Chapter 23

550 13 1
                                    

Agad kong kinuha ang sandata sa gilid ni Raquim at mabuti nalang na hindi nasaksak si Raquim ni Minea. Yumanig ang lupa sa kinatatayuan ni Minea at nakipaglaban si Dayana sa kanya. Sinabihan ako ni Dayana at Raquim na magtago dahil makasasama ito sa kalusugan ng bata, kung maglalaban kami ni Minea at kung masusugatan din ako yun din ang matatamong sugat ni Alena. Kaya naman agad akong naglaho at pumunta ako sa silid at isinara ko ang pintuan gamit ang pwersa ng hangin. Hindi ko na alam ang nangyayari sa labas at hindi ko sila maaring tulungan kaya ipinatawag ko ang mga kawal at inutusan sila na kunin si Minea at siya ay kulong.

(sa gitna ng paglalabanan)

Kinuha ni Dayana ang kanyang armas na "arnis" at si Raquim ay kinuha din niya ang kanyang sibat. Malakas si Minea at hinding hindi siya magpapatalo...

Pinaghahampas ni Dayana si Minea at agad namang pinainit ni Minea ang paligid dahil hinawakan niya ang kamay ni Dayana at Raquim at naglaho sila papunta sa Etheria, kung saan napakaraming Mecca o mga rebelde.  Planadong-planado na ito ni Minea dahil nakapaghanda siya kung saan gaganapin ang kanilang labanan at nakapaghanda rin siya ng kanyang mga kawal.

Matagal pa bago makarating sa Etheria ang mga kawal ng Dévas na pinangungunahan ni Zandro kaya lumabas ako sa aking silid at gamit ang kapangyarihan ng isipan ko tinawag ko ang isang dragon at inustusan ko na ihatid si Zandro kung nasaan sina Minea. Hindi talaga ako mapakali...

Dumating na ang dragon at naihatid na si Zandro. Ngayon medyo kampante na ako dahil may kasama na silang dalawa. Hinding hindi ko matitiis ang aking asawa at kapatid kaya ipinadala ko ang heneral ng mga kawal namin.

Magaling din kung mag-isip si Minea dahil pinainit niya ang mga armas upang hindi na ito mahawakan nila kay, gamit ang tubig muling pinalamig ni Raquim ang mga armas at agad itong pinulot nina Dayana upang kanilang gamitin... Hindi kaya ni Raquim na sabayin ang paggamit ng armas at kapangyarihan kaya si Zandro at Dayana ang kumalaban sa mga Mecca at si Raquim naman kay Minea.. "Hindi na maar ito!!" sigaw ni Dayana kaya inutusan niya ang lupa na bigyan siya ng lakas at sa isang atake lang ay napatumba ni Dayana ang mga Mecca at pinuntahan nila si Raquim upang tulungan. Ayaw ni Dayana na masira ang dating palasyo ni Raquim kaya hindi siya  makagawa ng malakas na lindol..

"Inuutusan ko ang tubig na gumawa ng daluyong at puksain an mga masasamang tao dito!!" wika ni Raquim..
"Nababaliw kaba? Sisirain mo ang palasyo mo?" tukso ni Minea.
"Masaya ako kahit saan ako manirahan bastat kasama ko ang pamilya ko!!" sumbat ni Raquim..

Dumating na sina Dayana at natakot si Minea at umatras siya...
Naglaho silang tatlo at dumating sila sa harapan ko..
Agad kong niyakap ang kapatid at asawa ko at tinanong ko si Zandro kung may nasugatan ba sa kanila... Mabuti at sa awa ni Bathala ay walang nasugatan sa kanilang tatlo. Isinalaysay ni Dayana ang naganap at ikinagagalak ko na ligtas silang lahat at ipinagdarasal ko ni Bathala na sana hindi na maulit ang mga pangyayari...

Gamit ang proteksyon ng hangin... isinumpa ko na sa oras na may pumasok na kahit sinong may balak na saktan kami, at sa oras na may kalaban na magtangkang pumasok sa palasyo.. eh mawawalan sila ng hininga. Sigurado ako na mas mahihirapan si Minea na makapasok sa Dévas at gawin ang kanyang mga binabalak laban sa amin.

Narinig ni Minea ang sumpa ko at lubha siyang nagalit, hindi na niya alam kung ano ang gagawin dahil hindi na siya makakapasok pa muli ng Dévas.



(Yeyyyy,.... go Cassiopeia .... ipaglaban mo ang Dévas!!!!!)

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon