Chapter 19

225 10 0
                                    

Falling Apart

I was awoken by the loud beeping inside the four corners of the room. Still disoriented, I slowly ripped my eyes open. Ang unang bumungad sa'kin ay ang puting kisame.

"Mara?"

Napatingin ako sa tabi at nakita ang nag-aalalang mukha ni Nathan. Sa likod niya ay agad kong napansin ang nakatayong ama habang hawak ang bibig gamit ang kanang kamay. His face was void from any emotion. And that's when everything flashbacks.

"D.. dad," nanginginig ang boses na napatingin ako sa ama. Gulat na gulat nang makita ko siyang nakatayo sa harap ng unit ko.

I slowly lifted my hand instinctively to cover my already big bump on the stomach. The growing child now visible.

Dahan-dahang tiningnan nito ang kamay sa aking tiyan, agad na may namuong luha sa kaniyang mga mata.

"A-ano po'ng ginagawa niyo rito--"

Agad na naputol ang sasabihin nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang braso. Galit na galit, hindi makapaniwala sa nakikita.

"What.. what the hell, Maria Asuncion?" ang kaniyang bawat salita ay may diin. Nagngangalit ang baba habang matiim na nakatingin sa akin.

"Dad.. please.. let me explain," saad ko sa mahinang boses. Takot ang bumalatay sa kalamnan nang itulak niya ako. Sobrang lakas at halos mawalan ako ng balanse. Mabuti nalang at napakapit ako sa mesa. Naramdaman ko pa ang sakit sa aking likuran dahil sa pagtama nito sa upuan. Hindi ko na lamang iyon ininda at tiningnan sa takot ang galit na ama.

"Sino.." napasinghap siya at nilandas ang kanang kamay sa baba. "Who fucked you, Asuncion?! Si Cain ba? Ang gago mo bang boyfriend?!"

Umiling ako at mariing pinagdarasal na sana hindi maagang umuwi si Cain galing school gaya ng dati. 'Pag nadatnan siya ni Dad ay nasisiguro kong mas magwawala lang ito.

"Dad.. please, calm down.." pagsusumamo ko pa. Halos lumuhod na ngunit hindi magawa.

He stood there still, shaking his head. Disappointment. Regret. Fear. Kitang-kita ko iyon sa kaniyang mga mata. Sumasayaw, nag-aalab.

"I warned you already, Asuncion. You put away all the warning and made me regret sending you here in Cebu.." saad niya.

Takot at pangamba ang lumukob sa'kin. Iling lang ang tanging nagawa dahil sa pagpigil ko ng pag-iyak.

"Dad.."

"Kalimutan mo ng may pamilya ka simula ngayon," si Dad habang nakatiim bagang. "I am disowning you as my child, Maria Asuncion."

Mas lalo akong humagulgol at sinubukang lapitan ang ama. Ngunit agad ding huminto nang maramdaman ang pagsagid ng sakit sa aking puson.

I could still remember how I went on my knees. Ang bigat sa'king tiyan ay damang-dama ko. I saw how blood started pooling my kitchen floor.

Bago ko pa man din naipikit ng tuluyan ang mata ay nakita ko pa ang pagbukas ng pinto. Ngunit hindi ang taong papasok.

Help, Dad..

Cain..

"Si baby?" halos wala na ang boses ko nang itanong iyon. Ngunit agad ding napaawang ang bibig nang maramdaman ko sa aking palad ang pagbabalik ng aking tiyan sa normal. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

I suddenly feel empty. My body shook with the tears that threatened to fall.

"Nathan.. ang baby?"

Umiling lang ito at sinubukang hawakan ang kamay ko ngunit agad ko iyong binawi. Nangatal ang pang-ibabang labi at tiningnan ang tiyan ko na wala ng laman.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now