Chapter 32

518 11 0
                                    

Bukod tangi talaga ang kakayahan ng aking anak. Hindi ko lubos maisip kung paano niya kinaya ang isang Diyosa na may pangalan bilang isang malakas at mabagsik na Diyosa ng digmaan. Hindi ko na lubos malaman kung bakit ganun kalakas ang aking anak.  Pero alam ko na na siya ay may mahalagang tungkulin dito sa Dévas.

Simula nung inanunsyo na na pumasa na si Alena sa pagsubok at tila ngayon, ay hindi pa rin hinihinto niya ang kanyang pageensayo sa paggamit ng sandata. Hindi siya tumitigil hanggat hindi namin nababawi ang Etheria mula sa kamay ng kanyang masamang Hena Minea.

Kaya, kinausap ako ng aking anak ngayon, pinag-usapan namin na bakit hindi na lamang namin lusubin ang Etheria upang mabawi na namin ito mula kay Sahara at Minea. Ang hindi alam ng  anak ko, na hindi madali iyong gawin, lalong lalo na na kakampi ni Minea ang isang Diyosa.

Lumipas ang 3 taon....

Ito na ang panahon upang mabawi na natin ang kaharian ng Etheria!! Kaya nag-handa ako ng malakas na pulutong ng mga kawal at naglakbay kami patungong Etheria at makikipaglabanan kami sa mga Mecca, kay Sahara at pati na in ng napaka-salbahe kong kapatid.

Nalaman na nila siguro na lulusubin na namin sila kaya, sa labas pa lamang ng palasyo ni Raquim, nakahintay na  sa amin ang hukbo nina Minea... sumigaw si Minea "ako ang bahala kay Cassiopeia!". Hindi naman ako kinabahan dahil natitiyak ko sa aking sarili na may kabutihan pang natitira sa puso ni Minea pero hindi ko gusto na isa-walang bahala na lamang ang pagkagalit niya sa akin.

"Sugod!!!"' inutusan ko ang aking mga tapat na kawal at si Zandro na manguna sa labanan. Nabigla ako at naglaho si  Minea patungo sa harapan ko... parang nasasbik na siyang gawin ang aming labanan.

Hindi ko pinasama ang aking anak sa labanan kaya, nagtampo siya sa akin. Kinakabahan kasi ako na baka hindi ko na siya makita lalo na na malalakas ang aming kalaban. Sinimulan na ni Minea ang aming labanan. Pinainit niya ang aking sandata kaya hindi ko ito  mahawakan dahil nakaka-paso.

Walang hiya talaga ang kapatid kong to! kaya naman kinunan ko siya ng hininga... natumba siya sapagkat hindi na siya makahinga at nawawalan na siya ng lakas. Hindi ko na inaksaya pa ang panahon at naglaho ako patungo sa loob ng palasyo ng Etheria. Alam na alam ni Minea na doon ako papunta, kaya sinundan niya ako...

Sa kabilang pakikipag digmaan naman, mabilis na napatumba nina Zandro ang mga Mecca. Si Dayana naman at si Raquim ay nakikipaglabanan kay Sahara... Muntik nang gamitin ni Sahara ang kanyang kapangyarihan upang puksain si Raquim at buti nalang at pinayanig ni Dayana ang lupa at gumawa si Dayana ng malaking bato na panglaban nila sa kapangyarihan ni Sahara.

Nakalimutan na yata ni Minea na may kakayahan akong maging napakabilis gaya ng hangin at kaya ko ding mabasa ang pina-plano niyang gawin.. kaya madali ko siyang nasundan.. may pinlano na ako dito....

Kumuha ako ng pisi at gamit ang bilis ko itinali ko si Minea sa bubong upang hindi niya matulungan si Sahara sa labanan. Nagtagumpay ako sa pinlano ko, hindi nga natakasan ni Minea ang liksi ko. Hindi niya magawang maglaho dahil nakatali siya kaya wala siyang maggawa at  tinawanan ko siya at ikinagalit niya ito ng husto.

Bumalik ako sa labas at tinulungan ko si Raquim at Dayana laban kay Sahara. Malakas talaga ang kapangyarihan ni Sahara hindi ko ring maggawang basahin ang isip niya dahil may bumabarang kapangyarihan niya sa kanyang sariling utak. Pina-alon ni Raquim ng malakas... pinalo din ni Dayana ang lupa at nagkaroon ito ng malaking bagyo ng buhangin.

Hindi na kami nakita ni Sahara at bumalik na siya sa Etheria, doon nakita niya si Minea na galit na galit at hindi na niya maggawang kumalma spagkat tinalian ko siya at napahiya siya tungkol dito.

Biglang dumating ang aking anak at gamit ang hangin, tubig, lupa at kidlat, naglaho kami ng mga kasama naming kawal pabalik ng Dévas. Nabigo muli kami dahil hindi sinabi sa akin ni Raquim na nasugatan pala siya ng malalim. Ginamot naman ko siya at nagpasalamat siya sa akin.. Tinanong ko naman sa kanya kung sino ang gumawa ng sugat niya?'

Isinalay-say ni Raquim sa amin ang nangyari dahil nasugatan pala siya ni Sahara. Malalim ang sugat niya at nagaalala na ako sa possibleng mangyari sa kanya... kaya bilang Reyna binigyn ko siya ng matagal na oras upang makapagpahinga siya..

Pumasok siya sa silid naming dalawa at doon siya natulog. Mahimbing siyang nakatulog at lumapit sa akin ang anak namin. Natulog silang dalawa datapwat alam ko na pareho silang napapagod hindi lamang sa pagsasanay kundi ang totoo nilang pinagdaanang digmaan. Kaya bilang pasasalamat, piatulog ko muna sila at ako muna ang may iniisip na karindi-rindi

Babaeng Kakaiba  || Completed |Donde viven las historias. Descúbrelo ahora