Chapter 24

528 12 0
                                    

Nakakagulat talaga ang ugali ni Minea, ginawa ko lamang ang sumpa upang maprotektahan ko ang aking dinadalang anak. Inpinangako ko sa sarili ko na magiging mas magiging responsable na ako lalo na kapag isinilang ko na si Alena. Dapat kasi hindi ako magiging padalos-dalos at hindi dapat ako maging kampante dahil tatlo kami at isa lang si Minea.

Talaga namang ang laki na ng pinagbago ng mga rebeldeng Mecca, mas lalo silang lumakas at lalo silang lumalayo sa mabuting landas. Alam ko na hindi ito magugustuhan ng aking anak ang mga nangyayari dito sa Dévas at maging ang mga kaganapan sa Etheria

May kakaiba kasing angkin na kapangyaihan si Minea napapasunod niya ang mga masasamang diwata sa kanyang gusto, subalit kampante na ako sapagkat ang masasamang diwata lamang ang sumusunod kay Minea. Ang pinagaalala ko lamang ay kung ano ang magiging kapanyarihan ng aking anak, sana may sapat siya na lakas, upang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Dayana's POV

Kaya ko namang alagaan ang kapatid ko at ang magigiing anak niya subalit gusto kong makasiguro na hindi talaga mapasakamay ng masasamang nilalang si Alena kaya dapat may gawin akong sumpa at isang basbas upang pangalagaan ang anak ng Hari ng Etheria at ang Reyna ng Dévas.

Minea's POV

Alam ko sa sarili ko at inaamin ko n mayroon din akong kahinaan. HIndi ako nababahala dahil hindi alam nina Cassiopeia kung ano ang sinasabi kong kahinaan. Hinding hindi nila ako matatalo kahit na tatlo pa sila sapagkat alam ko kung ano ang kahinaan ni Raquim at ng sutil na si Dayana. Ang hindi ko pa nalalaman ay ang kahinaan ni Cassiopeia at yun ay aking aalamin. Mahalagang bagay para sa akin ang malaman ang kahinaan nila.

Ngayon, dahil sa sumpa na ginawa ng pashneyang Cassiopeia na iyon, hindi na ako makakapasok ng Dévas ng madali, kailangan ko pang makipaglaban sa mga walang kwentang kawal na alam ko na kapag gagawin ko iyon ay siguradong malalaman nila na umaatake ako. Bakit pa kasi si  Cassiopeia ang nagkaroon ng kapangyarihan ng hangin, kasi naman walang itinatago ang hangin sa kanya, maliban nalang kung isinump ang bagay o diwata na iyon.

Sinimulan ko na ang pagpaplano sa muling paglusob namin sa  Dévas at sisiguraduhin kong walang matitirang buhay. Kaya hahanap ako ng mga diwata na magiging ispiya sa Dévas at gagawin ko siyang tagamasid sa mga balak ni Cassiopeia at maging ang pagnakaw sa korona at anak ng mangaagaw kong kapatid.

POV ni  Cassiopeia

Mabuti nalang na nagawa ko kaagad ang sumpa at naprotektahan ko ang mga tao sa aking kaharian, mabuti nalang na hindi ko napairal ang puso ko. Kung puso ko pa ang ipinaiiral ko dun, eh hindi ko magawang hindi papasukin si Minea. Handa ko siyang mapatawad kung hihingi siya at kung babalik din siya sa mabuting lkandas ay handang handa ko naman siyang tanggapin. Malinis ang intensiyon ko ang tanging gusto ko lamang ay ang mamuhay ng mapayapa kasama ang mga kapatid, asawa at ang mga mahal sa buhay ko.

Minsan rin hindi ko na kakayanin ang galit ko kaya minsan gaya ng emosyon ko nadadala rin ang hangin, magiging masama ang panahon at ayaw ko namang maglihi  ng magiging anak ko ng isang masamang ugali. Kaya sa tuwing nakikipaglaban o nageensayo si Dayana gusto kong magaya rin iyon ni Alena at maging mahusay siyang Reyna balang araw.

Nagdala ng pagkain para sa akin si Raquim at pinasalamatan ko siya. Masarap ang pagkain at niluto pala niya iyon. Habang niyayakap ako ni Raquim nararamdaman ko talaga na mahal na mahal ako ng asawa ko. Siya ang magiting na Hari ng Etheria at ipinagmamalaki ko na iinasal ako sa lalaking gaya niya.

Ehrmmm... paubong tinukso ko si Dayana kay Zandro at ngumiti lamang si Zandro at para bang kinikilig habang si Dayana naman ay tila bata pa rin ang pagiisip tumawa siya na parang nagpapanggap lang na hindi kinikilig sapagkat lam ko na sa loob ng kanyang puso at isipan, kinikilig yun datapwat patay na patay siya kay Zandro.

Nakakatuwa namang tignan na palaki ng palaki na si Dayana at parang ayaw na niyang gabayan ko siya dahil nahihiya siya kay Zandro.

Tumugtog ang mga trumpeta at may bisita kami.. at hindi lang isang pangkaraniwang diwata o diwani kundi isang bathala naganyo tao siya at may dalang biyaya.




(sino kaya ang sinasabi ni Cassiopeia, sino kaya sa mga pnginoon ang bumisita ng Dévas)

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon