Chapter 33

499 9 9
                                    

Sa matagal kong  pakikipagsama sa aking anak, at sa dami na rin ng pinagdaanan namin, may iba pa rin sa nararamdaman ko sa kaniya. Ito ang tinatago ko sa kanila, may kakaiba sa nadadama ko kay Alena para bang may puwang sa aming mga puso at parang hindi kami magkalapit.

POV ni Dayana

Sa tingin ko, iba na ang nararamdaman ni Cassiopeia siguro nahahalata na niya ang aming sekreto. Hindi lang isang sikretong malaki kundi may halong sakit na madarama si Cassiopeia kapag malalaman at marinig niya ang tungkol dito. Ako lang, si Raquim at si Odessa ang diyosa ang  nakakaalam.

Ganito kasi ang nangyari, totoong nagmamahalan si Cassiopeia at Raquim. Noon, pa man hindi ko na gustong saktan ang kapatid ko. Si Odessa ay isang diyosa ng panahon, at may kakayahan ang mga diyos at diyosa na gayahin ang mukha ng isang nilalang na gusto nilang magaya pero dapat lamang itong gamitin sa kabutihan.

Ang katotohanan kasi, namatay ang anak ni Cassiopeia nung isinilang niya ito... at habang natutulog siya ay lumapit sa amin si Odessa at sinabi niya ang kanyang pwedeng gawing tulong. Kaya naging anyong bata si Odessa. Kaya kung iyong pagmamasdan si Alena malakas siya dahil siya at si Odessa ay iisa.

Nung nag-away nga si Sahara at Alena nadaig si Sahara, dahil si Alena ay isang Diyosa ng Panahon. Minsan nga may nagtatakang mga diwata at diwani kung bakit ganun kalakas  si Alena, ang sinasabi ko sa kanila ay talagang biniyayaan si Alena ng ganung lakas.

Hindi ko ibig ang pagsisinungaling na ito, sapagkat lalong tumatagal ang panahon, ehh,,.. mas lalong nahihirapan kami ni Odessa at Raquim na paniwalain ang aking Kapatid na Reyna na si Alena ay anak niya. Dito sa Dévas si Cassiopeia kasi ang pinakamalakas na nilalang kaya nagtataka siya minsan.

Nabasa na kasi ni Odessa ang tadhana sa totoong anak ni Cassiopeia na, mamamatay ito sa oras na isilang siya... kaya pumayag nalang kami ni Raquim. Nung una, hindi niya gustong magsinungaling sa kanyang asawa sapagkat nasasaktan din siya dahil nawalan din siya ng totoong anak. Wala akong masisi dito, wala namang gumusto sa pangyayaring ito.

Mahal na mahal ko ang aking kapatid at ayaw kong biyakin ang puso at damdamin niya. Mas pipiliin ko pang magsinungaling at makitang masaya ang aking kapatid, kaysa makita siyang gumuguho ang isip at magsasabi ako ng katotohanan tungkol sa aming ginawang pagsisinungaling.

Ano na kaya ang gagawin namin ni Odessa tungkol dito... hindi ko kaya ang mga sitwasyong ganito.. mas kaya ko pa ang madugong labanan kaysa sa ganitong kaganapan. Hindi ko maisip minsan kung ano ang gagawin namin tungkol sa katotohanan. Ayaw ko namang kasing masaktan ng husto ang aking kapatid kapag sa iba pa niya malaman ito...

POV ni Alena

Ang pagdadala ng pangalang Alena ay isang malaking bagay. Malaki ang ginagampanan ko dito. Ang ibig kasing sabihin ng Alena ay dalisay... paano magiging dalisay ang puso kong to... na nasanay nang maging si Diyosa Odessa ng Dévas at ng Etheria.

Hanggang kailan ko paya magagawa ang trabaho ko dito. Gusto at nasasabik na akong bumalik ng aking totoong tahanan ang Hevana. Ako na siguro ang diyosang magaling magpanggap at isang Diyosang nagsi-sinungaling. Alam ko na kapag malalaman ito ni Minea at ng kapatid kong si Sahara, alam kong ikagagalit nila ito.

Samut-saring emosyon na ang bumabagabag at naglalaro sa isipn ko. Naisip ko tuloy minsan kung itutuloy ko pa ba ang aking  pagpapangggap. Sa tingin ko, hindi pa ngayon handa ang mahal na Reyna na malaman ang ganito ka sakit na video. Baradong-barado na ang utak ko sa kakaisip

POV ni Cassiopeia

Oo... matagal ko nang tinatago ang nararamdaman ko... Hindi ko kasing maggawang masabi ni Dayana o kahit ni Raquim kung bakit iba at bukod tangi ang nararamdaman ko kay Alena. Bilang isang ina, hindi ba't parang konektado na kayo ng anak mo? Pero kami ay parang hindi.

Sige na nga.. kakalimutan ko muna ito.. nakita ko kasi ang Haring minahal ko, naglalakad si Raquim patungo sa trono. Hindi ko siya magawang hindi tingnan. Kahit na kami ay medyo hindi na nakakapag-usap pero nararamdaman ko pa rin ang pagmamahalan namin. Hinalikan niya ako. (Wala akong masabi) tila hindi ako nasanay sa pagiging asawa niya.

Ano ba naman ako... bakit pa ako kinikilig ng ganito. Hindi ko masabi kung bakit, parang bumabalik ang lahat ng kilig na nadama ko nung nasa mundo pa kami ng mga tao.

****Flashback Memories*****

Naalala ko pa nung una naming pasok sa paaralan upang gawin ang misyon namin ni Minea.

Siya yung unang tao na kinausap ko.. siya ang unang taong naging kaibigan ko.. pero nalaman ko ngayon na hindi pala siya tao... hahah isa pala siyang Etherian.

Naaalala ko pa nung kumanta siya sa harapan ko gamit ang gitara niya. Yung mga oras na hinawakan niya yung kamay ko. Para akong nababaliw ... Yung mga oras na sabay kaming kumain... ang mga problemang natapos na namin ni Raquim at ang isang pangalan na hindi ko makakalimutan.. "Harry".

May mga ganitong pangyayari talaga na nakapagtataka... hindi mo maipapaliwanag kung grabe ang pagmamahal mo sa isang tao...

Habang lumilipas ang panahon at dumaraan ang mga pagsubok ng buhay.. Patuloy pa rin kaming magsasama ni Raquim kahit na sa huli kong hininga.. Patuloy pa rin kaming tatawa sabay ng pagsibol ng hangin.. ang mga ala-ala na aming nakamtan ay patuloy naming bibigyang halaga.

ldwrite Liily_112 Aya_Manami

Babaeng Kakaiba  || Completed |Where stories live. Discover now