Chapter 25

536 14 0
                                    

Isa siyang babaeng diwata kung titingnan mo pero kung nakilala mo na siya nun siya ay si Odessa siya ay isang diyosa noon, anak siya ni Bathala, ngunit siya ay naging masama kaya bilang parusa; siya ay ipinadala dito upang maging tagapagbigay ng gabay. Umaasa si Bathala na gagawain niya ang kanuang tungkulin.

Binuksan ko naman ang Dévas para sa kanya at ako, si Dayana at si Haring Raquim ang sumalubong sa kanya... May angkin siyang ganda at may kakaiba siyang kapangyarihan. Iniulat niya sa akin, na nagbago na raw siya at gusto na niyang makabalik ng tahanan nila. Ang tahanan ng mga diyos at diyosa, ang  Hevana.

Ang Hevana ay ang lugar kung saan ilalagay ang kaluluwa mo kapag mamamatay ka na, kapag naging isa kang mabuting diwata.  Kapag naging masama ka namang diwata, maglalaho ang kaluluwa mo at mawawala ka ng tuluyan. Inutusan daw si Odessa na kapag napanatili niya ang kapayapaan dito, doon lamang siya makakabalik sa Hevana.

Naaawa ako sa kanya dahil nararamdaman ko ang kanyang kalungkutan. Binasa ko ang kanyang isip at nagusap kaming dalawa gamit lamang ang aming isipan. Tinanong ko siya kung ano ang sadya niya rito, at ibinigkas niya na "si Alena".

Nandito ako upang bigyan ng basbas si Alena, (nagulat ako)
Isang malaking karangalan ang mabigyan ng basbas lalo na kapag isang diyos o diyosa ang magbibigay nito sa iyo. Kaya naman agad akong sumang ayon at kinuha niya at tiningnan niya ang mga kamay ko. Tumingin sa akin si Raquim at ang mga mata niya ay tila sumusoporta na basbasan ni Odessa ang anak  namin.

at binasbasan ni Odessa ang aming anak....
"Gamit ang kapangyarihan ko at bilang Diyosa ng Hevana binibigyan ko ng basbas ang diwaning nasa sinapupunan  ni Cassiopeia naway siya ay maging malakas, para maipagtanggol niya ang kanyang sarili at maging dalisay ang puso gaya ng tubig at maging mabilis ang pagiisip gaya ng hangi, kaya inuutusan ko ang aking kapangyarihan na gawing makatotohanan ang ibinigkas kong basbas naway bigyan mo ng proteksyon si Alena."  biglang lumiwanag ang buon paligid at parang nawala ang kaba sa aking dibdib.

Nagpasalamat ako kay Odessa at sinabi niya na, ito ang ika-dalawang beses na ako ang nagbigay ng basbas sa tagapagmana ng isang reyna, noon Cassiopeia binasbasan kita na magkaroon ng kapngyarihang magbabago at kayang gawing makatotohanan ang hiniling ng iyong ina. Kaya walang anuman iyon, gagawin ko ang makakaya ko upang makatulong sa inyo.


Nawala na lang si Odessa at namangha ako dahil tulad ko ay naglaho siya na parang bula at hindi nagiwan ng marka kahit sa ssahig o bakas ng kanyang mga paa.

Lumapit si Dayana at Raquim at sinabi  ni Dayana na, "alam ko na magiging katulad mo ang inyong anak, paumanhin ngunit kailangan ko pang gamutin ang mga sugatan noong nagkaroon tayo ng labanan" at umalis siya.
"Kay ganda namang isipin na an magiging anak natin ay binasbasan ni  Odessa, puno talaga tayo ng biyayang natatanggap at sana patuloy tayong gabayan ni Bathala upang mawala na ang kasamaan dito sa Dévas at maging sa Etheria."

Bigla kong naalala, na kung ang isang diyosa nga ay gustong mabago, eh.. kailan pa kaya magbabago ang aking kapatid na si Minea, siguro dapat lamang naming hintayin ang panahong iyon, at sana nga may pagasa pa siyang magbago,.

Naisip ko bigla na isang buwan na lamang ay isisilang ko na ang magiging anak namin ni Raquim ang magiging Hara ng Dévas at Etheria, at na- oobserbahan ko din na parang hindi na ako naglilihi at ang gusto ko lang gawin ay magisip kung ano ang nararapat na kulay ng damit ang ibibigay ko sa aking anak. Katulad ko ang kulay na ibinigay sa akin ng ina ko ay kulay asul at naisip ko na gawing kakaibang kulay ang aking anak.

Inihahanda na namin ang magiging silid niya paglaki at habang sanggol pa lamang siya ay itatabi ko muna siyang matulog.




( Thank you sagaoalthea kylaclariss suphyechoi493  Kriscanlie ChasingGray FinnyH for following and supporting me..)

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon