Chapter 37

471 16 3
                                    

POV ni Cassiopeia

Sagupaan na ang nagaganap sa amin ng taksil kong kapatid pero, hindi ko pa nahahanap ang butil na sinasabi ni Odessa sa akin...

Hindi ko na dapat pa sayangin ang oras ko, lalong lalo na ngayon na alam ni Minea na hindi ko siyang kayang saktan. Kaya dapat ko na talagang mahanap yun ng sa ganun, mawala na ang kapangyarihang maglaho ni Sahara.

Naging mas malakas at mabilis si Minea kung ikukumpara ko noon. Siguro dahil iyon sa galit na nadarama niya sa akin.  Wala akong mahanap dahil palagi akong dumedepensa sa mga atake niya... naghihintay ako na gamitin niya ang apoy.

Sinuwerte ako dahil hindi nangi-alam si Sahara sa amin, kundi matatalo ako. Hindi ko rin alam kung ano ang pakay ni Minea sa Templo ng Lireo at kung ano ang pakay niya kay  Sahara.

Naisip ko na kapag mawala na sa kamay ni Minea ang kayang sandata.. at doon ko siya ikukulong pansamantala sa hangin na kapanyarihan ko.

May nakita akong kumikinang sa ulo ni Sahara at ito na yung mga butil na sinabi ng panaginip ko! Sa wakas nahanap ko rin ito!

Kaya naman gumawa ako ng sumpa na... "Hangin... hangin... si Minea ay sa Etheria dalhin... at kunin siya sa aking paningin!"
Nawala si Minea at napadpad siya sa Etheria.

Agad kong kinuha ang butil na nasa noo ni Sahara upang gamitin ito laban sa kanya!

POV ni Sahara

Bakit sila huminto sa labanan.. tskk!! sayang gusto ko pa namang makita na may mamatay na kahit isa lamang sa kanila!

Boysit!!! bigla na lamang kinuha ni Cassiopeia ang mamahaling butil sa noo ko!... ano ba ang balak niya dun. Iyon ba ang sadya niya dito sa Templo ko? At isa pa... nagsasayng lamang siya ng panahon sapagkat wala namang magagawa ang butil na iyon.

Sa pagkaka-alam ko, ang butil na iyon ay mula sa unang luha ni Odessa, kaya bakit naman nagkaroon ng interes ang Reyna ng Dévas at Etheria sa bagay na iyon.

Agad siyang umatras at lumayo ng ilang hakbang mula sa akin at itinaas niya ang butil.

Hindi ko alam na may kapangyarihan pala ang butil na iyon... huli na ako dahil naibigkas na ng isang bobong Reyna Cassiopeia ang sumpa, "Butil ng luha gawin mo ang iyong makakaya upang labanan at sumpain ang Diyosang nagngangalang Sahara."

Lumiwanag  ang kanyang mga mata at nag-iba ang ihip ng hangin. Naging masama ang pakiramdam ko. Sinubukan kong labanan siya... subalit huli na ang lahat.

Naglaho na si Cassiopeia at tila ngumingiti siya sa akin.

Dapat ko siyang sundan at paslangin.. maglalaho na sana ako papunta sa Dévas subalit.... hindi ako makapaglaho... sinubukan ko ng sinubukan.. hindi ako tumigil!

Ito na marahil ang sumpa ng luha ni Odessa sa akin... nawala ang bisa ng kapangyarihan kong maglaho gaya ni Minea. Ang tagal naman kasing dumating ni Minea.

Kumukulo na ang dugo at puso ko sa galit dahil sa sumpa na binitiwan ni Cassiopeia laban sa akin. Wala naman kasi akong ka-alam alam na may taglay ang butil na iyon na ganung klaseng mahika.

Kamalasan!!! Nagpakita pa si Bathala at kina-usap niya ako..sinabi rin ni Odessa na "Yan ang nababagay sa mga masasamang gaya mo Sahara, mabuti pa na magbalik-loob ka na lamang sa amin ni Bathala at huwag nang umasa pa na ikaw ang sasambahin ng lahat."

Hindi ako pumayag sa sinabi ni Odessa sa akin, sa halip na makinig ako sa kanya ay binaliwala ko na lamang siya.

Maghihintay na lamang ako ngayon... sa panahon ng pagbagsak ni Dayana, Raquim at lalong-lalo na si Cassiopeia.

Simula ngayon, kapag may lugar akong gustong puntahan, eh,.. maglalakad na lamang ako. Mabuti na lamang at ang kapangyarihan ng paglaho lang ang nawala sa akin.. pero magbabayad pa rin si Odessa dito!

Inutusan ko ang maliit na dragon na kausapin si Minea sa Etheria at upang sabihan siya sa nangyari sa kapangyarihan ko.. sa ngayon, magtutulungan muna kami ni Minea at kapag mabawi ko na ang korona.. saka ko siya papaslangin.

POV ni Minea

Maglalaho sana ako papunta ng Lireo upang tulungan si Sahara pero.... dumating ang isang  maliit na dragon at sinabi niya ang nangyari kay Sahara.

Walang hiya talaga ang Cassiopeia na yun!

Mabuti naman at wala siyang naging anak ni Raquim kundi.. mas magiging mahirap para sa akin na mapasakamay ang kapangyarihan nila.

Ipinapangako ko.. na kapag ako na ang magiging Reyna ng Dévas at Etheria hindi ko sasaktan si Raquim at siya ang gagawin kong Hari at wawasakin ko ang puso ni Cassiopeia!

Sa oras din na mapasakamay ko na ang kapangyarihan nila.. ay pahihirapan ko muna si Cassiopeia saka ko siya papatayin. Si Dayana naman ay magiging paru-paro at sigurado ako na magiging Diyosa ako at magiging isang napaka-makapangyarihang nilalang dito!

Gagamitin ko lang si Sahara at kapag nakuha ko na ang kapangyarihan ni Dayana at Cassiopeia, ay mamamatay din ang Saharang yan! "hahahaha!" Humahalakhak ako sa tuwa nang... biglang nagpakita sa isipan ko si Odessa!

Binigyan ako ni Odessa ng isang napakahalaga at masamang balita na mangyayari daw sa akin sa hinaharap, "Makinig ka Minea, hindi ka pa rin nagbabago... hindi ko alam kung saan mo namana yang pagkatuso mo sa kapangyarihan, magpakasaya ka muna... ngunit pagdating ng panahon ay hihingi ka rin ng tulong ni Cassiopeia at wala kanang ibang malalapitan kundi ang mga mababait mong kapatid.. kaya tigilan mo na ang kakabuntot mo ni Sahara dahil hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin!"

Nawala na lamang si Odessa sa isipan ko at hindi ko pinansin ang mga salitang binitiwan niya, inisip ko na lamang na tinatakot lamang ako ni Odessa at para magkabati kami ng mga kapatid ko kaya niya iyon ginawa.

Hindi ko masikmura kung magiging mabait ako na Hara at hinding-hindi ako hihingi ng tulong mula kay Dayana lalo na ang tulong ni Cassiopeia... Isa pa, alam ko naman na hindi ako tatraydorin ni Sahara kundi ako ang tatraydor sa kanya!

HAHAHAHHA!!! hahahHAHAH!!

(Comment, Vote and Read More haha... thank you)

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon