1.Chloe

70.2K 1.3K 123
                                    

Chloe Alexandria

Hello everyone! Na-miss n’yo ba ako? Sa mga hindi ako
natatandaan, I’m Chloe Alexandria D. Rosales, the eldest
daughter of Alexander and Trisha Rosales.

I have three
siblings: the twins Alexa Isabelle (Isha) and Troy Adrian
(Ian) at ang youngest na si Xhandrie. But I have another
brother sa Mama Choleen ko. They live in New York, pero
during vacation nakakasama ko sila. I’m 21 now. Still pretty
gaya ng dati. Fourth-year college student na ako.

“Mom, aalis na po ako! Nasa labas na sina Sab at Elle,
sasabay na po ako sa kanila,” sigaw ko kay Mommy Trish
na nasa kusina.

“Chloe Alexandria, hindi ka pa kumakain ng breakfast!”
sigaw ni Mommy Trish habang lumalabas ng kitchen.

Si Mommy, after all these years mas gumanda pa siya.
Mas pinaganda siya ng pagiging ina sa aming magkakapatid
at asawa kay Daddy.

Ngumiti ako habang nilalapitan siya. “Love you, Mom.
Sa canteen na po ako kakain. I had a glass of milk. Don’t
worry.” I kissed her on the cheek.

“Tell Dad na lang I’ll go
ahead.”

“Ang baby ko, dalagang-dalaga na talaga. Baka mamaya
mag-asawa ka na at iwan mo na kami nang tuluyan.” With
matching lukot face pa ang Mommy ko.

“Mom, seriously? Papasok lang po ako sa school, asawa
na agad? Ayoko lang po ma-late. First day of school
remember?”

“Joke lang, anak! Sige na, mag-ingat kayo. Don’t forget
to eat.”

Inabutan ko ang dalawang best friends ko na
nakasimangot—si Ma. Ysabella Reyes at Gabrielle Lopez.

They’ve been my best friends since high school. Hindi lang
sila magaganda, sa kabila ng antas ng pamilya nila sa buhay,
may mabubuti silang puso.

“Earth to Chloe! Ano ka ba naman girl? You’re spacing
out! Anong iniisip mo?” sabi ni Sab.

“Iniisip ko ang mangyayari sa unang araw ng last year
natin sa college…”

Nagti-twinkle pa ang mata ni Elle nang sabihing, “Naku,
Claw, for sure masaya! Balita ko kasi maraming transferees
sa school natin.”

Naglalakad kami sa hallway nang tumawag ang
pinakagwapo kong Daddy. For sure may sermon na naman
ako sa ’di pagsabay sa breakfast.

“Chloe Alexandria! Why’d you leave so early, baby? Sabi
ng Mommy mo hindi ka nag-breakfast? ”

“Dad, I’m sorry. It’s the first day of school! Excited lang.
And please, ang laki-laki ko na para tawagin mong baby.”

“Chloe, anak, kahit siguro 30 ka na, baby pa rin kita. Eat
something okay? And take care. Love you, baby.”

“Love you, too, Dad. You take care, too.”

Tapos na kami mag-usap ni Dad nang may sumipol sa
may unahan namin.

“Oh my gosh, girls! Look ang gwapo-gwapo niya! I bet
he’s a newbie here,” halos tumitiling sabi ni Elle.

“Oo nga, and my, he’s looking at us,” dagdag ni Sab. Baliw
talaga ang dalawang ’to, binabastos na nga kami no’ng
lalaki.

Nilagpasan namin ang grupo nila nang ’di ko man
lang siya tinatapunan ng tingin.

“Ay! Gravity ka, Claw! Hindi mo man lang pinansin si
cutiepie,” sabi ni Elle.

“Hindi dapat pinapansin ang mga lalaking bastos.
Pasipol-sipol, ni hindi nga tayo kilala ng labanos na ’yon!”

“Wait, what! Did you just call him labanos?” sabi ni Sab.

“Yup. Hindi ba’t kasing-kulay niya ang radish?”

“So pinansin mo siya kasi nakita mong kutis labanos siya,
Claw!” sabi ni Elle.

I knew Elle was teasing me. Buti na lang nasa room na
kami. Nagpasalamat din ako at hindi ko kaklase ang labanos
na ’yon.

Wait a minute! Did he just pop into my head?
No way! Yes, way, sagot ng isip ko.

Nagyaya ako sa canteen pagkatapos ng first subject namin. I was about to bite the sandwich I bought nang may
malamig na likido akong naramdaman sa bandang likod na
bahagi ng leeg ko.

“Oops, sorry!” narinig kong sabi ng kung sino.

Napatayo ako. Nagsalubong ang kilay ko nang makita
ang may-ari ng boses. Hawak niya ang cup na kalahati na
ang laman. Of all people na makikita ko, siya pa talaga.

“I’m sorry, miss. Natapilok kasi ako and accidentally
poured my juice on your back. My bad.”

Pero seeing that he was holding back his laughter, I bet
sinadya ng bastos na ’to na buhusan ako.

Napagawi ang tingin ko sa mga kasama niya. I knew
most of them. Sila ang mga bullies na walang magawa sa
buhay kundi ang magpapansin. They were waiting for my
reaction.

“Nah, it’s okay. Never mind. I have an extra blouse in my
locker. How about you? Did you hurt yourself? Next time
mag-iingat ka ha? Excuse me.” Naglakad na ako palayo.

Nakasunod naman sa ’kin ang dalawang best friends ko
na kapwa yata nalunok ang mga dila at ’di man lang ako
binigyan ng back up.

“Oh my gosh, Claw, nakakamangha ang self-control mo.
Kung ako ’yon baka nasuntok ko na siya sa mukha kahit siya
pa ang pinaka-cute na lalaki sa balat ng lupa,” litanya ni Sab.

“Kunwari pa siyang natapilok, halata namang sinadya
niya. We have to do something about this,” sabi ni Elle at
umakto itong nag-iisip.

“You know what? He’s not worth our time,” I told them.

Itutuloy....

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now