Chapter 40

466 15 3
                                    

Ang Calserong kaharian na inangkin ni Minea ay wala na. Hindi na niya ito maapakan o kahit man lang makita. Hindi na niya alam kung ano ang kaniyang gagawin kasi sa Lireo na siya nagkukuta kasama ang kanyang mga Mecca.

Hindi ko inaasahan na magpapauto si Minea kay Sahara at ang kapalit lamang ay ang kaniyang paninirahan sa Lireo. Inisip ko kasi, na babalik na ang loob ni Minea sa amin dahil, wala na siyang ibang matutuluyan.

Nabalitaan ko mula kay Odessa na dapat akong mag-ingat at huwag panghinaan ng loob kasi, may mangyayari daw sa akin na hindi kanais nais.

Kinabahan ako baka si Danaya ang masaktan. Ako, handa ako sa magaganap basta hindi masasaktan ang mga mahal ko sa buhay. Handa akong mamatay para lamang sa kanila basta... hindi ko hahayaan na masaktan sila kahit na mawala man ako.

POV ni Minea

Hindi ko na kaya ito!!! Dapat nang mapasa-akin si Raquim at kahit na kunin ni Sahara ang korona, hindi ko iisipin ito. Dapat nang pagbayaran ni Cassiopeia ang mga ginawa niya sa akin at ngayon, papayag na ako sa alok ni Sahara na siya ang magiging Reyna ng Dévas at mapupunta sa akin si Raquim bilang kapalit.

Hindi ako nag-aalala dahil alam ko na maypag-asa pa na mabawi ko mula kay Sahara ang Dévas at maninirahan na lamang kami ni Raquim sa mundo ng mga tao.

Hahahaha!!! Ngayon, Cassiopeia matitikman mo ang galit ko! Hindi mo na maangkin si Raquim at wawasakin ko ang puso mo! ....

Dapat na siguro akong magpunta kay Sahara upang sabihan ko siya na, handa na ako sa gagawin naming sumpa laban kay Cassiopeia.

"Sahara! Wala na bang ibang bagay na pwede mong kunin?" tanong ko sa kanya,... tila hindi naintindihan ni Sahara ang binigkas ko at pinaliwanag ko sa kanya... "Diba sinabi mo na mapapasa-akin si Raquim kapalit ng pagiging Reyna mo... hindi ba pwedeng iba na lamang,.. sa bagay, isa ka namang Diyosa at wala namang sumasamba sa iyo, Ipapagako ko na lamang na sasambahin ka namin at ako na lamang ang magiging Reyna ng Dévas maari ba?"

Ngumiti si Sahara at sinabing , "Naging Reyna na ako noon, kaya pgbibigyan kita!.. Pero dapat ako lang ang sambahin niyong Diyosa at hindi si Bathala o si Odessa at dapat rin na hindi na kayo maniwala sa kapangyarihan ni Bathala...hahahahah!!!!!!".

Kaya lumapit ako kay Sahara at lumuhod ako sa harapan niya... at sinamba ko siya "Mabuhay ang Diyosa ng digmaan!!!" sigaw naman ng mga kawal kong Mecca "Mabuhay si Sahara!"

Natutuwa ako at pumayag na si Sahara na ako ang magiging Reyna ng Dévas at tinanaw ko ang mga ulap at sumigaw ako kay Bathala na., "Hindi na ako naniniwala sa iyo! Mga wala kayong kwenta na Diyos at Diyosa.."

Ilang saglit  pa lamang ay nagliwanag ag buong kalangitan at nakita ko ang mukha na nagniningning... ang mukha ni Bathala at siya ay nagwika, "Minea, hindi ito ang nakatakda sa iyong tadhana, kaya huwag kang magpapaloko kay Sahara.. Hindi mo ba alam na taksil din yan si Raquim?"

Nagulat ako sa sinabi ni Bathala at nakinig na lamang ako sa kanya, "Ang totoo, ay kawawa si Cassiopeia Minea, dahil ginamit lamang siya ni Raquim upang si Raquim ay maging Hari ng Dévas at ang totoo ay nung nalaman ni Raquim na nauto niya si Cassiopeia, kaya nagpakasal siya sa kanya upang maging hari ng Dévas."

Hindi ako naniwala sa kanya at sinabi kong "Hindi ako magpapaloko sa iyo!" Agad naman niya akong sinabihan na, "Nasa kamay mo ang iyong kapalaran Cassiopeia, Hindi kaba naawa sa iyong kapatid na niloloko ni Raquim?" at biglang naglaho si Bathala.

Talagang hindi kapanipaniwala ang kaniyang sinasabi pero, nagiba ang paningin ko kay Raquim, nakita ko ang aking sarili sa kanya at naisip ko na mali pala ang ginagawa ko... hindi dapat akong naging masama dahil hindi ako ang naging Reyna kaya, "Huwag kayong mag-alala mga kapatid ko, magbabalik na ang dating Minea at tutulungan ko kayo mula kay Raquim."

Agad akong umalis ng Lireo at naglaho patungo sa palasyo ng Dévas at pinutol ko na ang ugnayan namin ni Sahara at lumayas na din ang mga Mecca sa Lireo at hindi na ako nainiwala kay Sahara.

Hindi pa rin ako naniniwalang ginagawa ko na ito. May pag-asa pala din akon magbago. Gusto kon makabawi kay Cassiopeia at Dayana sa mga kasalanan ko... at hindi ko na gusto ang Raquim na yan! Siya lamang ang nagpapaalala sa akin sa masama kong nagawa sa kanila.

Tama nga ang sinabi ng aking Ina noon, na walang ibang tutulong sa akin kundi ang mga kapatid ko.

Naiintindihan ko na, ang tadhana pala na maging masama ako ay para wasakin nila Dayana ang Etheria at wala nang kaharian ang traydor na Raquim na yun! Niloloko lang niya ang kapatid ko!

Hindi na ako makapag hintay na mayakap muli ang kapatid ko na tunay kong kakampi...

POV ni Odessa

Talaga nga... Tunay nga! na nagbago na ang panganay sa mga Hara at nagbabalik loob na siya,. Ayaw pala niyang maging kagaya ni Sahara at mabuti na lamang at ipinaalam ni Bathala sa kaniya na masama si Raquim.

Hindi ko rin alam at ngayon ko pa lamang nalaman, na si Raquim ay ginagamit lang si Cassiopeia upang maging Hari ng Dévas.

Kung si Minea nga ay kayang magbago,.. Kailan pa kaya magbabago ang kapatid kong Diyosa na si Sahara. Pinipilit pa rin niya ang kaniyang sarili na maging makapangyarihan.

Mananatili talaga sa isipan ko ang araw na ito kasi, sa wakas, ang mga Hara na magkakapatid ay magkakabati na.

Talaga ngang  makapangyarihan ang puso, at mabuti na lamang at pinairal ni Minea ang awa niya kay Cassiopeia at mabuti na lamang at nakinig si Minea kay Bathala at nagabgo siya.

Ngayon, makikita natin ang pagbabagong magaganap sa Dévas at ang pagsilang ng bagong kaharian na sa aking isipan ay hindi ko pa nababasa kung ano ang pangalan.

Wala namang konsensiya yang Raquim na yan! Kung alam ko lang sana noon nung naninirahan pa ako sa Lireo na lolokohin at gagamitin lang niya si Cassiopeia ay matagal na yang nasumpa ko na maging isang pashneya.

Hindi karapatdapat si Raquim na maging kabiyak ni Cassiopeia at namangha talaga ako kay Bathala kasi, hindi niya binigyan sila Raquim at Cassiopeia ng isang anak, kundi mas lalong masasaktan si Cassiopeia.



WOW! sa wakas.. nagbago na rin si Minea at handa na siyang iligtas si Cassiopeia ngayon, ang tanong maniniwala kaya si Cassiopeia sa kanya? Makikita natin yan sa susunod na kabanata

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon