Chapter 34

498 10 4
                                    

Ginamit ko ang kapangyarihan ko..  ang kapangyarihan ng pagbabasa ng isipan. Ito ang unang panahon na babasahin ko ang isipan ng aking anak. Babasahin ko kung ano ang dapat malaman ko.. Nang muntik ko ng gawin yon... biglang lumakas ang hangin. Nilapitan ko kaagad ang anak ko na si Alena.

POV ni Alena / Diyosa Odessa

Ano ang gagawin ko kailangan itong malaman ni Dayana at kailangan itong mapigilan kundi, mawawasak ang puso ni  Cassiopeia hindi lamang sa pagpapanggap ko bilang anak niya, pati na rin sa pagkawala ng kanyang totoong anak na ngayon ay namamayapa na.

Talagang malilintikan ako nito... hindi ko pa  nakita si Cassiopeia na nagagalit kaya alam ko na magiging malala ito.
Kaya naman.. agad kong ginamit ang malakas na kidlat upang mawala sa atensyon si Cassiopeia at hindi niya mabasa ang isipan ko. Gamit ang kapangyarihan ko, kahit na labag ito sa aking dibdib, nilagyan ko ng sumpa ang isipan ko...

Isang sumpa na magbabara sa kapangyarihan ni Cassiopeia na basahin ang iniisip ko at para hindi muna niya malaman ang sikreto ko... Sinubukan uli ni Cassiopeia na basahin ang isipan ko, pero wala siyang nabasa kahit konteng impormasyon tungkol sa totoo kong anyo at pagkatao.

Alam ko na kailangan kong sabihin kay Cassiopeia ang totoo subalit kailangan kong humanap ng tamang pagkakataon. Marami pa kasing suliranin ang ina-inahan ko kasali na si Minea at si Sahara, kaya hindi ko muna ito sasabihin ngayon..

Naaawa na din ako kay Cassiopeia sa tuwing inaalagaan niya ako bilang si Alena at bilang isang anak. Alam ko na sa panahon na sabihin ko sa kanya ang totoo, ay magagalit siya at handa akong tanggapin ang ginawa kong tadhana para sa akin..

POV ni Cassiopeia

Bakit ganun? Hindi ko mabasa ang isipan ng aking anak. Tinanong ko sa kanya, "Alena, may sumasagabal ba sa isipan mo?" sinagot naman ako ng aking anak na.. "wala naman inay bakit?". Nawala ang kaba ko nung narinig ko iyon, subalit nakakapagtaka kung bakit hindi ko mabasa ang isipan niya.

Napaka-makapangyarihan naman ng anak ko, hindi ko makayang basahin ang isip niya. Siguro isa itong biyaya at kapangyarihan niya. Natutuwa ako na may iba pa palang proteksyon si Alena sa kanyang sarili.

Ang mga ikini-kilos din ni Alena ay parang isang dalubhasa at nakakatanda na. Parang nasa hustong isip na siya... Kailangan na tong malaman ni Dayana at ni Raquim .. kaya pinatawag ko silang dalawa.

Unang dumating si Raquim, hinalikan niya ang mga kamay ko at sumunod naman si Dayana. Nagtanong si Dayana kung, "bakit mo kami ipinatawag mahal kong kapatid?" inutusan ko muna ang aking mga kawal na lumayo muna sa amin, sinabi ko rin sa kanilang dalawa na, "May mahalaga akong sasabihin sa inyo."

        Nakikita ko sa mukha nilang dalawa na tila, kinakabahan, siguro.. Kinakabahan siguro sila sa sasabihin ko.

Hindi ko na pinatagal ang paguusapan namin at isinalaysay ko na sa kanila na, " Alam niyo na mahal na mahal ko si Alena lalo na't anak ko siya... pero ang tinatago ko sa inyo ay ang nararamdaman ko sa kanya, parang napakabilis niyang lumaki at matuto.. parang may puwang din na namamagitan sa aming mga puso."

Pov ni Raquim

Ano na ang gagawin ko.. hindi ko mapigilan ang pag-tulo ng singot ko sa aking mukha. Kinakabahan ako sa sinabi ng asawa ko. Mahal na mahal ko siya kaya, ayaw ko na makita siya na naka-ipit sa sitwasyong gaya nito... Hindi ko na kaya ang sitwasyong gaya nito.

Malapit ko nang mabigkas ang sikreto namin ngunit tumingin sa akin si Dayana at parang pinipigilan niya ako.

POV ni Dayana

Nakokonssensiya na ako sa ginawa at ginagawa namin. Hindi dapat maging ganito ang kalalabasan ng buhay at tadhana ng kapatid ko..

Nakakalito na kung ano ang gagawin namin ni Haring Raquim at ng kasabwat naming si Diyosa Odessa. Nakaka-tindig ng balahibo kapag magalit yang si Cassiopeia at ayaw kong simulan ang aming sigalot gaya ng nanyari ni Minea.

Mabuti nalang at hindi rin nandito si Minea kundi.. hindi niya mai-sasara yung bibig niya sa kakasabi ng mga serkreto.. nawawala na ang tiwala ni Cassiopeia kay Minea at ang tiwala ko kay Minea, naman ay matagal ng nawala.

POV ni  Cassiopeia

Sana hindi malaman ni Alena ang pinag-usapan namin ng kapatid at asawa ko. Ayaw kong saktan ang damdamin niya at ayaw kong mawala ang aking anak sa aking mga kamay. Mahal na mahal ko kasi si Alena siya ang pinakamasayahing diwani na nakita ko.

Inutusan ko na sina Dayana at Raquim; " Makaka-alis na kayo salamat, sa pakikinig niyo sa akin." Nagpaalam si Raquim sa akin na sasama siya kay Zandro na gumawa ng sandata. Si Dayana naman ay inayos ang buhok ni Alena at nagkantahan silang dalawa.

Babaeng Kakaiba  || Completed |Where stories live. Discover now