Chapter 5

1.4K 25 2
                                    

Namimis ko na talagang gumamit ng kapangyarihan. Yun ang iniisip ko...namimis ko  na ding lumipad kasama ang mga Dragon ng Hangin at mga makukulay na ibon.

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok sa paaralan. May kumatok sa aming pintuan.... (si Harry). Parang sumigla si Leandro iniwanan niya ang kanyang linuto na pagkain upang buksan ang pinto... hindi ako lumabas ng kwarto ko dahil pagod na pagod ako. Sinabihan ko ang aking kapatid na dito nalang mag-agahan si Harry...(Para na talaga kaming magkakapatid)....

Nagulat kaming lahat at biglang yumanig ang lupa. Sigaw nila na "Lindol!! Lindol"... Hindi ko naiwasan ang kaba kaya bigla akong naglaho sa kwarto ko patungo sa labas ng bahay. Mabuti nalang at walang nakakita sa akin. Si Harry at si Leandro ay nanatili sa loob at pagkatapos lumindol ay agad ko silang binalikan.

May pumasok sa ulo ko si Dayana... kamusta na kaya siya. Inisip ko kung siya ang may gawa sa lindol. Pero inisip ko na, bakit naman pupunta si Dayana dito... Hindi niya alam ang lugar namin.. at isa pa isang taon na kaming nandito sa mundo ng mga tao. Inisip ko rin na si Dayana ay tipong makulit.. palagi niyang pinipikon si Minea. Malapit din sa puso ko si Dayana kaya hindi na rin ako magtataka kung mamimis niya ako.

Kinumusta ko sina Leandro at Harry sa Loob at sa awa ni Bathala ay ligtas sila. Iba kasi ang pagyanig na yun parang makapangyarihan. Parang nanggagaling yun sa ibang kapangyarihan.

Sa mundo ng mga tao normal lang daw ito.. ngunit sa Dévas ang lindol ay magaganap kung mawawala sa balanse ang kapangyarihan ng tagapangalaga ng lupa na si Dayana.

Hinila ako ni Leandro at sinabi niya sa akin na "Pashneya ka talaga." na ibig sabihin ay hayop daw ako hindi ko naman alam ang nangyayari. Sinabi niya sa akin na bumalik na ako sa aming mundo dahil kaya na daw niya... Nakakabahala na ang nangyayari, para itong isang simbolo at isang  palatandaan na may masamang magaganap..

Saan kaya patungo ito.. May nakita akong napinsalang daan.. nabiyak ito na daan at parang nakita ko na ito, hindi ko lang matandaan kung saan,kailan at paano.

Sinabihan ko si Leandro tungkol dito..
.....

*(message: Dear readers thank you for reading love yu all... wait for chapter 5 and more...)

Babaeng Kakaiba  || Completed |Where stories live. Discover now