Ang aking sarili

8.1K 126 9
                                    


Disclaimer: The cover is not mine

I hope na magustuhan niyo anh story na ito...


*********

ako ay isang simpleng bata na lumaki sa isang magulong pamilya..

Ako ay isang babaeng hindi iniisip ang sarili kundi ang kapakanan ng iba.

Hindi ko ugali ang magalit ng husto pero alam ko sa aking sarili na madali akong maawa at madali din akong masaktan.

Ako ay isang Hara.. o isang anak ng Reyna... may dalawa akong kapatid at ako ang ikalawa sa kanila.

Na mimis ko na ang aking ama, kasi matagal na siyang namatay sa isang digmaan laban sa isang Diyosa na nagngangalang Sahara.

Siya ay isang Diyosa ng Digmaan. Oo, tama ang narinig niyo na ako ay nagsasalita tungkol sa isang Diyosa.

Kakaiba kasi ako sa lahat ng mga nilalang na nakatira dito... Ako ay ibang-iba sa kanila. Medyo mataas din ang tenga ko kung ikukumpara sa kanila..

Ang pangalan ko pala ay si  Cassiopeia, ang ibig sabihin ng Cassiopeia ay isang diwatang nagbibigay liwanag sa dilim. KUng minsan, inisip ko nga na ang Cassiopeia na ibinigay sa akin na pangalan ay konektado sa buhay ko.

Hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ako tumawa, humalakhak at magbigay saya sa mga tao na nasa paligid ko.

Ako ay nasanay na dito sa mundo ng mga tao at nagugusuhan ko na ang mga pagkain dito, hindi ko maintindihan masyado ang wika nila dito at kung minsan, pati na ang ugali nila.

Masarap pala ang pagkain na tinatawag nilang, spaghetti, para itong uod kung tingnan pero walang kauod-uod ang lasa nito. Napakasarap nito at talagan binabalik balikan ko ang sarap ng pagkain na ito.

Nalulungkot ako na iniisip na ako ay may kakayahan na patawanin ang ibang tao pero ang sarili kong ama ay hindi ko napatawa, hindi ko nakita, nakita ko siguro pero wala pa ako sa tamang pag-iisip kaya hindi ko maalala ang mukha niya.

Sana naman, hindi na kami magtagal pa sa mundo ng mga tao. Hindi ko kasi ibig ang usok at ingay dito, may mga kakaibang karwahe pa dito na nagsasalita, pero isang salita lamang ang palagi nilang sinasabi... "Peep!! PEeep!"

Nakakatakot talagang sumakay sa karwahe na yun, siguro nangangain din yun.

Sana naman ay makita ko na ang hinahanap ko dito sa mundo ng mga tao. Ito kasi ang isa sa mga pagsubok na ibinigay sa amin ng kapatid ko.

Oo nga pala! Ang matanda kong kapatid.... hahaha ang kasama ko ngayon dito sa mundo ng mga tao.

Ang pangalan niya ay si Minea at ang ibig sabihin naman ng pangalan niya ay nagliliyab na apoy. At bagay nga sa kanya ang pangalan na yan... sampung taon pa lamang ako at siya ay labing dalawa na.

Mas matanda siya sa akin as mas mainitin ang ulo niya, palagi siyang naghahanap ng gulo. Kahit saan pa mang lupalop siguro ng daigdig siya mapadpad, gulo pa rin ang hahanapin at gagawin niya.

Ang bunso naman namin ay nagngangalang Dayana, ang ibig sabihin ay matatag na diwata. Seryoso si Dayana sa lahat ng ginagawa niya at kahit ganyan si Dayana, mabait siya na Hara.

(Chapter 1 is the start of a long story.. but if you want to undertand more... continue reading ang aking sarili...etc.. thanks..!)

Babaeng Kakaiba  || Completed |Where stories live. Discover now