Chapter 18

770 14 0
                                    

POV ni Haring Raquim

Ang pagiging hari ay ni minsan ay hindi tumatak sa isipan ko..
Naaalala ko pa noon nung bata pa ako na tinanong ko sa guro ko na siyang umampon sa akin, kung nasaan ang tatay ko at kung bakit hindi kami kumpleto.

Nakakahiya iyon na sitwasyon dahil hindi ko alam na ako ay isang batang nakita lamang niya sa daanan.

Pauwi na ang tatay-tatayan ko noon, galing siya sa kanyang trabaho nang makita niya ako, walang damit, walang magulang at wala sa hustong pagiisip.

Lubos na nagpapasalamat talaga ako sa kanya, hindi lamang dahil kinupkop niya ako, siya rin ang ngturo sa akin at nagmahal sa akin.

Ngayon, nalaman ko na ako ang Hari ng Etheria.

(flashback)

Nagsimula ito sa isang kahoy, o mas kilala na lagusan ng mga diwata patungo sa iba't ibang dimensyon.
Nakita ko ang dalawang magkakapatid na lalaki na nagngangalang Christian at si Leandro.

Nakilala ako ni Christian noon bilang si Harry.
Hindi ko alam kung papaano nangyari pero naging malapit ko silang kaibigan...
Naglalabasan kami ng sama ng loob at problema at handa naman kami para sa isa't isa na tulungan at dumamay.

Nakakagaan ng loob kasama si Christian alam ko na weird ito dahil parang hindi nila alam ang mga makabagong salita sa aming lugar.

Si Leandro naman ay may itinatagong puot at galit sa kanyang mga mata. Sa likod ng mga ngiti niya s amin, hindi pa rin nawawala ang isang bagay, at ito ay ang pagkagalit niya kay Christian.

Ngayon ay talagang ipinakita na ni Minea ang kanyang kataksilan...

Naiisip ko rin minsan, kaya siguro pinili ni Bathala si Cassiopeia, dahil  si Minea ay madaling magalit, hindi bukas ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng katotohanan.

Sana naman kakayanin namin ng magiging asawa ko ang mga pagsubok na dumating, dumarating at darating sa aming buhay.


POV of Cassiopeia

Nagising na ako at tila may biglang pumasok sa isip ko.

Biglang may nakita ako sa hinaharap na malaking kaguluhan at pasakit.

Binaliwala ko nalang iyon at naligo na lamang ako...

Masyado ko sigurong pinoproblema ang mga bagay siguro dapat muna akong magpahinga....

Kakaiba ako na diwata ang pagpapahinga ko ay hindi ko dindaan sa pagtulog kundi sa pagtutugtog ng "piano"

Naalala ko si Raquim alam niyang tumugtog ng pborito kong kanta.
Pinapunta ko si Raquim sa silid na puno ng instrumentong pangmusika..
Sinimulan ko na ang pagtugtog, tumabi sa akin si Raquim at tumugtog kami ng sabay sa awit....

Mabuti naman ngayon at kahit papaano ay naibsan ang pagod na dinarama ko sa mga problema ko.

Naaalala ko pa ang kuwento ng instrumento na iyon, dhil sa piano, umibig an aking ina sa aking ama.
Kaya tulad rin ng aking ina, napapaibig ako hindi lang kay Raquim kundi nararamdaman ko na buhay pa ang mga magulang namin.

Kay rami na ng mahahalagang alaala ang silid na ito si  Dayana, dito siya natutong tumugtog ng plauta at si Minea naman ay natuto rin dito, sa paggamit ng gitara.

Kaysaya pa namin noon ni Minea wala pang nangyayari na agawan, alitan at sigalot.

Palagi kaming nagbibigayan at palagi aming nagkakaunawaan.

Minsan talaga mayroong mga bagay na hindi mo maipaliwanag kung bakit ito nangyari at naging parte ito ng buhay mo... sana naman ay maalala natin na plaging may karamay tayo na alam kung ano ang nagawa nating mabuti man o masama...

'~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon