Chapter 22

556 15 0
                                    

Kakaiba na ang mga nararamdaman ko, tila gusto kong mamsyal sa labas ng palasyo at damhin ang hangin at gusto kong makita ang iba't ibang bulaklak na namumukadkad tuwing sisikat na ang araw. Hindi ko namamalayan na ang oras ay napaka-aga pa lang, ewan ko kung bakit, subalit alam ko na ako palang ang nagigising sa mga oras na iyon. Giniginaw pa ako at pumunta ako sa kusina at kumuha ako ng maiinom na mainit para hindi ako tablan ng lamig. Hindi ako napakali at ginising ko ang aking asawa "Raquim!.....Raquim.,,". gumusing ka.... Raquim .... ginising ko siya  sa mga oras na iyon.

"Cassiopeia ano't nagising ka nang maaga may gumagambala ba sa iyo?" marahang tinanong niya sa akin. "Patawad, sapagkat sumagap bigla sa isipan ko na gusto kong mamasyal sa labas sa ganitong oras at lumanghap ng sariwang hangin.." pinaliwanag ko sa kanya. "Sige.. ihahanda ko lamang ang ating mga kawal na sasama sa atin at ipahahanda ko na rin ang ating makakain." sumangayon siya sa akin. Sinabi ko naman sa kanya na "Kakaiba talaga ang nangyayari sa akin mula nung nalaman ko na may dinadala akong diwani sa sinapupunan ko, parang kakaiba na ang aking sinasabi, kinikilos, ang aking mga kinakain.. at parang hindi ako mapakali sa kahit anong ginagawa ko".

Matapos silang naghanda, naglakbay kami patungo sa hardin, hindi lang basta basta na hardin, ito ay ang hardin kung saan ikinasal ang Reyna at Hari ng Etheria noon o ang mga magulang ni Raquim... Parang ang luma luma na ng mga upuan at tila walang sinuman ang pumupunta rito. Nagustuhan ko ang paligid at naglakad lakad ako upang makita ko ang buong lugar. May bahagyang nasira na dahil sa sunog na ginawa ng salbaheng Minea na iyon. May mga parte rin na may nakakamamanghang bato na nilalagay bilang disenyo nakakapanindig balahibo rin ang ganda ng halaman at mga bulaklak. Ilang oras ang nakalipas at dumating si Dayana at Zandro at tinawag na rin ako ng asawa ko para mag almusal.

Nagdala ng upuan ang aming mga dama at naupo kami at binuksan na nila ang mga lalagyan ng pagkain. Naamoy ko ang halimuyak ng bango ng pagkain. Nagulat si Dayana dahil ang una kong kinain ay ang mapait na gulay. "Ang sarap!" sinabi ko sa kanila. Tila hindi makapagsalita si Dayana dahil alam na alam niya kung ano ang kinakain ko at ngayon lang ako kumain ng gulay na iyon.

Narinig ko gamit ang hangin ang mga ibinubulong ni Dayana kay Raquim.." Mahal na hari, ang mga nangyayari sa aking kapatid ay normal lamang, dahilan ito ng paglilihi niya.. minsan din ay umiinit ang ulo niyan kaya intindihin mo na lamang dahil parte ito ng kanyang pagbuntis." Sumangayon si Raquim at ngayon, totoo nga ang mga ibinigkas ng aking kapatid NAGLILIHI ng ako. Bigla nalang silang tumawa ng sinabi ko na gusto ko ng buko.... (hahaha) tawa ng mga kawal, dama at maging ang asawa at kapatid ko. Gusto ko talaga ng buko at kumuha ang isang dama ng buko. Hindi nagtagal ay umuwi na kami sa palasyo... Naglaho kami ni Dayana  at Raquim.

Malaki ang utang na loob ko sa aking pinakamamahal na asawa, hindi lamang sa paggising niya ng maaga kundi p=ati na rin sa pagsama niya sa akin sa hardin kaya naman pinasalamatan ko siya, "maraming salamat talaga Raquim hindi ko inakala na kasing bait mo ang magiging ama ng ating  anak, salamat rin sa pagiintindi mo sa akin sana maunawaan mo ako at huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita".
sinabi naman niya sa ain na, "Mahal, wala kang dapat na ipiagpasalamat obligasyon ko na alagaan ka at ang magiging anak natin, may karapatan kang mahalin bilang asawa ko at hindi naman ako nagagalit sa ppaglilihi mo sana maging kamukha ko ang anak natin....(ilang segundo) hahaha biro lang,... kahit sino man ang magiging kamukha ng anak natin, tatanggapin ko at mamahalin ko siya at sigurado ako na magiging kamukha mo siya...

Niyakap ako ni Raquim at nakita ko si Minea sa likod niya!!!!
HUwag!!!!!

(readers!!! thrilling diba... so.. pls.. conttinue your support and dontforget to vote!! thank you!!!)

Babaeng Kakaiba  || Completed |Where stories live. Discover now