." Tiningnan ni Cain ang kapatid. "For him."

"What do you need from my patient that you badly want to have her information? Tell me the whole story because I will not risk my license for you! Hindi ako nag-aral ng halos buong buhay ko para lang mawalan ng lisensya!"

Pero dahil nga isa akong malaking tanga, nagpadala naman ako at ngayo'y nakikinig na kay Cain at sa kapatid nito.

"Kaya we have our conclusion that it was really her. Lalo pa't nakita nga namin ang CCTV footage," si Dante.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now