49. Walk out

28.1K 677 108
                                    

Zaide Travis

Hindi muna siya nagpakita ng ilang araw kay Chloe at maging kay Maui, torture man sa kanya na hindi makita ang mga ito but he needs to sort things out. Mahal niya si Chloe pero naguguluhan siya sa dahil parang tinutulak siya nito palayo.

Pero hindi niya pinalagpas ang tungkol sa pagpapadala ni Jarred ng bulaklak sa ina ng anak niya.

" Zaide, good thing na nandito ka, the court granted your request, Maui can now use your surname. She's legally yours." anak niya si Maui, legal man o hindi pero masaya siya na finally magagamit na ng anak niya ang apelyidong Mondejo.

" Thank you Jarred, alam kong napabilis ang proseso niyan dahil sayo. Pero may isang bagay pa akong ipinunta dito." nawala ang ngiti nito sa mukha.

" Kung tungkol ito kay Chloe, yes liligawan ko siya. Alam mo naman sigurong noon paman may gusto na ako sa kanya. You had your chance, panahon na siguro para ako naman." pinipigilan niya ang sarili na suntukin ito.

" No Jarred, may anak kami at gagawin ko ang lahat para mabigyan ng isang buo at masayang pamilya ang anak ko. Kaya pasensya kana kung hindi ko isusuko si Chloe sayo." His daughter will grow up kasama siya at si Chloe at hindi ng ibang tao.

" Kaya ko ding gawin yan Zaide, hindi mahirap mahalin ang anak mo, she's adorable. Kaya ko maging ama sa kanya at bigyan siya ng buo at masayang pamilya." Jarred reminds him of Ethan.

Hinawakan niya ang kwelyo ng kaibigan. " Listen to me very carefully, Villamar. Ako lang ang ama ng anak ko, wala siyang ibang kikilalaing ama kundi ako lang, minsan na siyang naagaw sa akin at hindi na ako papayag na maulit pa yon! Mahal ko si Chloe at gagawin ko ang lahat para mabuo ang pamilya namin. Hindi ikaw ang makakapigil, para mangyari yon. Iba nalang Pare. Iba nalang." kinuha niya ang mga dukomento sa table nito saka umalis.

Umuwi siya ng bahay at nadatnan niya ang masayang boses ni Olivia at Kylie.

" Papa! Papa! Andito na ang Daddy ko." pagmamalaki ni Kylie sa kanya. Dumating na ang ama nito.

Seaman si Damon at kahit nag alok siya mg tulong  para hindi na ito lumayo sa mag ina niya, gusto parin nitong kumita sa sariling paraan.

Sinalubong siya ni Damon at nakipagkamay naman siya dito.
" Kuya, kamusta? "

" Gago ka! Huwag mo nga akong makuya Kuya! " bagay nga sila ni Olivia. Magkaedad lang sila nito.

" Zaide, language. " babala ni Olivia na pinandilatan siya. Nakalimutan niyang naroon si Kylie.

" Papa, ang dami kong pasalubong from Daddy." bitbit nito ang manika na nasa kahon pa.

" That's nice princess. I'm happy for you." ginulo niya ang buhok nito.

" Thank you Zaide, salamat sa pagaalaga sa kanila habang wala ako." si Damon.

" In two days magiging isang pamilya na tayo. Kahit wala pa nga ang kasal n'yo pamilya na tayo Damon, kaya hindi kana dapat magpasalamat. Ang gusto ko lang alagaan mo sila." gusto niya lang maging maayos ang kapatid at pamangkin niya.

" Makakaasa ka Bro." nakipagkamay itong muli at saglit siyang niyakap.

Naiwan sila ni Olivia ng umalis si Damon para bumisita sa pamilya nito.

" Ilang araw na naming hindi nakakasama si Maui dito sa bahay. Namimiss na namin yong bata lalo na si Kylie, ano bang pinagagawa mo?" nakapamewang na hinarap siya ni Olivia.

" Nagiisip isip lang, hindi ko kasi maintindihan si Chloe, sa tuwing mag uusap kami parang may isang malaking pader sa pagitan namin, ang hirap tibagin." natawa ito. Minsan talaga wala sa ayos itong kapatid niya.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now