2. Zaide

40.5K 1K 89
                                    

" Nahh it's okay, nevermind, I have an extra blouse on my locker, how about you? Did you hurt yourself? Next time mag iingat ka Mr, excuse me, I need to go to the washroom ."

Zaide Travis


Seriously? ’Yon lang ang sinabi niya after what I did? I’m
sure nagpigil lang ’yon.

Base sa kwento ng pinsan kong
nag-aaral sa Watty University, likas daw na mabait itong
si Chloe Alexandria. Siguro nga swerte siya na gising siya
nang magsabog ng maamong mukha sa mundong ito.

Pero alam ko kung paanong man-disappoint ng taong akala ko’y mabait, na akala ko’y hindi kayang manakit, na parang santa
na hinding-hindi gagawa ng mali.

Zaide Travis V. Mondejo, 21, only child. Tagapagmana ng
isang successful businessman.

My family owned an airline
company. Siguro masasabi ninyong maswerte ako, pero
hindi perpekto ang buhay ko.

Iniwan kami ng Mom ko when I was 12. Bigla na lang
siyang naglaho. Hinding-hindi ko inakala na kaya niya
akong saktan at talikuran, but she left. Naiwan ako sa poder
ni Dad, pero madalas ang lola, lola, at yaya ko lang ang
kasama ko.

I didn’t believe people like Chloe Alexandria exist—innocent, kind… Women are all the same; they all end up betraying you.

Chloe was not an exception. She just hasn’t shown her dark side yet. I will be the one to unleash the devil in her.

“Sabi sa ’yo, bro, hindi mo kaya ang self-control niyang si
Chloe,” sabi ng pinsan kong si Chester.

“Siya ’yong tipong
hindi mag-aaksaya ng panahon sa pagsaway sa mga tulad
natin.”

“Don’t you think it’s too early to tell, bro? If ever Plan A
does not work, I have a backup plan ready. This will be an
exciting school year.”

“Pinag-iinitan mo talaga ang prinsesa ng Watty University? What has she done to you at ganyan na lang
ang interest mo sa kanya?” singit ni Jarred, isa pa sa mga tropa ko.
 
“I just hate hypocrites, and I know she’s one of them.”
Sakto namang dumaan ang taong pinag-uusapan namin,
kasama nito ang dalawang kaibigan. Sinulyapan kami ng
dalawa, pero si Chloe busy sa phone niya at may pangiti-
ngiti pang nalalaman.

Pumasok na lang kami sa aming mga klase. At kapag
sine-swerte ka nga naman, kaklase ko pa siya.

Naupo ako
sa may likod nilang magkakaibigan, napapagitnaan siya
ng dalawa. Dumating na rin ang prof namin kaya sa kanya
natuon ang atensyon ng lahat.

“I’m Mr. Peralta, your instructor. Mr. Mondejo, I believe
you are new to this school and to this class. Kindly introduce
yourself.”

“I’m Zaide Travis V. Mondejo.”
Nagbulong-bulongan ang buong klase.

“Mr. Mondejo, welcome to WU,” sabi ng instructor.

I looked at Chloe, pero busy siya sa pagbuklat ng libro.

I couldn’t believe that she was ignoring me.

Wala pang ’di
pumapansin sa ’kin ’pag nagsasalita ako.

Sinusubukan niya
talaga ako!

Itutuloy...

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now