Chapter 8

1.2K 29 1
                                    

Ang masama kong panaginip:

( panaginip ko)

Walang tigil ang ulan
Hindi ko inaasahan na makikita ko na ang prinsipe. Pinatay ang mga ilaw sa palasyo dahil simbolo ito na sisindihan lamang sa pagbabalik ng prinsipe.

Nakita ko si Dayana at may dala siyang singsing na gawa sa ginto at mga mamahaling bato na kulay asul.

Tumabi si Dayana sa akin na tila tuwang-tuwa siya para sa akin.
Kakaiba ang sinasabi ng hangin sa akin, para bang nagbibigay ito ng babala.

Ilang oras ang lumipas nawala ang ingay sa palasyo ng Etheria at napalitan ito ng mga mukhang sabik nang makilala ang prinsipe.

Sinindihan na ang mga kandilang nakasabit. Tumugtog na ang trumpeta at nagsipalak-pakan na ang mga mamamayan. May soot akong posas nun. Sinubukan kong makawala at tumakas ngunit, nahinto ang mga binabalak ko nang lumintad sa mga mata ko ang mukha ng prinsipe.

Ang puti-puti niya, may suot siya na pilak na kalasag, nakaka-akit ang kanyang mga mata. May kakaibang tikas ng katawan.

Hinahanap ko si Minea at nakita ko siya katabi ng prinsipe. Hinihintay kong banggitin ang pangalan ng prinsipe ngunit wala akong narinig.

Nagsalita ang prinsipe gamit ang kanyang nakakapanindig balahibo na tinig.
"Para sa kalayaan at karapatan nv Etheria gagawin natin ang lahat upang mapasakamay natin ang kapangyrihan ng mga diwata".

nang biglang..........
.......
....
...
Nagising ako :(

Iniisip ko ang kaugnayan ng panaginip ko at ng lindol noon.

Kailangan ko pa palang hanapin si Leandro. Pero parang hindi na kailangan dahil nagpakita siya sa akin gamit ang wangis ni Minea.

Agad ko siyang niyakap at nagbalik anyo siya bikang Leandro. Tinanong ko sa kanya kung saan siya nanggaling.

Pumunta siya sa puno ng gabay. Ang puno ng gabay ay magbibigay sa amin ng isang bugtong na magsisilbing gabay sa aming tanong. Itinanong niya kung nasaan ang prinsipe.

"Likod, Sa harap sa gilid o gitna
Siya ay hindi niyo maaalintana
Mahahanap niyo siya sa kampana
Nahihintay na hanapin ng isang
kabanata."

-bugtong...

Napakahirap ng bugtong na bibigay ng kahoy ngunit, nagpapasalamat pa rin ako sa tulong na pinakita ng kapatid ko.

Sa isip ko... nakita na namin ang prinsipe pero hindi namin napansin.

Sa dami dami ng tao dito.. sa mundo ng mga tao.. ang napapansin ko lang araw-araw ay ang aking kapatid at ang si Harry... sila lang yung malapit sa akin.

Dapat ko na talagang makita siya... ayon sa aking ina itinadhana daw siya na maging hari at bilang kabiyak ko.

Hindi ako nananabik na magkaroon ng asawa ngunit, kailangan ng Etheria ng pinuno na magtatanggol at ipaglapan ang mga mamamayan doon.




( dear readers ..... pls continue your support God Bless!!)

Babaeng Kakaiba  || Completed |Where stories live. Discover now