Chapter 39

479 13 1
                                    

Hindi ko na alam kung papaano pa mapapatawad ni Dayana ang kapatid naming si Minea. Alam ko na mahal ni Zandro ang bunso namin, at gusto niyang gumanti kay Minea pero, wala siyang kalaban laban sa kanya dahil isa lamang siyang kawal.

Hindi ko rin alam kung papaano na kami magg-kakaayos pa, dahil winasak na ni Minea ang tiwala ko sa kanya noon, at patuloy niyang winawasak ito, sa pagtatangka sa buhay ng bunso kong si  Dayana.

Pagkagising ni Dayana ay nag-usap sila ni Raquim, tila may hinihingi na pabor si Dayana sa kanya... binasa ko ang isipan ni Dayana at sinabi pala niya ni Raquim na, "Haring Raquim, alam ko na ikaw ay isang huwad na nilalang, pero gusto ko nang gumanti kay Minea... maari bang palakihin ko ang Dévas at dito na kayo manirahan, habang ang Etheria, ay bibigyan ko ng lindol upang  hindi na makatira doon si Minea.

Hindi ko inaasahan na sasang-ayon si Raquim kay Dayana, sinabihan nila ako sa pinagusapan nila at sumang-ayoon din ako na sa gabing ito.... wawasakin namin ang Etheria at gamit ang Hangin,Lupa at Tubig... gagawa kami ng malaking pinsala sa kanila... maging ni Minea.

Bago namin nagdedesisyonan ito, itinanong ko kay Raquim na  hindi niya ba mamarapatin ang pagwasak namin sa sarili niyang kaharian.. at sinabihan niya ako ng marahan, "Cassiopeia, ito na ang itinuturi kong tirahan, ang Etheria ay mahalaga sa akin, pero hindi ko naman ito napakinabangan dahil pinagkukutaan na ito ng mga Mecca.

Hindi ko alam kung papaano  papasalamatan ang aking asawa... at hindi ko rin alam kung papaano niya ito kinaya na wasakin ang  sarili niyang kaharian.

Lubos talaga akong nagpasalamat sa pagiintindi ng aking asawa sa akin at palagi siyang nandito upang sumuporta sa lahat ng desisyon ko, at palagi niya akong pinasasaya. Kaya bago pa man kumagat ang gabi, Ideneklara ko na ang Hari ng Dévas at ang pagkawala ng Etheria.

POV ni Minea

Wala palang binatbat si Dayana sa akin, hahahaha... hindi ko alam na ganun pala siya ka hina, na sa isang saksak lang ay natumba na siya at muntik niya pang ikamatay.

Sayang at hindi natuloy ang pagkamatay ng Dayana na yun... tinulungan kasi siya ng hayop na Cassiopeia na yun! at ang kapangyarihan ng tubig na nagpawala sa lason ng kaniyang katawan.

Kailangan ko munang maging mabait kay Sahara ngayon, dahil mas matatagalan akong makuha ang Dévas kung mag-aaway pa kami.

Ano bang klaseng pagdiriwang ang nangyayari sa Dévas kasi, mula dito sa tore ng Etheria, nakikita ko ang mga paputok na nangagaling sa Dévas. Tinanong ko sa aking Mecca, kung ano ang kaganapan pero ang alam lang nila ay ideneklara na ni Cassiopeia na si Raquim ang Hari ng Dévas.

Tila sumusuko na sila sa pagbawi ng Etheria mula sa akin... Mabuti naman kung ganun. Magiging akin na talaga ang ETHERIA!!! Pero, tila hindi sila nababahala sa pag-aangkin ko nito.

Hindi ko na papangalanang Etheria ang kahariang ito, dahil tila ayaw na nilang bawiin sa akin ito... papangalanan ko na ito na Calsero!!! na ibig sabihin ay mainit na kaharian....

nalaman ni Raquim ang pagbabago ng pangalan ng kanyang dating kaharian, hindi naman niya ito binigyang pansin dahil naghahanda na siya sa pagbagsak ng Etheria o ang tinatawag ngayong Calsero!

POV ni Diyosa Odessa

Magsaya at magdiwang ka muna ngayon Minea, hindi mo pa kasi alam ang binabalak nila sa Kaharian ng Etheria o ang kaharian na ninakaw mo at ginawang Calsero.

Nababasa ko na ngayong gabi,... magaganap ang aking sasambitin na propesiya... "Maraming Mecca ang masasawi at mawawasak ang kaharian ng Calsero, walang ibang mahihingan ng tulong si Minea kundi si Sahara at kakapit siya sa patalim, kahit alam niya na masama si Sahara."

Sigurado ako na hindi tutulungan ni Sahara si Minea ng walang kapalit at nakikita ko na magiging desperado na si Minea at makikipag-alyansa siya kay Sahara.

Kawawa naman ang kaharian noon na tinatawag na Etheria, kasi ngayong gabi tatawagin itong Calsero at babagsak ito. Lalong mas magiging mainit ang pagitan ng mga magkakapatid at bilang isang Diyosa, wala akong magagawa tungkol dito kasi ito ang napili nilang landas.

Sana naman, maging mabait na si Sahara at sana, siya ang magdadala ng kabutihan, pero malabo itong mangyari... sapagkat pinaiiral ni Minea at Sahara ang galit sa kanilang puso at hindi na nila naisip ang pagmamahal.

Nakatakda rin na magkakaroon ng madugong labanan ang Mecca at ang kawal ng Dévas.

Pagsapit ng dilim

Una, umihip ng malakas ang hangin sa Calsero at nagliparan ang mga puno dito... sinubukang lumaban ni Minea pero mas malakas sila Raquim laban sa kanya. Mula naman sa Lireo nagtungo si Sahara upang tulungan si Minea..

Naging matindi ang labanan ng hangin laban sa lakas at apoy. Hindi pa tumutulong sina Raquim at Dayana pero malakas na ang naging pinsala ng hipo-hipo na ginawa ni Cassiopeia.

Hindi pa rin ngpapatalo si Minea at nagsanib pwersa sila ni Sahara at pinaputok ang bulkan.... agad namang gumawa ng daluyong si Raquim at sa lakas ng pwersa ng tubig.. natumba at nalunod ang ilan sa mga Mecca.

Naghawak-kamay si Raquim at Cassiopeia at biglang dumilim ng todo ang kalangitan, gumawa sila ng bagyo at nawasak nito ang bubong ng palasyo ng Calsero.. sumigaw si Raquim, "Paalam Etheria... paalam Calsero!!" Tila hindi na tumitigil ang paglakas ng hangin at ulan.

Naging makabuluhan naman ang ilang atake ng mga kawal na nagbabantay sa Dévas gamit ang mga kanyon na pumutok at sumira sa Palasyo ng Calsero.

Wala nang ibang naggawa si Minea kundi naglaho kasama si Sahara at ang natitirang Mecca sa templo ng Lireo. Sumigaw siya na "Akin lamang ang Calsero! Mamamatay ka rin Cassiopeia!".

Hindi nagtagal ay lumabas na si Dayana at nilabas niya ang galit niya at lumindol ng malakas sa Calsero... wala nang nagawa si Sahara at Minea kundi ang manood kung paano nagalit si Dayana.

Hindi nagtagal at nabiyak ang lupain ng Calsero o ang lumang Etheria.. Umunlod naman ito sa daloy ng tubig mula sa karagatan. Ang kapangyarihan naman ng hangin ang nagiging pangsangga nila sa atake ni Minea para hindi na niya mapakealaman ang Pag-guho ng Calsero!

Tuluyan na ngang gumuho ang Calsero at nagpahinga na sina Cassiopeia, Raquim at Dayana. Wala ring ibang naggawa si Minea kundi ang maggalit at mapikon!

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon