Chapter 36

501 17 5
                                    

Ikintuwa ni Minea at Sahara ang nalaman nilang balita tungkol kay Alena...

POV ni Minea

Mabuti naman at walang naging anak si Cassiopeia at Raquim. Mas madali kong mkukuha ang trono mula sa kanila...

Kung ngkaroon pa ng anak sila, nasisigurado ko, na magiging mlakas ito at magiging kagaw ko ito sa korona ng Dévas at maging ang korona ng Etheria.

Ang natitira na lamang na sagabal sa akin ay si Dayana at Raquim. Kapag nawala na yang dalawa unti-unti kong pahihirapan si Cassiopeia at kukunin ko ang kapangyarihan niya at papaslangin ko siya.

Hindi na magiging sagabal sa akin ang mga kawal nila.. wala naman kasing binatbat ang mga kawal na yan sa mga Mecca ko. Tinuruan ko ng mabuti ang aking mga Sundalong Mecca kay hindi nila ako bibiguin.

Hindi ko rin inisip na magiging kalaban ko ang Heneral ng mga kawal na si Zandro, kahit maglabanan pa kami ngayon, at hindi ako gagamit ng kapangyarihan ng apoy, ehh... talaga namang matatalo ko siya.

Hindi ko kasi nais na magsayang ng oras sa ganitong bagay kaya, may naisip na akong mabisang paraan na panlaban sa aking mga kapatid.

Gagawa ako ng isang napakalawak at malaking aktibo na bulkan, ngayon, hindi na ako natatakot at nababahala kung masunog ang buong palasyo at kapag namatay na si Dayana, kukunin ko ang kapangyarihan ng lupa.

Gagamitin ko ang lupa upang maka-gawa ako ng isang panibagong palasyo..."hahahaha" nasisiyahan na ako sa aking mga binabalak.

Ngayon, pupunta ako ng Lireo upang kausapin si Sahara at sasabihan ko siya sa binabalak ko.

Naglakbay si Minea patungong Lireo.....

POV ni Cassiopeia

Dapat ko sigurong gawin ang pagbisita sa Lireo... may napanaginipan kasi ako kagabi..
Heto ang napanaginipan ko:

May mga ibong nagkakantahan sa matataas na nota at lumipad kami sa hangin... kina-usap ako ni Odessa at may sinabi siya sa akin, "Cassiopeia, maglakbay ka ng Lireo huwag kang magkamaling maglaho lamang doon sapagkat nagbabantay doon si Sahara."

Nalilito ako kung ano ang magiging sadya ko sa Lireo at kung bakit ako papupuntahin dun ni Odessa subalit nagpakita siya sa aking isipan. Nagsalita siya gamit ang isipan niya, "Makinig ka, kunin mo ang nakatagong butil doon... dapat isumpa mo si Sahara na hindi na niya magamit ang kapangyarihan niyang maglaho."

Iyon lamang ang maaring gawin ng butil, subalit malaking tulong na sa inyo ang hindi makapaglahong sumpa na ibibigkas mo laban kay Sahara.

Ang butil na iyon ay mula sa luha ko... iyon ay ang unang luha ko. Pwede mong gamitin iyon upang labanan ang isang Diyosa gaya ni Sahara subalit, ang kapangyarihang maglaho lamang ang kaya mong bawiin sa kanya.

Pagkatapos mong gawin iyon... maghanda ka dahil may darating na init sa Lireo..

Hindi ko na-unawaan ang sinabi ni Odessa pero susundin ko na lamang ito sapagkat ikabubuti ito ng Dévas at Etheria.

Nakahanda na ang espada ko para sa paglalakbay ko bukas na Lumang Lireo kung saan hahanapin ko ang Butil ng Sumpa at mawala ang paglalaho ni Sahara.

kinabukasan...

POV ni Cassiopeia

Kailangan ko nang pumunta ng Lumang Lireo upang makuha ang luha na butil na magsusumpa kay Sahara.

Nakahanda na ang damit ko na aking susuotin papunta dun, ito ay mala-berde at halong asul ang kulay na may ginto sa kapa nito. Naisip ko na maglaho na lamang papuntang Lireo upang mas maging madali ako dun.

Ayaw ko kasing may mangyari na hindi ko maabutan kaya kailangan kong magmadali papunta ng Lireo, dapat din na kapag makalaho na ako doon, at maging hangin ako upang hindi ako makita ni Sahara.

Hindi ko kasi alam kung kakalabanin ko si Sahara, at kung sino ang matatalo, hindi pa kasi ako naka-laban ng isang diyosa noon... siguro mapapalaban ako ngayon.

Kaya naman, hindi ko na sinayang ang oras; nagpaalam ako kay Dayana at Raquim. Gusto ni Raquim na sumama pero, gusto kong gawin ito mag-isa kaya naglaho ako...

POV ni Minea

Kamalasan talaga!!!  malas talaga ang araw na ito!!
Hindi ko pa nag-papasyahan ang desisyon ko kung ipagpatuloy ko ba ang pagpunta ko ng Lireo.

Wala kasi ako sa gana ngayon sapagkat nawawala ang aking kuwintas... Hindi ko naman kailangan ang kuwintas na iyon sapagkat bigay ito ni Dayana sa akin.. pero sana naibenta ko man lang sana iyon! tsk! tsk! sayang malaki siguro ang naging pera ko dun!

Wala na kasi akong paki-alam sa kuwintas na iyon... ano paba ang magagawa ko. Kaya  nawalan tuloy ako ng gana. Tulad kasi ako ng apoy, kapag nasimulan na ng masamang pangitain ang araw ko, lalo akong nagagalit.

Kung makikipag-usap ako ni Sahara ngayon, na mainit ang ulo ko... baka maging masama ang resuta ng aming paguu-sapan at baka hindi siya sumang-ayon sa plano kong sunugin ang Dévas at ang lahat ng tao dito

Nagsasayang lamang ako ng oras kaya, isinawalang bahala ko muna ang kuwintas na iyon, at maglalaho na ako papunta ng Lumang Lireo  at nang matapos na ito at makuha ko na ang korona.

POV ni Sahara...

Ang tagal naman ni Minea... may kapangyarihan naman siyang maglaho. Kung pupuntahan ko naman siya sa Etheria, baka maglaho siya dito... at hindi kami magkita kaya maghihintay na lamang ako.

Walang hiya talaga ang magkakapatid na iyon! Si Cassiopeia inagaw ang korona ko! At yung Minea namang yun ay mayabang, akala mo kung sino.... nagpaplastikan lang naman ako sa kanya..

Ang totoo wala akong kinakampihan, ang aking sarili lamang ang iniisip ko at wala nang iba ang pwedeng sumiksik nito.

Hindi nagtagal at naglaho ang dalawang Hara... mga pasaway... at talagang nagsabay pa ha... si Cassiopeia at Minea.

Nakita nila ang isa't isa at para silang mga aso at pusa na hindi magkabati. Ang mga mata nila ay nakakatawa.. hindi man lang sila ngumiti sa isa't isa.

Ano naman kaya ang naging sadya ng Reyna ng Dévas sa templo ko. ??? Ano ang ginagawa niya dito.. hindi niya pwedeng marinig ang usapan namin ni Minea lalong-lalo na ang tungkol sa pagpapabagsak namin sa Dévas.




(Dear readers... ano na kaya ang mangyayari kay Cassiopeia.. magtatagumpay kaya siya sa binabalak niya sa butil? o mapapalpak siya... kaabang-abang naman, don't forget to vote and continue reading ...)

Babaeng Kakaiba  || Completed |Where stories live. Discover now