Chapter 31

504 14 5
                                    

Ngayon.. na ang araw upang ideklara na kung nakapasa na ba ang aking anak sa pagsubok... at naaalala ko na gagawin namin ang plano namin ni Dayana sa kanya at nasasabik na kami kung ano ang magiging reaksyon niya.. Natutulog pa siya ngayon, at maya-maya ay sigurado ako na gigising na yan, upang mainig ang bibigkasin ni Zandro at Dayana  tungkol sa pagsasanay..

Natuwa ako at kumpleto kami sa hapag-kainan, kaming tatlo kasama ang kapatid, at tapat na heneral ng mga kawal namin.
Katabi ko si Alena at parang seryosong-seryoso siya.. Walang kahit anong salita ang lumabas mula sa kanyang bibig at tinitinggnan niya lamang ang mga mata ko at ang mga mata ni Raquim.

Kumin kami ng panghimagas at tinanong ko si Alena kung kamusta siya. Sinabihan laang niya ako na mabuti naman ang lagay niya. Ilang saglit pa lamang ay... tumingin na si Dayana sa akin at parang nagsasalita na ang mga mata niya na gusto niyang gawin ang binabalak namin. Nagsalita si Zandro..

Ito ang resulta ng iyong pagsasanay mo Alena... wika ni Zandro "Magaling ka sa pagaatake at malakas din ang depensa mo, gusto ko rin ang stratehiya mo na ginagamit mo ang talas ng iyong mga mata gaya ng kidlat sa tuwing umaatake ka, kaya pasado ka sa pagsubok ng iyong lakas..
Ngumiti si Raquim at sinabi niya na "manang-mana ka sa akin anak ikinalulugod ko iyon."

Hindi nagtagal at ngumiti ng konti si Alena at nagsimula nang magsalita si Dayana ... "Alena alam ko na ikaw ay aking pamangkin at alam mo rin na mahal na mahal kita hindi ba?" sumang-ayon si Alena...
ipinagpatuloy ni Dayana ang kanyang pahayag "Malakas kang diwata gaya ng tatay mo at matalas din ang isipan mo at may natatangi kang kapangyaihan gaya ng nanay mo..ngunit.. ikinalulungkot ko na hindi ka pumasa...." ilang saglit pa lamang at parang tumingin si Alena sa akin... kinumporta naman siya ng aking asawa, "anak hindi ka pumasa dahil.. pasadong-pasado ka!!" at yinakap ng aking anak si Dayana..

Tumawa kaming lahat at pati na si Alena ay tumawa na rin. Binati namin siya dahil napatunayan na  niya na siya ay karapat-dapat at kaya na niya ang kanyang sarili. Nakakasiguro ako na magiging magaling at mapagpalaing Reyna si Alena paglaki niya..Binigay na namin ang mhiwagang saandata niya ang kanyang espada ay hhugis kidlat gaya ng kapangyarihan niya.

Hindi nagtagal ang aming kasiyahan dahil biglang nagpakita si Sahara ang masamang Diyosa.. tinanong ko siya "paano ka nakapasok, nilagyan ko na ng sumpa ang palasyo ko na hindi makakapasok dito ang mga masasama.."
Pinagtawanan naman niya ako at hinawakan niya ang kamay ng aking anak... "Isa pa rin akong Diyosa  Cassiopeia at magagawa kong pumunta kahit saan." pero hindi umatras si Alena at sinigawan niya siya "Isa kang hangal!!! hindi nagtatagal ang masasamang gaya mo!!" ikinagalit ito ni Sahara at nagtuos silang dalawa...

Makinig ka sa akin bata...  wika ni Sahara hindi mo ako matatalo!..
Biglang nagkulimlim ang kalangitan at binasa ko ang utak ng aking anak at nagpaplano siya na tamaan ng kidlat si Sahara.
Gusto ko siyang pigilan at huli na nung natamaan na si Sahara ng kidlat. Natumba si Sahara at sinabi niya na "Sa oras na mapupunta na sa akin ang kapangyarihan ng tubig, lupa at hangin,, saka na kita papatayin Alena".

Namangha ako na hindi kinaya ni Sahara ang isang labing tatlong gulang na bata na nakipaglaban sa kanya.

Agad kong tinanong sa aking anak kung nasaktan ba siya at biglang naging puti ang buhok niya. May nagsalita mula sa itaas parang boses ni Bathala at sinabi nito na "Huwag kayong matakot Cassiopeia dahil biyaya ko yan sa anak mo.. kasing puti ng buho niya ang kanyang adhikain na magkaroon ng kapayapaan". Sabay naman naming pinasalamatan si Bathala "Maraming salamat Bathala".at biglang nawala ang boses.

"Nay ang ganda ng buhok ko!'' sabi ni Alena sa akin.
Alam ko na kakaibang bata talaga ang anak ko. Siya kasi ang unang anak ko kaya doon ko sa kanya naibuhos ang kapangyarihan ko sa kanya.

Mayroon na kaming bagong tagapagligtas natutuwa ako na natututong maging isang mapagmahal na diwani si Alena at habang lumalaki siya... unti-unti ko ring nakikita ang pagbabago sa kanyang pagkilos, pandama at pagunawa.

Ganito rin ang nangyayari sa akin noon, naalala ko nung nakipaglaban ako saa mga rebelde at naalala ko rin nung sinagip ko ang buhay ni Dayana laban kay Sahara.

Masasabi ko na si Alena ay isang pinagpalang Hara ng Devas..

POV ni Alena

Gustong gusto ko talaga ang buhok ko,, salamat kay Bathala para dito. Sinabi sa akin noon ni Ina na si Tatay ay mula sa mundo ng mga tao, naghahanap pa nga sila sa nawawalang prinsipe pero, nakakatawa dahil ang prinsipe pala ay si Itay.

Ano kaya ang pamumuhay sa mundo ng mga tao? Ano kay ang ugali nila.. may masasama ba dun...
O di kaya may mga taong may kapangyarihan ba? Si tatay kasi ay buong Etherian at ang mukha niya ay isa talagang diwata kaya minsan ko ring iniisip kung ano ang hektsura ng mga tao dun.. pero ayaw kong pumunta sa mundo ng mga tao.

Ayaw ko dun dahil delekado at mahirap nang bumalik dito. Kakaiba din ang lenguwahe ng mga tao. Mayroon akong nalaman mula sa kanilang lenguwahe at ito ay ang "Hi" o isang uri ng pagbati.

Ano ba naman ako... ang dami kong iniisip inaantok na siguro ako mabuti pa matulog na lamang ako...


Babaeng Kakaiba  || Completed |Donde viven las historias. Descúbrelo ahora