Chapter 19

659 19 0
                                    

Isang araw na lang at ikakasal na ako...

Magkahalong kaba at saya ang nadarama ko.

Tila walang namamansin sa akin dahil marami silang ginagawa..
Si Dayana ay may gingawang dekorasyon at mga palamuti sa kasal.
Si Zandro naman ay naghahanap ng mga kawal na maghahatid sa amin tungo sa lugar ng kasalan.
Ang magiging asawa ko naman ay naghahanda at naghahanap ng magandang korona para sa akin.

Tinawag ako ng isang dama upang sukatan ng damit.
Pumunta ako sa lugar at sinabihan ko muna ang mananahi na dapat may halong berde at asul ang kulay nito.
Agad namang sumangayon ang mananahi at sinukatan niya ako.

Sunod naman ay kailangan naming tikman ang mga putahe para sa kainan ng selebrasyon ng kasal. Una kong tinikman ang labing dalawang putahe para maging ulam at ipinaluto ko na rin ang iba't ibang klase ng kanin. Inilabas ko ang pinakamaganda at pinakamahal na ilaw para sa pagdiriwang.

Sinunod ko naman ang pagtikim ng panghimagas.
Napakasarap nila, ayaw ko nang tumigil sa pagtikim dahil sarap-na sarap na ako..... Ang sarap talaga!! ang pinakapaborito ko ay ang halo-halong prutas ng Etheria na nilagyan ng gatas. Naisip ko na imbitahin ang lahat ng nilalang sa Dévas at Etheria ngunit dapat ng mga kaanib lamang at mga mabubuting mga nilalang.

Nakita ko si Dayana sa kusina...
Ginamit niya ang lahat ng magagandang biyaya ng lupa vupang basbasan ang mga pagkain at gumawa rin siya ng pinakamasarap na inumin para lamang sa aming dalawa ni Raquim.

Natutuwa ako dahil nagtulong-tulong ang lahat.

Bumalik ako sa upuan at may ginawa ako upang hindi mapagod ang mga mamamayan dahil lang sa aming kasal.

Inutusan ko ang hangin na magdala ng ligaya at mga masasayang ala-ala sa kanila upan mas maging ganado silang gawin ang kanilang mga trabaho.

Sa wakas!!! nakita ko na rin si Raquim...
Yinaakap niya ako at sinabi niya na "masaya siya dahil malapit na kaming ikasal". Ganun din ang nadarama ko.
Pinunasan ko ang kanyang mukha sapagkat pawis na pawis na siya... siguro pagod na pagod na siya. Kaya kinantahan ko siya at nagpapasalamat ako sa kanya sa mga mabubuting bagay na inihahandog niya sa akin, sa aking kapatid, at pati na rin sa mga mamamayan ng kaharian ko.

Ang mga pinuno ng mga nilalang ay sila ang magbibigay ng basbas sa amin ni Raquim.
Nagpakita sa akin si Inay sa isispan ko at nagsalita siya tungkol sa dapat kong gawin upang maging isang mabuting asawa... Dapat daw hindi pairalin ang sama ng loob at galit dahil ito ay magbibigay daan ng gulo tulad ng nangyari ni Minea. Itinnong niya rin sa akin na hindi ko ba imbibitahin si Minea..... Sa totoo lang, inimbita ko na si Minea ngunit sabi niya na wala siyang plano o kahit kaunting ideya na pumasok sa kanyang isipan na dumalo sa aking kasal.

Sinabihan rin ako ng aking ina noon, na kapag sa oras na hahalikan na ako ng magiging asawa ko, may mga paru-paru daw na darating at kung kulay puti ito, magkakaroon kami ng anak, at kung hindi, wala daw kaming biyayang anak.

Kakaiba kasi kaming mga reyna at mga diwata, kailangan ng basbas ni Bathala upang magkaanak kami... Kailangan ito para mas maging sagrado ang mga kaganapan na aayon sa plano ni Bathala sa aming buhay.

Naisip ko rin na maghanap ng pangalan ng aking magiging anak... Ayaw kong umasa na magkakaroon kami ng anak, pero dapat maghanda ako ng pangalan

Kung isa man itong babae bibigyan ko siya ng pangalang  Alena  at kung magiging lalaki man ito, ang magiging pangalan niya ay, Aquil

May patakaran kasi ang mga mamamayan dito, walang pangalan na dapat maging katulad ng mga Hara ang pwede lamang ay kung ito ay kapatid, anak o isang reyna ng isang kaharian. Kaya naman ipinagmamalaki ko na ang mga diwata dito ay may pagkakaiba..

Agad kong ipinagbigay alam ni Raquim ang mga naisipp kong pangalan at sumanayon siya...

Gabi na isang tulog nalang ay ikakasal na ako... kaya naman hindi ako napakali..

"Mahal ko, magpahinga ka na, nakakasama sa kalusugan ang natutulog ng matagal" payo ng aking magiging asawa..

Nakatulog na ako at nilagyan niya ako ng kumot at umalis siya sa kwarto ko..




(yehey.... kasalan na bukas don't forget to VOTE!)

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon