Chapter 16

777 14 1
                                    

May kakaiba akong nararamdaman ngayon tila iba ang ihip ng hangin.

Naninibago talaga ako at sinubukan kong maligo.

Pagkatapos kong maligo, parang bumalik na ang pakiramdam ko.
Nagpapasalamat ako kay Bathala dahil ibinalik niya ang sigla ko.

May ibinubulong sa akin ang hangin na may paparating.
Binasa ko ang isipan ng diwatang paparating at may galit ito sa akin., Paglingon ko sa gilid, nakita ko si Minea.

"Ikakasal na pala ang aking sutil na kapatid." ito ang mga salitang una niyang ibinigkas sa akin.
"Wala ka talagang ibang alam na gawin Cassiopeia kundi kunin ang gusto ko!'' paratang niya sa akin. Wala akong ibang ginawa kundi manahimik at naglaho na lamang.

Kailan pa kaya magbabago ang kapatid ko.

Hindi ko nakita si Dayana at Zandro at hinanap ko sila. Nagsasanay pala si Dayana at Zandro. Tinuturuan ni Zandro si Dayana kung paano gumamit ng kanyang arnis.

Simula noong bata pa kami may tatlong sandata na pipilian namin. Pipili kami ng isa upang ito ay pagsanayan at gamitin hanggang sa mamatay kami.

Ang sandata ni pirena ay tila dalawang kutsilyo  na matutulis.
Ang sandata ko ay sandata ng aking ama ang Espada.
Ang sandata naman ni Dayana ay ang arnis at hindi pa masyado niya itong alam gamitin.

Tinuruan siya ni Zandro at napakabilis niyang matuto.
Hinamon niya ako sa isang mapayapang labanan.

Tinanggap ko ang hamon niya at gumamit ako ng espada at siya ay ginamit niya ang kanyang arnis.
Napakalakas ni Dayana maliksi din siya inisip ko na huwag kong ibuhos ang aking lakas dahil baka may masaktan.

Dumepensa ako at natalo ko siya.
Hindi siya nalungkot at humingi siya ng pabor.
Gusto niyang basbasan ko ang kanyang sandata upang mas ma-ikonekta niya ito sa kanyang katawan.

Ginawa ko ang hiling niya at binasbasan ko ito. Nagpasalamat siya sa akin at mas lalo siyang naging determenado.

Masaya ako para sa aking kapatid.
Sana nandito pa si Inay upang makita niya kung gaano na kagaling si Dayana sa pakikipaglaban.
Sigurado ako na matutuwa siya pero hindi siya matutuwa kung ano ang nangyayari sa amin ni Minea at ang mga kaganapan noon sa Etheria.

Humingi nalang ako ni inay ng pabor, na gabayan niya ako sa lahat ng desisyon ko, naway ikabubuti ito ng Dévas at Etheria.

Hinihiling ko din ni Bathala na gabayan niya ako sa magiging asawa ko naway patagalin pa ang aming relasyon.

Sana tama ang mga nagawa ko ang ginagawa ko at gagawin ko.

Sana gabayan ako ng aming mahal na Bathala.

Kay bilis ng mga pangyayari parang kahapon lang nung nagkita kami ni Harry at ngayon, suot-suot ko ang asul na singsing ng aming pagmamahalan.

Habang kami ay papalakas ng mga kawal, eh.. ganun din ang nanagyayari sa Etheria nagpaparami din ng mga kawal o mga Mecca si Minea.

Pumasok ako sa silid kung saan naroroon ang ipininta ni Zandro.
Naisip ko na gawin ang silid na yon, na isang silid para sa mga mahahalag bagay ng Dévas.

Ito ay gagawin kong lugar na tataguan ko ng mga importanteng bagay, mga bagay na higit pa sa ginto, pilak o anumang kayamanan.

Hindi ko muna sasabihin kahit kanino kong ano ang ilalagay ko sa silid na iyon.

Gamit ang hangin ito ay isinara ko at tanging kadugo na kakampi ko lamang ang maaaring makapasok dito.

Babaeng Kakaiba  || Completed |Where stories live. Discover now