Chapter 21

614 17 2
                                    

Nagdadalang-tao na ako at si Raquim ay magiging ama ng isang Hara na ang magiging pangalan ay si Alena....
Iba pala ang nadarama mo kapag may dinadalang tao ka...iba kasi kami ni Dayana sa lahat, kami ay magdadalang tao lamang kung ayon ito sa plano ni Bathala. Ito  ang isa sa mga dahilan kaya masasabi ko na ako ay isa sa pinakamaswerteng Hara sa buong Dévas. Limang buwan na lamang ay magbibigay na ako ng buhay sa isang diwani o isang babaeng diwata. Nasasabik na akong makita ang mukha ni Alena.
Lumabas ako ng silid namin ni Raquim, at hinayaan ko muna siyang matulog. Oo, nagiisa na kami ng silid ng asawa ko, ang silid niya noon, ay gagawin naming silid ni Alena kapag lumaki na siya at sa ngayon, doon ko muna ilalagay ang mga damit namin ni Dayana.

Lumabas ako upang makakuha ng preskong hangin. Parang niyayakap ako ng hangin nadarama ko ang pagmamahal ng isang ina, parang niyayakap ako ni Inang Reyna..
"Kumusta ang aking kapatid?" tanong ni Dayana sa akin habang kinuha niya ang mga kamay ko. "Mabuti naman ako Dayana" sagot ko sa kanya. Nagkuha siya ng pagkain at maiinom at ibinigay niya sa akin, nagpasalamat ako sa kanya at ikingagalak kong makita ang tuwa sa mga mata niya.
Tanong ni Dayana sa akin, "Mabuti nalang at hindi nanggulo si  Minea sa iyong kasal mahal na reyna." pinangaralan ko naman siya na, "alam mo Dayana ikatutuwa ko kung dumating si Minea, subalit isa siyang malayang diwata nasa mga kamay niya ang kanyang mga tadhana.

Dumating si Raquim at ipinaubaya na ni Dayana ang oras para sa amin. "Magandang araw mahal," sabay na pagbati namin sa isa't isa. Ikinalulugod kong makita ang mga ngiti sa likod ng iyong mata, kaya hali ka umupo ka at nagdala rin ako ng masasarap na pagkain para sa iyo. Nagsabay na kaming kumain at sinubuan niya ako ng masarap na pagkain na iniluto niya. 

Kakaiba pala ang magkaroon ng asawa, may roon kang tagapagtanggol, mayroong nagmamahal at nagaaruga sa iyo, mayroon ka ring karamay sa anumang problema na hinaharap mo. Ang aking asawa ay talagang mabait. Hindi niya inaalintana ang pagod kapag ang paguusapan ay ang kapakanan ng Etheria at maging ang kaligtasan ko....

Gamit ang kapangyarihan ng tubig gumawa siya ng anyo ng isang pau-paru at gamit naman ang lamig ng hangin ay, pinatigas ko ito.

Ipinagpatuloy namin ang aming pagkain....

POV ni Minea

Wala talagang ibang alam na gawin si Cassiopeia kundi, ang mang-agaw at wasakin ang nakalaang tadhana para sa akin.
Nabalitaan kong magkakaroon daw sila ng anak na babae.
Mas mahihirapan na ako ngayon, dahil kung mapaslang ko man si Cassiopeia, may anak na hahalili sa kanya at magiging reyna si Alena hindi lamang sa Dévas kundi sa Etheria. Mga ashtadi talaga ang mga kapatid ko. Isa pa si Dayana isang sutil na bata yan noon at hanggang ngayon ay hadlang a rin siya!! Hindi parin siya nagbabago,.... wala pa rin silang mga Utak! iniisip siguro nila na basta-basta na lamang akong magpapatalo... pwes...!! Human da sila,.. papaslangin ko silang lahat gamit ang init ng kapangyarihan at galit ko...

"Mga Mecca!!!" sigaw ko sa mga rebelde...
"Maghanda kayong lahat, dahil limang buwan na lamang ay, isisilang na ni Cassiopeia si Hara Alena at pagkatapos nun ay lulsob tayo ng Dévas, katulad ng ginawa ko dito sa Etheria noon,  marami rin ang mapapaslang na mga diwata".

"Hindi magtatagal ang tuwa sa mga mata ni Cassiopeia dahil aagawin ko sa kanya si Dayana at Raquim at kukunin ko ng kanyang kapangyarihan na magbasa ng isispan at ang kapangyarihang paamuhin ang hangin."ito ang palaging ilalagay ko sa isipan ko na dapat hindi na tumagal ang pamumuhay ng kapatid ko dito..

Hindi rin magtatagal ay matitikman na din nila ang aking kalupitan at kasamaan ..
"Mabuhay si Minea" sigaw ng mga rebeldeng Mecca..

Cassiopeia's POV

Busog na busog na ako at kailangan ko nang pumunta sa silid upang magbihis ng damit dahil may dadalaw na bisita o mas kilala bilang taksil, kahit na malayo si Minea ay kaya ko paring basahin ang isipan niya kaya, maghahanda rin kami dito bilang reyna ng Dévas hindi ako papayag na kunin niya ang korona na hindi dapat isuot ng masasama at bilang isang ina, hindi ako papayag na basta nalang nila kitilin ang buhay ng magiging anak ko!!!



(OMG... its getting hot and the wind is so stiff like the land.. hahaha combining the powers of the three Hara's
Don't forget to vote!!!!)))))))

Babaeng Kakaiba  || Completed |Where stories live. Discover now