Chapter 42

554 11 1
                                    

POV ni Dayana

Ang aking buong katawan ay nanginginig na sa lamig ng tubig na nakapalibot sa akin. Naaawa ako kay Cassiopeia dahil hindi pa niya nalalaman ang totoong katangian ng kanyang asawa.

Kailangan akong makalabas sa kulungan na ito,  upang mabigyan ko ng babala ang aking kapatid!. Wala akong ibang naggawa kundi ang hayaan ang luha ko na tumulo sa lupa.

Sana, may mabuting nilalang na makakita sa akin dito, at tulungan ako, kahit na alam ko na imposible na na makawala ako sa kulungan na ginawa  ni Raquim. Ayaw gumana ang kapangyarihan kong maglaho pati na ang lupa.

Wala akong makita dahil sa dilim na nakapalibot dito. Wala din akong maalala kung saan itong lugar na ito. May naramdaman lang ako na malamig na naapakan ko.

Parang isang hayop, na nakatira dito, siguro nasa isang kweba ako o hindi kaya nasa ibang lupain ng Dévas, unti- unti kong nraramdaman na ang hayop na ito ay gumagalaw... hinawakan ko ang katawan niya at para siyang unan.

Siguro isa itong malaking ibon...

Naaalala ko na nakakapag-usap ako sa mga hayop. Agad ko siyang sinabihan, "Nilalang, alam ko na may paraan upang makalabas ka dito, sabihin mo sa Reyna ang nangyari sa akin at dalhin mo siya dito."

Umaasa ako na gagawin ng ibon na iyon ang inutos ko sa kanya dahil naramdaman ko ang hangin na nagmula sa paglipad ng kanyang pakpak. Maghihintay na lamang ako dito.

Magbabayad talaga ang Raquim na yan sa ginawa niyang kalapastanganan sa akin. May balak siguro siyang isunod si Cassiopeia, pero nagtataka lang ako, kung bakit hindi niya ako pinaslang...

Ang buong akala ko pa naman, ay mabait na nilalang si Raquim pero nagkamali ako ng husto. Isipin mo, naggawa niyang magpanggap sa loob ng 20 na taon. Hindi katanggap-tanggap.

Sana hindi na siya nakita pa ng kapatid ko... bigla na lang akong nanghina... dahil siguro ito sa isang araw na akong hindi kumakain at umiinom ng tubig.

Ilang sandali na ang lumipas pero walang ibon o nilalang na bumalik kasama si Cassiopeia. May nakita na lamang akong isang anino ng diwata at nawalan ako ng malay.

POV ni Minea

Habang ako ay naglalakbay upang maghanap ng armas at mga bagong kaanib laban kay Raquim, nakita ko ang isang kweba na parang may sumpa.

May kutob ako na may anumang nakatago sa kweba na ito.
Hindi ko na palilipasin pa ang oras at gagamitin ko na ang aking kapangyarihan upang mabuksan ito. May butas ito, pero ang isang hayop lamang ang pwedeng magkasya dito.

Nabigo ako, hindi ko nabuksan ang kweba at nakita ko na may sumpa at ito ay kulay berde, ibig sabihin may kaugnayan kay Raquim ang kweba na ito... siguro may kayamanan dito.

Pinainit ko muna ang aking mga kamay at nabuksan ko ang kweba! Inilawan ko gamit ang apoy at higit pa sa anumang kayamanan ang nakita ko! Si Dayana!!! SIya ay nakatali at walang malay.

"Apoy, inuutusan kita na tunawin ang kadena na nakatali sa kanya." sumpa ko sa tali ni Dayana.

Agad ko siyang binuhat at naglaho ako pabalik sa kama niya sa Dévas, hindi ko nakita si Cassiopeia doon, tila walang tao, naghahanap siguro sila kay Dayana.

Agad kong ginamot si Dayana, "Apoy, ibalik mo ang init sa kanyang dugo, iparama mo sa kanya ang alab ng pagmamahal ko at gamutin mo ang sarili niya!"

Unti-unting gumising si Dayana at akala ko na sasaktan niya ako, pero narinig ko sa kanya, "Minea, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin, umalis ka na dito dahil baka kinuha na ni Raquim si Cassiopeia, pakiusap tulungan mo si Cassiopeia."

Nung narinig ko ang mga winika ni Dayana, agad ko siyang sinagot, "Dayana, magiingat ka, dapat kong hanapin si Cassiopeia at hindi siya dapat makuha ni Raquim!"

Nagalala ako at tinanong ko siya, "Kaya mo na bang mag-isa?" Sinabihan naman niya ako, "Wala ka nang dapat ipagalala pa Minea, sagipin mo si Cassiopeia, susunod ako sa yo mamaya."

Sinunod ko si Dayana at sumakay ako ng isang dragon na nagbubuga ng apoy para mas madali kong mahanap si Cassiopeia..

Ilang saglit pa, nakita ko si Zandro pero hindi niya nakasama ang aking kapatid, sinalaysay ko sa kanya ang nangyari kay Dayana at nagalit siya,  kay Haring Raquim.

Binigyan ko rin siya ng babala, "Mag-ingat  ka sa pagbabalik mo sa Dévas Zandro, huwag mong ibalita kahit na sino na nakabalik na si Dayana kundi, manganganib siya mula kay Raquim.

Nag-iba kami ng landas ni Zandro, pabalik na siya ng Dévas sakay sa kanyang kayumanggi na kabayo. Habang nasa himpapawid ako, sakay ng dragon, wala pa rin akong nakitang Cassiopeia.

Naisip ko na kahit na nagluluksa si Cassiopeia sa paghahanap kay Dayana ay darating siya kung may kaguluhan dahil isinasaisip pa rin niya ang kanyang tingkulin bilang Reyna.

Kaya pinaputok ko ang isang bulkan na malapit sa nasirang Calsero o Etheria at naghintay ako dun kung darating ba si Cassiopeia.

Naghintay ako ng naghintay... habang muntik naman akong natumba sa lindol na tila nanggagaling sa Dévas, alam ko na gawa ito ni Dayana kaya muli, kong pinasabog ang bulkan.

Nagulat ako sa nakita ko dahil, si Raquim ang pumunta sa lugar ko at nagsabing, "Ano na naman ang kaguluhang hinahanap mo Minea harapin mo ako!"

"Masusunod Haring Raquim isa kang traydor!" sinigaw ko sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya at nagsisinungaling pa siya na wala siyang alam, "Ano ang sinasabi mo, ikaw lang ang traydor dito!".

"Matagal ko nang gustong magbago Raquim! Ikaw ang nagkulong kay Dayana hindi ba?." Naglaban kaming dalawa at biglang dumating si Cassiopeia, nahirapan ako dahil tinulungan niya si Raquim.

Kaya gumawa ako ng paraan para makalapit kay Cassiopeia at hinawakan ko siya at naglaho kami sa silid ni Dayana. Bago pa ang lahat, siniguado ko muna na may sumpang nakabalot sa amin para hindi makapasok si Raquim.

"Ano ba ito Minea." tanong ni Cassiopeia sa akin. Inilantad ni Dayana ang lahat ng ginawa ni Raquim. Naniwala si Cassiopeia dun, pero akala niya na kakampi kami ni Raquim.

Muntik na niya akong patayin at sinabi ko sa kanya na, "Cassiopeia, gamitin mo ang iyong kapangyarihang bumasa ng isipan at basahin mo ang isipan ko."

Binasa ni Cassiopeia ang isipan ko at umiyak siya at sinabing, "Nagkamali ako Minea, kapatid pa rin  kita."

Niyakap ako ni Dayana at Cassiopeia at nakita namin si Raquim na papalapit na, lumapit si Cassiopeia sa kanya at sinabing, "Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin Raquim."

Umiyak ng umiyak si Cassiopeia at bigla siyang naglaho, hindi namin alam kung saan


Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon