Chapter 15

774 18 0
                                    

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ako sa lalaking pinakamamahal ko.

Nahuli ako ng gising ngayon...
Ginising ako ni Dayana sa aking silid, pero hindi pa rin ako gumising dahil pagod na pagod ako... umalis nalang si Dayana at iniwan niya akong natutulog.

Makalipas ang ilang minuto pumasok si Raquim sa silid ko upang sabihan ako na magaagahan na kami.
Oo lang ang sinabi ko at bumalik pa rin ako sa pagtutulog.
Binasa ni Raquim ang pisngi ko at agad agad akong gumising at napasigaw "Raquim?"

Tumawa nalang si Dayana at Raquim.

Hindi ko napapansin ang oras dahil mahimbing akong nakatulog. Nahihiya ako dahil sa harap ng kapatid at magiging asawa ko ay para akong tamad na ayaw gumising.

Kumain na kami.
Busog na ako at punong-puno na ang tiyan ko.

Ang dami-dami ng mga pagkain kaya inimbita ko ang mga dama at kawal upang saluhan kami.

Bakit kaya nagmamadali si Dayana? Bakit parang hinahabol siya ng kabayo?

Sinundan ko si Dayana at nakita ko siya na papunta sa labas.
Hinawakan ko ang kamay ni Raquim upang maging hangin kami at maabutan pa namin si Dayana.

"Saan ka papunta" bigkas naming duha.

Umikot ang mga mata ni Dayana sa akin at itinanong ko kung bakit?

Hahaha nakalimutan ko pala na dapat na akong pumili kung sino ang gagawin kong Heneral ng mga Kawal dito sa Dévas.

Maraming magigiting na lalaki ang sumali at handang ipakita ang lakas, nila upang maging Heneral.

Tinignan ko muna silang lahat sa pinto at minamasdan ko muna ang kinikilos nila.

Paglabas namin naging pormal at tahimik silang lahat.
"Anong nangyari?"
Kanina lamang ay tuwang tuwa kayo sa pageensayo ngayon, ay parang mga maamong aso na kayo.

Yumuko silang lahat at nagbigay pugay sa paglabas ni Raquim.

Isa-isa silang pumasok at ipinakita ang kanilang lakas ako kasi ang dapat na mamili.

Mahirap pumili dahil pareho silang malalakas at magagaling.
May naisip ako na ideya gagawin ko silang mga kawal, upang mas lalong lumakas ang aming sandatahan laban sa mga kaaway kasali na si Minea.

At sa wakas at may napili na akong heneral.
Siya ay si Zandro.
Si Zandro ay kababata ni Dayana.

Natuwa si Dayana at tinukso ko siya...
Umakbay sa akin si Raquim at tinukso namin si Dayana kay Zandro.

''Ikaw Dayana nahanap mo naba ang pinakamamahal mo?" tukso ni Raquim.

"Baka gusto mong manahimik ka Raquim" sambat ni Dayana at namumula anv kanyang pisngi habang pinalapit ko si Zandro sa gilid niya.

"Mabuhay ang lahat ng kawal na handa tayong ipagtanggol"

"Mabuhay...!!!" sigaw ng mga mamamayan ng Dévas at Etheria

Gamit ang aking espada pinarangalan ko si Zandro bilang isang Tapat na Heneral ng lupain.


GABI NA...

Ito ang unang gabi na kasama namin si Zandro sa pagkain, parang nahihiya pa siya kay Raquim at sa akin, ngunit pagdating ni Dayana, naibsan ang kanyang pagkamahiyain.

Pinakalma ko ang kanyang damdamin, "Huwag kang mahiya Zandro dahil ikaw ay parte na ng kaharin."

May isang tela sa isang silid nakita yun ni Zandro, nagtanong siya sa akin kung pwede ba daw niyang gamiti iyon, at sumangayon naman ako.

Wala akong alam kung ano ang gagamitin niya sa puting tela na yon. Palagi nalang siyang nakakulong sa kanyang silid at madalang lang ang kanyang paglabas.

Ipinatawag niya kami ni Raquim agad naman kaming pumunta, akala namin kung ano na ang nangyari.

Namangha kami nang makita namin na ako at si Raquim ay ipininta ni Zandro sa puting tela.
Talagang nasiyahan kami.
"Magkano yan Zandro?" tanong ng ng hari.
"Mahal na reyna at hari, ito ay libre na, ito ay ang pasasalamat ko sa inyong mag-asawa ".
Sabay naming sinabi na hindi pa kami mag-asawa at maraming salamat.

Ipinakita ko ito kay Dayana at iba ang ngiti niya.

Maswerte talaga kami na nagkaroon at napili namin ang magiting, matipuno at magaling na debuhista at pintor, na kawal.

Inilagay na namin ang pinta sa isang silid.

Mula noon kinalausap na kami ni Zandro at napapalapit na ang aming loob sa kanya.

Nakita ko sila ni Raquim na nagtatagay ng mamahaling inumin.

Hindi rin kami nagpahuli ni Dayana gamit ang kapangyarihan namin gumawa kami ng pagkain at kumain kaming apat.

Gabing-gabi na pala at pinatulog ko na silang tatlo.








Babaeng Kakaiba  || Completed |Where stories live. Discover now