Chapter 10

1.1K 24 0
                                    

Agad kong sinabihan  si Minea tungkol sa Prinsipe.

Hindi siya naniwala sa akin laya ipinakita ko sa kanya ang kuwintas.

Walang masabi si Minea dahil sa gulat. Hindi niya akalain na si Harry pala ang prinsipe ng Etheria.

Sinabi ko sa kanya na gagamitin ko ang aking kapangyarihan upang ibalik ang kaalaman tungkol sa Dévas.

Tila nagaalalal si Leandro. Parang may kaba sa mukha niya. Halo-halo ang kanyang emotion.

Kaya wala na akong sinayang na oras, gamit ang hangin at apoy bumalik kami sa aming wangis bilang ako na si Cassiopeia at si Minea.

Ginamit ko ang kapangyarihan ko upang malaman ni Harry ang lahat. Binigyan ko siya ng kaalaman kung ano ang nangyari sa kanya at kanyang ina. Parang hindi ko na kakayanin ito. Kailangan ko ng lakas upang ipasok sa kanyang utak lahat ng tungkol sa Dévas at Etheria. Ipinaalam ko sa kanya na siya ang prinsipe ngunit, hindi ko ipinarating sa kanya na siya ay nakatakdang maging asawa ko.

Natumba ako sa matapos mangyari iyon.
"Cassiopeia" yun ang unang salita na narinig ko mula kay Harry.

Nagising na si Harry at kakaiba na siya dahil tinatawag na niya ako sa totoo kong pangalan.
Binasbasan siya ni Minea na maging malakas at matapang na diwata na hindi magpapatalo sa labanan.

Sa wakas, masaya ako at nakumpleto na ang aking misyon. Bumalik na kami sa Dévas.

Ngunit kahabag-habag ang nakita ko. Ang aking ina na namatay na....
Umiyak ako at niyakap ko si Dayana. Tinanong ko si Dayana kung ano ang nangyari... may isang nilalang daw na gustong makuha ang kapangyarihan ng ina ko... kaya pinatay niya si Ina.

Nagluksa kami... dumating ang mga mamamayan ng Etheria upang sabihin na ang pagdiriwang sa Nawawalang prinsipe ay hindi muna magaganap. Dapat lumipas pa ang ilang buwan bago pa magdiwang, dahil nahanap ko na ang Prinsipe.

Nagluksa kami ni Minea at Dayana dahil masakit sa amin na mawalan na noon ng ama, at ngayon ay nawalan na naman kami g magulang, ang aming ina.

(makalipas ang isang taon..)

Tumugtog na ang mga trumpeta sa kaharian ng Etheria. Sinalubong ako ni Harry... Masaya ang araw na ito... dahil ang mga luha ay mapapalitan na ng ngiti dahil, itatakda na ang magiging reyna ng Dévas at ang pagbabalik ng nawawalang prinsipe ng Etheria.

Napakaraming pagkain..
naghandog ng kanta si Minea at sumayaw kaming dalawa ni Dayana.

May itinakda na maging reyna sa isa sa aming tatlong magkakapatid.
Bininyagan muna ng bagong pangalan si Harry, siya ay naging si Raquim.
"Mabuhay si Prinsipe Raquim" sigaw namin.

Binasa na ng pinuno ng mga diwata na si Raquim ang magiging reyna... ito ay nakasulat sa papel ng katotohanan  ang aming Bathala ang gumawa nito at nakasulat dito ang magiging reyna o hari.

Ang reyna ng Dévas ay si.... Cassiopeia... Binati ako ni Dayana tungkol dito masaya si Dayana sa akin. Tila may kulang, hindi ko nakita si Minea...

Yumakap sa akin si Raquim.
sinabi niya na "alam ko sa mundo ng mga tao nung unang pagkakita ko palang sayo minahal na kita..kahit ano ang wangis mo".
Kinilig ako sa tuwa.

Mabuhay ang bagong reyna at hari natin!!! sigaw ng mamamayan ng Dévas at Etheria.

Babaeng Kakaiba  || Completed |Where stories live. Discover now