Day 1

3.9K 59 1
                                    


May iba't ibang ugali pala ang mga tao. May mga matatalino pero minsan hindi ginamit ang katalinuhan sa paghuhusga ng kapwa. May mga peke naman, o sinasabi nilang "plastic".


Hindi ko alam kung saan ako lulugar, sa ganitong sitwasyon, ayaw na ayaw ko ang magapi lalo na na mayroon akong kapatid na walang pakealam sa akin, ni minsan nga hindi ko siya maintindihan.

Nakakasira lamang ng araw kung palagi kong pagmamasdan si Minea, hindi nga siya namamansin sa akin,, hindi pala,,,.. namamansin yan, kung MAY KAILANGAN!!!

Iba rin ang patakaran dito sa mundo ng mga tao, may tinatawag sila na "uniform" na dapat naming suotin, iniisip ko nga na paano magiging makulay ang paaralan na ito kung pare-pareho lamang kami ng susuootin..

Nakakamangha talaga ang mundo ng mga tao, pero kung tutuusin nakakalito na ito, may lenguwahe silang kakaiba na hindi ko maintindihan, pagpasok ko nga sa paaralan may lalaking nagsabi sa akin na, "Hi miss Beautiful," nakangiti siya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun pero nakita ko na nakangiti siya kaya ngumiti na lamang ako, parang ang saya saya ng mga kasama niya. Kaya iniisip ko kung ano ba ang ibig sabihin nun na ang ibang babae na sinabihan nila ay nagagalit.


Nag aaral ako sa isang pampublikong paaralan na malaya. Nabibilang ako sa grupo ng mga magaling sumayaw. Mayroon din akong mga kaibigan na may sayad ang utak katulad ko... Ang pangalan niya ay itatago ko nalang sa pangalang Harry..

Sinabi kasi ng nanay ko na kapag nakarating na kami sa mundo ng mga tao... dapat kaming mag-aral.

Kahit na alam ko na ang pag-aaral na ito ay hindi ko magagamit pagbalik namin sa aming tahanan, hindi ko nga minsang inisip at hindi ko maintindihan ang mga salitang binibigkas ng aking mga kaklase at guro

Nagawa na kasi ni Ina na mag-aral sa mundo ng mga tao..

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon