Chapter 43

935 17 2
                                    

POV ni Cassiopeia

Nadarama ko ang tubig mula sa aking mga mata na unti-unting tumutulo patungo sa aking pisngi. Wala akong magawa kundi ang tumindig at manigas sa nadarama kong sakit sa aking dibdib.

Hindi ko alam kung bakit tila wala akong maigalaw na bahagi sa katawan ko. Gusto kong paslangin si Raquim, gusto kong ipadama sa kanya ang sakit na nadarama ko sa aking puso.

May mga salita na lumabas sa aking bibig, "Minahal mo ba ako?" Kinuha naman ni Raquim ang kanyang espada, "May minahal akong iba sa mundo ng mga tao, at kahit kailan hindi kita minahal, ano masaya kana.?"

Biglang naglaho si Dayana at Minea sa harap ni Raquim at naglaban ang kapangyarihan ng lupa, apoy at tubig. Ang pagsali sa labanan nila ay aking piniigilan. Naglaho na lamang ako.

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng husto at pumunta sa ulap. Doon nakita ko ang Dévas at siyang naging tahanan ko. Pinabayaan ko na sila Minea dun pero sinabihan ko sila na, "Huwag niyong patayin si Raquim pakiusap, dalhin niyo siya sa mundo ng mga tao."

Nakita ko sila na pumunta sa lumang puno ng lagusan, nakita ko na sinubukan ni Raquim na manlaban sa kanila pero malakas si Minea at Danaya.

Dito sa mga ulap na kinatatayuan ko, nadama ko ang pagmamahal na pinapangarap ko. Inihip din ng hangin ang buhok ko. Puro puting ulap lamang ang nakikita ko dito.

Naisip kong sundan si Raquim sa mundo ng mga tao at nakita ko siya doon, kinuha na  ni Dayana at Minea ang kapangyarihan niya at nakita ko siyang tumatakbo.

Tumatakbo siya tungo sa isang babae at narinig ko mula sa hangin na, "Mahal ko ang tagal mo nang nawala!". Ang mga salitang yun ay ang umaalingawngaw sa tenga ko.

Ang puso kong noon ay tumitibok para sa kanya, ngayo'y nararamdaman ko na unti-unti na itong nawawasak at nawawalan na ng alab ng pagmamahal. Nagyakapan silang dalawa at pinabayaan ko.

Bumalik na ako sa mundo namin at hindi ko akalain na sa puno ng lagusan ay hinihintay ako ng mga kapatid ko. Agad nila akong niyakap at sinabihan ako ni Minea na, "Patawad sa mga naggawa kong kasalanan sa iyo, hindi ko ninanais na saktan kita."

Hinawakan ko ang mainit niyang kamay, "Minea, kaya kitang patawarin, pero ang sakit ng puso ko ngayon, ay hindi ko alam kung ano ang gagawin para mawala itong sakit na ito."

May binigay naman na alok si Dayana, "Gusto mo bang paslangin ko ang babaeng tao na niyakap ni Raquim?''... Hindi ako sumangayon, "Pabayaan mo na sila, at isa pa wala nang pangalan na Raquim ang mababanggit pa, siya ay ang masamang si Harry."

Siguro nga makapangyarihan ako, pero bobo naman ako, dahil hindi ko naisip na ganun pala ang gagawin ni Harry sa akin, Ito b ang gustong tadhana ni Bathala para sa akin?

Ang masaktan ako, mawasak ang damdamin ko at mawala sa isipan ko? Ito ba ang tadhana ko matapos kong makamit ang kaligayahan ko noon na minsan ay nawala na.

Ang mga pangyayari na ito ay hindi kanaisnais.

Ayaw ko nang masaktan pang muli... Kaya nagpaalam na ako ni Dayana at Minea na aalis ako sa Dévas at sana maging mabuting pinuno sila..

Naglaho ako at nagtungo sa kaharian na tintawag na Calsero.. oo nagtungo ako don..sa nasirang Calsero...

Ang akala nila Minea ay pupunta na ako sa mundo ng mga tao.. pero hindi nila alam ang binabalak ko...

Gamit ang espada ko ay pinatay ko ang aking sarili at nalaman ito ni Dayana, sinubukan nilang buhayin ako, pero hindi na nila naggawa iyon.

Ako ay naging hangin na ngayon, na ginagamit ng lahat upang huminga, ayaw ko ang naririnig kong iyakan nina Minea at Dayana at bilang isang kaluluwa, pinalakas ko ang hangin.

Wala na ang Cassiopeia na hinahanap nila
..

Ilang taon ang lumipas, naging magaling na pinuno si Minea at nagkaroon siya ng apat na anak. Si Dayana naman ay naninirahan sa mundo ng mga tao kasama si Zandro.

Ako naman ay kasama ko ang daloy ng hangin sa buong Dévas at inisip ko na ako ang nagbibigay ng hininga sa kanila kaya hindi ako nagsisisi sa ginawa ko.

Nagtayo ng kaharian si Minea na pinangalanang Cassiopeia,...

Nakasama ko si Bathala at Odessa sa ibabaw ng mga ulap.. at sinabihan ako ni Bathala na, "Cassiopeia, isang malaking kabayanihan ang ginawa mo kaya ikaw ay magiging diyosa na ngayon, hindi lang yan ang makukuha mo kundi iguguhit ko ang iyong wangis sa buong kalawakan."


Yumuko ang lahat ng nilalang at nakita nila ang isang grupo ng bituin na tila pumuporma ng isang Reynang nakaupo at tinawag nila itong Cassiopeia.

***********************WAKAS***************************


THANK YOU FOR READING.... PLS.. READ THE AUTHOR'S NOTE!!!!

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon