Chapter 20

664 16 1
                                    

Ito na ang araw, ang araw na tatanggapin ko ang aking Hari.
Ang isa sa mga masaya at hindi makakalimutang araw.
Matutunghayan sa araw na ito ang pagiisang dibdib namin ni Haring Raquim ng Etheria at ako na si, Cassiopeia ang reyna ng Dévas. Dito rin magtitipon sa araw na ito ang mga pinuno ng bawat nilalang sapagkat sila ang magbibigay sa amin ng basbas. Ito na rin ang araw kung saan malalaman o kung magkakaroon ba ako ng anak, babae ba ito o lalaki...
Nakakatuwa ring isipin na ang dalawang kaharian ay konektado na at pagiisahin... kahit ang Etheria ay pinagkukutaan nina Minea at mga rebeldeng Mecca.

Pagising ko ay wala na ang lahat ng lalaki sa palasyo., hindi kasi maganda o nagdadala daw ng malas kapag nagkikita ang mga lalaki at babae sa isang lugar bago paman simulan ang seremonya ng kasal. Mga dama, at si Dayana lang ang kasama ko.... nagbihis na ako ng aking damit, at napakaganda ng damit na yun. Ang pakiramdam ko ay parang naging reyna ako muli, ngunit hindi sa isang kaharian pero sa isang puso ng magiting na hari. Unti-unting umalis ang mga dama papunta sa lugar ng kasalan, hindi ko alam kung saan pero tiyak daw na magugustuhan ko ang lugar na iyon.

Habang  papaalis ang mga dama hinawakan ko ang kamay ni Dayana at sinabi ko na ano kaya ang posibleng mangyari. Gusto ko talagang magkaroon ng isang tagapagmana, pero kung hindi ito ibibigay sa akin ni Bathala, wala akong problema basta mayroon akong nagmamahal na kapatid at asawa.

Naaamoy ko na ang mga pagkain habang ito ay inilalabas.
Nakikita ko rin ang ganda ng mga babaeng diwata na dumadaan, bihis na bihis sila parang napakapormal ng pagdiriwang na ito. Tinawag na si Dayana at kailangan na niyang pumunta sa lugar... at kinalaunan, sumunod ako...

Tinawag ang pangalan ng mga pinuno at tumugtog ang musika at mga trumpeta, ganoon din ang naging nangyari sa pagdaan ni Dayana sa daanan. Namangha talaga ako sa lugar, ito yung lugar katabi ng ilog na nili-guan ko noon, hindi o pa nakakalimutan nung nakita ko si Raquim dito na walang suot na pang itaas... Natatawa ako sa saili ko dahil, nahihiya talaga ako ni Raquim noon, hindi ko naman talagang sinadya na tumingin sa talon nang napansin ko na naliligo rin siya. At ito na nga tinawag na ang pangalan ko "Reyna Cassiopeia"!!!!

Dahan dahan akong naglakad patungo kay Raquim nakikita  ko sa lahat ng dinaanan kong mga mukha ang saya, batid ko na masaya sila para sa akin, para akong isang napakahalagang bagay na tinitingala ng maraming tao habang papalakad ako kay Raquim.... Hindi pa ako umaabot sa gitna at may mga kawal na hawak ang kanilang sandata at nagbigay pugay sila habang dumadaan ako at naglalakad. Sa gitna ng daanan.... lumapit si Dayana at hinawakan niya ang mga kamay ko at niyakap ako, nagbago ang tugtog ng musika at ito ay naging mas malumanay at nakakagaan ng loob.. Hinatid na ako ng aking kapatid at ibinigay niya ang aking mga kamay kay Raquim at ibinulong niya sa kanya na "ingatan mo siya, mahalin mo ang kapatid ko"....

Patungo sa Gitna... hawak ni Raquim ang aking mga kamay luuhod siya at sinabi niya sa akin na "mamahalin kita Cassiopeia, mas pipiliin ko pang mamatay basta uunahin ko ang kapakanan mo..." isinuot niya ang singsing.
Dahan dahan ko naman siyang hinila upang tumayo at ipinangako ko sa kanya na " hangggang kamatayan man, Raquim mamahalin kita at hindi kita makakalimutan, hindi ko rin wawalain ang singsing na ito na snisimbolo nito ang pagmamahal ko sa iyo...

Umupo kaming dalawa sa malalaking upuan at lumuhod silang lahat... Lumapit sa amin ang mga pinuno at gamit ang kanilang kaalaman binasbasan nila kami "Cassiopeia at Raquim, kayo na ngayon ay ganap na mag-asawa sa kapangyarihan ni Bathala kayo ay binibigyan namin ng basbas upang maging maligaya kasama ang mga mahal niyo sa buhay, nawa gabayan kayo ni Bathala at panatilihing matatag ang relasyon niyo at huwag niyong sisirain ang tiwala niyo sa isa't isa"..... (tumahimik ang lahat at umupo sila ng maayos.... ang mga babae ay sinuot nila ang mga tela sa kanilang ulo at ang mga lalaki naman ay inilagay ang kanilang     sandata malapit sa dibdib habang nakayuko...)
Ilang saglit pa lamang ay lumapit si Dayana at Zandro sa amin ni Raquim... Kinuha nila ang korona ko at pinalitan ito ng korona ng dalawang kaharian at ganun din ang nangyari sa korona ni Raquim...
Ilang saglit pa lamang ay kinuha na ni Dayana ang manipis na tela na nakatakip sa mukha ko at sinabi niya na "naway biyayaan kayo ni Bathala ng isang mabuting anak na susunod sa yapak niyo..."

Tumayo silang lahat.... ito na ang panahon na malalaman ko kong magkakaroon ba ako ng anak...

HInalikan ako ni Raquim.. nararamdaman ko ang pagmamahal niya at sa ilang saglit lumiwanag ang ulap at parang bumukas ito, may mga puting paru-paru!! ibiig sabihin ay may dinadala akong sanggol sa sinapupunan ko..
Gamit ang tubig at hangin kinuha namin ang isang paru-paru at inilagay ni Raquim sa kamay ko. Pinalipad ko ito... at parang may letra na binubuo ang mga paru-paru... letrng "B".. ibig sabihin babae yung dinadalang tao ko!!

Mabuhay ang bagong kasal!!! at mabuhay ang magiging anak nila na si Hara Alena!!!! walang humpay na sigaw ng mga tao..

Umabot ang pagdiriwang ng tatlong araw... masaya ang dalawang kaharian sa nangyaring pagiisang dibdib at ang isang bagong diwatang Hara na magiging tagapagmana ng Dévas at Etheria... si Alena....

Babaeng Kakaiba  || Completed |Where stories live. Discover now