Chapter 38

500 15 3
                                    

POV ni Cassiopeia

Tagumpay! Hindi ako makapaniwalang naggawa kong sumpain ang isang napakamakapangyarihan na Diyosa ng Digmaan, masaya ako at nabalitaan ko na ang aking asawa at kapatid, maging ang Heneral ng Kawal dito.

Nagkaroon ng pagkakaiba ang kulay at tingkad ng butil, bago ko pa ginamit ito, ito ay kulay pilak, ngayon ito ay parang bigas lamang na maputi.

Inilagay ko ang butil ng luha sa aking silid at tinago ito upang magkaroon ng ala-ala tungkol sa pagkawala ng kapangyarihang maglaho ni Sahara.

Malapit na akong matulog at niyakap ako ni Raquim, sinabi niya sa akin, "Ikinatutuwa ko ang tagumpay mo mahal ko, ikaw ang natatangi kong minamahal."

Iba kasi ako na nilalang, kapag may mangyayaring pwede kong i-ugnay sa nakaraan ay magagawa ko, kaya naaalala ko nung pumunta kami sa mall... yung malamig na lugar sa mundo ng mga tao.

Inisip ko na ano na kaya ang susunod na mangyayari, at naitatanong ko sa aking sarili, "Kailan pa namin mababawi ang Etheria?".  Ayaw ko kasing sirain ang pangako ko kay Raquim na mababawi namin ang Etheria kay Minea.

May mga bagay kasi na mahahalaga kay Raquim na nanatili pa sa palasyo niya. Kailangan niya ang mga bagay na ito dahil pamana ito kay Reyna Adhara sa kanya, ang kaniyang ina.

Naaawa naman kasi ako kay Haring Raquim dahil nakikita ko na nahihirapan siya... gustong gusto ko siyang tulungan.

SIge na nga hinalikan ko na si Raquim at natulog na kami.. sana patuloy kaming gabayan at patnubayan ni Bathala sa mga gagawin namin.

At... natuloooogggg na kami.... haaaay...

POV ni Dayana

Nakakaselos talaga si Cassiopeia, hindi lang sa ganda niya kundi pati na rin ang kanyang talento at kapangyarihan. Iba akong magselos...

Ang nararamdaman kong selos ay lumilipas lamang at kontento na ako sa kapangyarian at mukha ko.

Ipinagmamalaki ko talaga ang mga kapatid ko, kahit na ganyan ang ugali ni Minea, alam ko na may  kabutihan pa rin na natitira sa puso niya.

Noon kasi, naglalaro kami ni Cassiopeia at Minea sa isang bundok, bigla nalang nagpakita ang mga rebelde at dinakip nila ako, agad na nagalit si Minea at sinunog niya ang mga rebelde.

Ngayon, ang mga rebelde na kinasusuklaman niya noon, ay naging mga Mecca at mga kawal na niya ngayon.

Nakalimutan ko! Dapat ko palang ilipat ang mga hayop o pashneya sa lugar ng malaking puno, ang lugar kung saan naging daanan sa mundo ng mga tao.

Kailangan ko kasi silang ilipat doon, para hindi sila magapi sa anumang labanan na magaganap. Lalo na ngayon na, nagpupuot na ang galit ni Minea at Sahara sa amin.

Gamit ang kapangarihan ko, nakipag-usap ako sa mga hayop at inilipat ko sila sa bago nilang tirahan.

Pinasalamatan ako ni Cassiopeia at tila nagmamadali siya para bang may pupuntahan. Hindi ko na naitanong kung saan sila papunta ni Raquim, sapagkat naiintindihan ko ang gawain ng Hari at Reyna.

Magpapahinga muna lamang ako at kakanta kami pagbalik ni Cassiopeia.

POV ni Minea

Hindi napunta sa isipan ko na, hindi pa pala nakapunta si Dayana sa mundo ng mga tao. Kawawa naman, naalala ko na isinara na ni Odessa ang lagusan upang hindi na kami maka-alis dito at wala nang mapahamak pa.

Na-alala ko bigla ang isang bagay sa mundo ng mga tao at yun ay ang cellphone. Nakagamit na ako noon, at tinawagan ko pa nga si Cassiopeia.

Mabuti pa na hindi ako na lang ang ipinadala sa misyon sa paghahanap ng Prinsipe ng Etheria noon, para maging akin na si Harry este Raquim.

Hindi ko namalayan na, nasa likuran ko pala si Sahara....
Tumatawa siya! "ahhahahahah!!!!" para siyang nandidiri at nahihiya sa sinabi ko.. at binigyan niya ako ng payo, "Yan lang ba ang gusto mo? dahil kung yang pag-ibig na yan lamang ay kaya ko yang ibigay sa  iyo ngayon... hahahaha!".

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya pero alam ko na kaya niya itong gawin subalit alam na alam ko rin na mayroon itong kapalit. Tinanong ko ang Diyosa Sahara na, "Ano ba ang magiging kapalit nito?" sinagot naman niya ako,

"Sa oras na matupad ko ang hinihiling mo, isusuko mo sa akin ang korona ng Dévas at Etheria bilang kapalit." Hindi ako magpapa-uto sa Diyosang isinumpa ni Bathala kaya hindi ako pumayag at pinaalis ko siya sa Etheria.

Ngumiti siya habang naglalakad palabas kasi wala na siyang kapangyarihang maglaho at humirit pa siya, "Pag-isipan mo ng mabuti ang alok ko sa iyo... TUSONG Minea!".

Nagalit ako dahil tinawag niya akong tuso kaya pinatamaan ko siya ng apoy pero nadepensaan niya ito at nakaalis na siya.

Tunay nga na hindi mapagkakatiwalaan si Sahara nagtaksil naman siya! Gaya nung ginawa niya kay Bathala noon. Ngayon, paano na ako makakakuha ng korona ni Cassiopeia.. kamalasan!

Wala na akong iba pang pagpipili-an kundi ang isa-isahin ang pagpaslang sa kanila. Sisimulan ko na ngayon ang pagpaslang sa kanila.

Maglalaho na ako at pupunta na ako ng Dévas....

Sa Kaharian ng Dévas

Kumakain na ang mga maharlika kasama si Zandro at naging masaya sila... nang biglang,.... Huminto ang paghinga ni Dayana.

Agad namang ginamot ni Cassiopeia ang puso ni Dayana gamit ang hangin na kanyang hinihinga. Nagalit si Zandro at Raquim at nahanap nila si Minea sa gilid.

Kumulo ang dugo ni Cassiopeia at gamit ang bilis ng hangin at ang kapangyariihan ng kanyang isipan pinahinto niya ang paghinga ni Minea at nanghina ang kaniyang masamang kapatid.

Agad namang pinosasan ni Zandro at Raquim si Minea, Tumayo na si Dayana at tumulong sa kanila. Natuwa ang mga kawal dahil mgiging bihag na sana nila si Minea at nang... pina-init ni Minea ang posas at napaso si Raquim at Zandro.

Agad namang nakatakas si Minea at Biglang NATUMBA!! si Dayana. Kinabahan ang lahat lalo na si Zandro at Cassiopeia. Kinuha ni Raquim ang sandata na tumama sa likod ni Dayana at ito ay may lason.

"Dayana huwag kang bibitiw!!!" sigaw ni Cassiopeia. Gumawa ng mabisang sumpa si Raquim at sinabi niya na. "Inuutusan ko ang tubig at dugo na dumadaloy sa katawan ni Dayana na tanggalin ang lason sa kanyang puso."

Mabuti na lamang t nagamot na ni Raquim si Dayana kundi, makikitil na ang buhay nito... dala ng lason na tumama sa kanyang puso. Hindi kasi nila nakita na nasaksak na pala siya ni Minea.

Umaasa na ngayon, si Minea na napaslang niya si Dayana. Ang hindi niya alam na nabubuhay pa si Dayana at sa puso ni Dayana ay nagagalit siya at gusto niyang gumanti kay Minea.

Naisip at napagtanto na ni Cassiopeia na magiging sagabal na si Minea sa buhay nila at nag-iisip pa siya kung ano ang gagawin niya sa kanyang kapatid.

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon