Chapter 35

487 19 5
                                    

Nakakapagtaka talaga si Alena ibang-iba siya sa lahat ng diwata at diwani dito. Nakaka-gulo ng isipan... pero ang hindi nila alam ay nagpapanggap lamang ako na hindi ko alam ang totoo.

Matagal ko nang nalaman na patay na ang anak kong si Alena at ang Diyosa ng panahon ay nagpapanggap lamang. Kung ako ay inyong tatanungin, "Bakit ako naki-sabay sa pagpapanggap nila?" Pwes.. para hindi ko maramdaman ang sakit sa aking puso.. Pero lumipas na ang 16 na taon.

Matagal ko nang naging anak-anakan si Odessa kaya sasabihin ko na sa lahat ang totoo. Madali kasi akong magpatawad at isa pa, wala namang naging kasalanan sa akin si Odessa, sa /katunayan nga, pinasaya niya ako bilang aking  "anak".

Inutusan ko ang lahat na, "Pumunta kayo sa lugar malapit sa trono upang alamin ang mahalagang balita."

Nakita ko sa mukha nina Dayana at Zandro ang tuwa ngunit sa mukha ni Alena..... este Odessa at Raquim para silang kinakabahan kaya, nginiti-an ko sila at ngumiti sila sa akin.

Nagtipon-tipon na kami sa trono... at sinabi ko "Sa nakikita niyo ito si Hara Alena aking anak... ngunit ang totoo ay hindi.." Naging tahimik ang lahat at parang naging bato sil kung makagalaw. Yinakap ako ni Raquim at Dayana at sinabihan ako ni Raquim na.. "Patawad Cassiopeia, mahal ko, nagsinungaling ako sa iyo." at hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.

Lumiwanag ang mukha ni Alena at bumalik siya sa wangis niya bilang si Odessa. Lumuhod ang lahat at sinabi ni Odessa sa akin na "Cassiopeia, isa kang mabuting ina, ngunit hindi ka binigyan ni Bathala ng isang anak, huwag kang mag-alala sapagkat batid ko na masaya ka na ngayon. Bibigyan kita ng ala-ala heto... tanggapin mo ang kapangyarihan ng kidlat."

Hindi ko tinanggap ang kapangyarihan sapagkat alam ko na sapat na para sa akin ang hangin. Pinasalamatan ko si Odessa at naglaho siya papuntang Hevana at umiyak ako. Naiyak din ng mga mamamayan na nandoon lalo na ang Hari ng Etheria at ang aking kapatid.

Agad ko naman silang sinabihan na, "Ito ang panahon ng pagiging matatag dapat hindi tayo magpapa-api at hindi tayo susuko, bilang reyna niyo, nais kong  maging masaya kayo!"
Biglang dumating si Minea...

Ibinigkas ni Minea na, "kawawa ka naman, Cassiopeia wala kang anak, hindi kasi kayo nababagay ni Raquim dahil siya ay para lamang sa akin!" Tinamaan ako sa sinabi ni Minea at nagalit si Dayana at hinawakan niya ng mahigpit ang leeg ni Minea, "Ikaw, kung walang nagmamahal sa iyo, huwag mong damayin ang mga nilalang na nagmamahalan.!" wika ni Dayana.

Sumigaw si Minea sa akin na "Tanga! mang-aagaw!'' agad naman sinabi ni Raquim na "Huwag mo siyang sigawan!'' sinumbatan din siya ni Minea na, "Huwag mo siyang kampihan'' Habang si Dayana naman ay napikon "Umalis ka na at Huwag kanang bumaik hindi nararapat ang taksil dito."

Naglaho si Minea ngunit nanatili pa rin sa aking puso at isipan ang mga matatalim na salitang ibinigkas niya sakin.

Iniisip ko minsan kung ano ang maaring nangyari sa amin ng anak ko ''kung" nabubuhay pa siya. Na-isip ko kung ano ang pwede niyang gawin dito sa Dévas, ang mga bagay na magagawa niya, ang saya na ihahatid niya sa buhay namin ni Raquim, at ang pagmamahal ko sa kanya.

Kahit wala na ang totoong anak ko, alam ko na hindi ako pababayaan ng Hari ng Etheria at mayroon din naman akong isa pang kapatid na karamay ko sa lahat; sa tagumpay, sa lungkot, at sa anumang mga problema.

Siguro plano ito ni Bathala para sa kapakanan ng Dévas at sa kinabukasan nito. Hindi ko masisisi ang isang Diyos sa nangyari sa aking anak. Ito ay isa lamang pagsubok. Ganyan kasi ako kahit gaano na kasakit para sa akin ang nangyayari iniisip ko pa rin na ako ang pinakamasayang tao!.

POV ni Raquim

Hindi ko akalain na kinaya ni Cassiopeia ang sakit sa kanyang puso, ako nga , isa akong lalaki ngunit tatlong araw akong umiyak nung nalaman ko na wala na aming anak.

Hinahangaan ko talaga ang asawa ko, alam ko kasi na nasasaktan siya pero pinipilit niyang ngumiti at palagi niyang tinatanaw ang bestida ng aming anak.

Magiging mabuting asawa na lamang ako sa kanya at habang humihinga ako ay papasayahin ko siya sa buong  buhay niya. Dapat mas magiging malapit kami lalo na ngayon na kailangan  niya ng karamay.

Sa Lireo naman., ang tirhan ng mga diyos at diyosa noon... may natutuwang taksil!...

POV ni Diyosa Sahara

Ito na marahil ang pinakamasaya kong araw! dahil nakita ko na malungkot ang pashneyang si Cassiopeia na walang silbi.. hahahahaha!!!!!

Hindi ako titigil! gagaitin ko lamang ang galit ni Minea para magkaroon ako ng kakampi laban kay Cassiopeia "hahahah!!" Pagkatapos kong makuha ang Dévas isusunod ko ang Etheria at papaslangin ko si Minea sapagkat kinamumuhian ko ang kanilang ina!

Ako ang magiging pinakamalakas na Diyosa at magsisisi si Bathala at Odessa sa pagiging mabuti nila.

Ngumiti ako pero nagpakita si Odessa, binati ko siya "Odessa, magaling kang magpanggap na isang bata, sa bagay... isip bata ka kasi hindi ka nababagay maging Diyosa!"

Ang lakas din naman ng loob ni Odessa at sinumbatan niya ako, "Manahimik ka Sahara, alam mo na makapangyarihan tayong mga Diyosa subalit... mayroon din tayong limitasyon, huwag mong ipagmalaki ang iyong sarili!"
"Manahimik ka Odessa anong.. laban ba ng isang Diyosa ng Panahon sa Diyosa ng Digmaan.!" tinanong ko sa kanya.

Sinagot naman ako ni Odessa, "Tama ka Sahara mas malakas ka subalit... si Bathala lamang ang maring sambahin ng lahat ng diwata na naninirahan dito at hindi ang Diyosa na gaya mo!"

Dahil sa galit ko, muntik ko na siyang tamaan subalit madali siyang nakalaho at bumalik s Hevana.





( Guys!! kawawa naman talaga si Cassiopeia... hahah don't forget to vote.)

my new follower LeilaNightingale LarisaMaeSumogba

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon