Chapter 14

918 21 3
                                    

Napakabilis ang mga kaganapang nagaganap dito sa Dévas .
Maaga pa at hindi pa sila nagigising, hindi ako nagpaalam at dinalaw ko ang dating Etheria. Kung titingnan mo ang kaharian mula sa himpapawid tila wala nang nainirahan dito.

Pumasok ako at nakasalubong ko ang mga rebelde. Tinutukan ko sila ng aking armas at sinabi kob na magpapakilala sila sa akin.

Sila ay ang mga rebeldeng tinatawag na Mecca sila ay kilala bilang barbaro noon ngunit nang inagaw atsinunog ni Minea ang Etheria, binigyan sila ng pangalan ni Minea bilang mga alagad o Mecca.

Tinanong ko ang isa sa kanila kung nasaan si Minea pero, sa halip na sagutin niya ang aking katanungan, nakipaglaban sila sa akin. Naisip ko na nagsasayang lamang ako ng oras kaya kinunan ko na lamang sila ng hininga at binasa ang kanilang isipan. Nabasa ko sa kanilang isipan na.. sila ang pumatay sa aking ina.. nabasa ko rin ang lokasyon kung nasaan si Minea.

Agad akong naglaho at pinuntahan ko  ang silid ni Minea.
Binati niya ako at sinabi niya sa akin, na "Reyna ito laban sa reyna." Hindi ko batid kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.
Binasa ko ang kanyang isipan at itinuturi pala niya ang kanyang sarili bilang "reyna".

Pinngaralan ko naman siya na, hindi ito ang panahon upang gumawa ng biro, ang reyna ay hindi isang taksil, tuso at higit sa lahat pipiliin niyang mamatay upang iligtas ang lahat ng mamamayan ng kanyang nasasakupan.

Nasisiraan na siguro ng bait ang aking kapatid.
Napatawa na lamang ako sa mga binibigkas niya tungkol sa kanyang sarili.

Minea!! tama na bumalik kana sa Dévas at ibigay mo na kay Haring Raquim ang kanyang kaharian. Yun ang sinabi ko sa kanya ngunit ayaw niyang makinig.

Mas malala pala sa inaasahan ko ang mangyayari...
Ginamit niya ang apoy upang sumpain kami ni Dyana at Raquim na kapag sa oras na papasok kami sa Etheria, masusunog kami.

Sinubukan kong ipasawalang bisa ang sumpa pero  huli na ako. Nararamdaman ko na na parang nasusunog na ako.
Agad akong nglaho at umuwi sa palasyo ko.

Binigyan ko na ng babala si Dayana at si Raquim tungkol sa sumpa ni Minea sa amin.

Humingi rin ako ng patawad kay Raquim dahil hindi ko nabawi ang Etheria...

Nag-agahan na kami at nagtataka ako kung bakit may mga magagandang bulaklak sa paligid at ito ay mababango pa. Kakaiba rin ang kulay ng mga bulaklak tila hindi ito pangkaraniwan.

Biglang lumapit sa akin si Raquim at dala-dala niya ang isang malliit na kahon.. Lumapit rin si Dayana at tila bihis na bihis siya. Ngumiti lahat ng tao na nanduon.
Lumuhod si Raquim sa aking harapan at binuksan niya ang maliit na kahon at nakita ko ang isang singsing.

Ano ang gagawin ko tila kinakabahan ako.
Hinalikan ni Raquim ang aking mga kamay at sinabi niya na pwede ba daw na ako ang magiging asawa niya.

Sinagot ko ang kanyang tanong sa isang matamis na Oo.
Napatunayan na ni Raquim na mahal niya ako at ako ay nasa hustong gulang na rin para dito.

Magpaplano na kami sa aming kasal.
Tuwang tuwa si Dayana para sa akin sinabi niya na bagay raw kami ni Raquim.

Sa isang lamesa sa silid pumunta kami ni Raquim at nagpalno kami tungkol sa aming kasal ito ay magaganap a susunod na Linggo.

Ang kulay ng aking damit ay asul na may kaunting berde at puti.
Parang gustong ibigay lahat sa akin ni Raquim...
Noon pa man hindi ko hinahangad na magkaroon ng magarbo at napakabonggang kasal.

Ang gusto ko sa isang kasal ay makadalo ang aking kapatid at ang importante doon ay, nagmamahalan kami ng lubos.

Talaga ngang itinadhna ako ni Bathala kay Raquim.

"Ako na marahil ang pinakamasayang tao dito sa ating lupain.
hindi lang dahil ang reyna ang mapapangasawa ko kundi isang mapagmahal at maarugang babae" sabi ni Raquim.

Naisip ko si Minea, mahal na mahal niya si Raquim...

Ano na kaya ang mangyayari sa kanya kapag  malamn niya na ikakasal na kami....
Lalo kaya siyang lalayo sa akin, at hindi na ako patawarin.

Habang papalapit ang araw ng aming kasal, lalo kong nararamdaman ang tensyon sa pagitan namin ni Minea.

Ito ba kaya ay parte ng tadhana ko ang itakwil ako ng aking kapatid, ang ikasal kay Raquim.?

Parte ba ito sa buhay ko na lahat ng sa akin ay gustong agawin ni Minea,?

Mapait man ngunit dapat matanggap na ito ni Minea...

Dapat niyang intindihin na si Bathala ay hindi pa nagkakamali... wala siyang gagawing hakbang na ikasakit namin... lalo na sa kapatid ko.



( OMG!!! may forever talaga si Cassiopeia at Raquim... sana hindi paasahin ni Rquim si Cassiopeia..... )

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon