Chapter 28

532 11 0
                                    

Buo na talaga  ang pamilyang ninanais ko,kumpleto na kami dahil nandito na si Alena ang aking munting anak. Ito ang unang araw ni Alena  sa palasyo at ako mismo ang magpapalaki sa kanya ayaw ko  na alagaan siya ng isang dama   sapagkat gusto kong makasama ang aking anak. Si Raquimmuna ang inatasan kong  maging pinuno ng sandatahan kasama si Zandro at si Dayana naman ay ang magiging tagapangalaga sa trono at siya muna ang inutusan kong magbigay sahod sa mga kawal at dama.

Para akong nagbabakasyon, pero ang totoo ay ginawa ko ito upang makasama si Alena gusto kong ibigay sa kanya ang lahat ng oras ko...  Mas masaya pa ang pagaalaga sa isang anak kaysa pagbabaksyon upang mas maalala ako ng anak ko, kinantahan ko siya ng kantang malumanay na, si Dayana, Raquim at si Alena lamang  ang nakaka-alam...

Kaming may dugong maharlika ay kakaiba, madali kaming matuto at lumaki pero kapag sumapit na ang panahon ng paglipat ng mga ibon, babagal na ang pagtanda namin. Kaya kung ang napangasawa ko ay isang diwata lamang, mas bata pa akosa kanya o kaya, mas madali akong maging matanda. Kaya habang bata pa  ang aking anak, sinasamantala ko ang panahon upang maalagaan siya.

Pinapakain ko siya ng masusustansyang pagkain para lumaki siyang malusog at mabuti. Nakakatuwa din  namang tinggnan ang anak ko. Mahilig siya sa prutas at tinapay.

Makalipas ang anim na taon,......

"Nay... tay!!! magandang umaga" ginising niya kami at hinalikan ko siya sa noo...
"Magandang umaga anak" binati siya ni Raquim.
Lumabas kami sa silid namin ni Raquim. Si Alena kasi ay nasa silid na niya.. hindi na siya natutulog sa silid ko.

"Magandang umaga hena Dayana ang ibig sabihin ng hena.. ay tiyahin .."
binati naman siya ni Dayana "Magandang umaga Alena.. tayo na pumunta na tayo sa mesa at mag-agahan na tayo.."
Makulit si Alena at dumating na nga ang panahon upang malaman niya ang tungkol sa isa niyang Hena si  Minea..
Sinabi naman niya sa akin na "hindi dapat kayo ganyan ina, dapat magkakabati kayo dahil magkakapatid kayo".

"Hindi mo pa maiintindihan Alena" wika ni Raquim..

Sumigaw si Alena.."Nay ang daming paru-paru.."

Hinawakan namin ang kanyang kamay at sinabi namin ni Dayana na .."Panahon na"

Ipinatawag ko ang mga dama at lahat ng mamamayan upang, matunghayan nila ang magiging kapangyarihan ni Alena..
Tumugtog na ang mga trumpeta at kinoronahan namin si Alena ng isang munting korona.. bawat hara kasi ay may korona.. ito ang nagrerepresenta sa kanila na sila ay maharlika.. si Minea ay may koronang pula, si Dayana ay may dilaw na korona na parang dahon at ang korona ko noon ay parang pakpak ng ibon.

Alena buksan mo ang iyong mga kamay". sinabi ko sa kanya..
Lumapit kaming tatlo ni Dayana at ng akin asawa upang bigyang basbas si Alena..

Basbas ni Dayana: Naway maging matatag ka..
Basbas ni Raquim: Naway maging isa kang mabuting pinuno.
Basbas ko naman sa kanya: Naway bukas ang puso mo sa
                                                     kabutihan.

Ngumiti si Alena at inilabas niya ang kanyang kapangyarihan,... bukod sa kapangyarihan niyang maglaho.. may kapangyarihan din siyang kontrolin ang kidlat.. Namangha ako sa kakayahan niya sapagkat ang lakas ng enerhiya niya at napanganga ang lahat ng tao..

Maligayang pagbati Alena.. ngayon.. may kapangyaihan ka na.. ngunit dapat gamitin mo lamang ito sa kabutihan at dapat mo itong linangin at dapat magsanay ka para mas magaling kang gumamit nito..

"Nay, itay at sa inyong lahat... ipinapangako ko... na uunahin ko ang kapakanan niyong lahat bago ang buhay ko at sisiguraduhin ko na hinding hindi ko kayo bibiguin.

Nagulat si Dayana dahil parang matanda na magsalita ang anak ko.....

Kaya naman inutusan ko si Zandro na maging tagapagtuuro ni Alena kung papaano gumamit ng sandata at si Dayana naman ay kung paano gumamit ng kapangyarihan niya... tinuruan ko naman siya kung paano maglaho gaya ng hangin.. medyo pareho lang ang mga kakayahan namin ni Alena mabilis siya tulad ng kidlat..

Sa hindi inaasahang pangyayari sa labas ng palasyo..
"Pashneya!!" nagpakita si Minea dala ang mainit na apoy.. Agad kaming naglaho ni Dayana upang kalabanin siya at sinabihan ko si  Raquim na itago at protakahan si Alena laban sa kanyang masamang Hena. Nagtanong si Alena sa anyang ama kung sino si Minea at sinagot naman  ito ni Raquim..
Ayaw ko sanang gumawa ng bayolente ngunit pinipilit ako ni Mnea na gawin ito sa kanya.

Napaslang ni Minea ang dalawang kawal at umiyak si Alena na may halong galit.. Nabigla na lamang ako nang naglaho si Alena patungo sa amin at tinamaan niya si Minea ng isang malakas na kidlat.. hindi ako makapaniwala at dumating si Sahara at naglaho silang dalawa..

Sinabihan ko si Alena na " Alena salamat sa pagtulong mo, ngunit dapat matapos mo muna ang pagsasanay mo bago ka sumabak sa isang labanan."

"Bukas ay ihanda mo ang iyong sarili anak dahil magsisimula na ang pagsasanay mo.." sabi ni Raquim

Kaya ngayon anak ay magpahinga ka na muna.. at may tatapusin pa ako..

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon