Chapter 3

1.8K 23 2
                                    

Hinahanap na namin ang prinsipe ng Etheria. Ang hirap palang hanapin siya at hindi pa sinabi ng aming ina ang totoong pangalan niya... Basta kung makikita namin siya ay mabait daw na tao at pareho kami ng edad.

Wala namang gustong tumulong sa amin dahil akala nila mga sira ulo kami. Hindi nila alam na pwedeng-pwede namin silang kunan ng hininga at sunugin.

Hindi naman pwedeng gamitin namin ang aming kapangyarihan dahil lalo lang mawawala at lalayo ang prinsipe.

Kay hirap naman umabot na kami ng Cebu, doon na kami natulog at hinahanap namin ang prinsipe.

Isinama ko si Harry kaming dalawa lang at si Leandro ay kasama niya ang kaibigan niyang si Simon sa Leyte.

Sinabi ko ni Harry na may hinahanap akong kaibigan dahil kapag sasabihin ko sa kanya tiyak, hindi siya maniniwala sa akin.

Pumunta kami sa lugar na kung tawagin ay "mall" ang lamig lamig dun,; nanginginig ako sa lamig at biglang sinabi ni Harry na "Christian ok, ka lang?". Hindi ako makasagot sa halo-halo kong nadama na takot,kaba at lamig.

Bigla nalang akong inakbayan ni Harry at nararamdaman ko ang init ng kanyang mga braso at kamay kinuha niya ang kanyang jacket at ibinigay niya ito sa'kin.
Mga ilang minuto ang lumipas... habang magka-akbay kami ni Harry, biglang..... MAY TUMAWAG!!! sayang!!! si Leandro ang kapatid kong bruha... Bad Timing naman Pashneya!!!

Sinigawan ako ni Leandro na "Hoy umuwi na kayo sa tahanan dahil may lalakarin tayo bukas."

Hinawakan ako ni Harry at sinabi niya sa kapatid ko na "Opo sir"...

Iba ang tingin ng mga tao sa amin ni Harry.. akala siguro nila na bakla ako... (babae po ako)
pero ano kaya ang ibig sabihin nito? BaklA ba si Harry? o Alam na ba niya na ako ang Kapatid ni Minea at Dayana.... kinakabahan talaga ako....

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon