20. Vacation

23.4K 580 38
                                    

ZAIDE TRAVIS


I’m still on cloud nine. Halos hindi ako nakatulog kagabi
sa sobrang kasiyahan. Girlfriend ko na ang babaeng mahal ko.

Girlfriend ko na ang prinsesa ng Watty University. And even better, niyaya niya ako sa yearly end-of-school vacation nilang magkakabarkada sa Boracay.

Her Mom and Dad told me na makakabuti na sumama ako so that I could take care of Chloe. Malaki ang tiwala nila sa akin.

Masaya ako na tanggap nila ako bilang nobyo ng panganay nila. Pero the same can’t be said about Sab and Elle. Pagdating sa airport, halatang hindi ako welcome.

“That’s why you booked your ticket seperately? Kasi
isasama mo siya?” sabi ni Sab habang masama ang tingin
sa’kin.

“Guys, boyfriend ko na si Z. Kami na!” masayang anunsiyo
ni Chloe.

“Kaya gusto ko siyang kasama.” Ikinagulat naman ’to ng mga kaibigan niya.

“No way! Kailan pa?” sabi ni Elle na napansin ko ang pag-irap sa akin. They don’t like me at hindi ko alam kung bakit.

“Kahapon lang,” maikling sagot ni Chloe sabay pisil sa braso ko.

“E di congrats!” halos sabay na bati ni Elle and Sab, but I
could sense the sarcasm. What’s with them?

“Hello, ladies. Oh? You’re coming with us? I wasn’t informed.”
Si Ethan, kadarating lang.

“And neither were we! Anyway, he’s coming,” sabi ni Elle.

“Tara na nga. Boarding na yata!” Hinila nilang dalawa si Ethan palayo. Inalalayan ko na
lang si Chloe sa paghila sa luggage niya.

“Ayaw yata akong kasama ng mga kaibigan mo,” bulong
ko sa kanya.

“Pero gusto kitang kasama. Don’t mind them.”

Napangiti ako sa sagot niya. I kissed her forehead. “I love
you, Rosales.”

Hindi ko namalayang nakalapag na kami sa airport ng Caticlan. May sumalubong sa ’ming staff ng resort na tutuluyan namin.

Sumakay kami ng bangka patawid ng isla. Madaldal si Sab at Elle, pero hindi nila ako kinakausap. It was either si Ethan or si Chloe ang kinakausap nila.

“Okay ka lang?” tanong sa ’kin ng nobya ko.

“Yes, I’m more than okay lalo na at kasama kita.”

“Look!” Itinuro niya sa akin ang rock formation habang papalapit kami sa isla.

“Beautiful.” Maganda naman talaga ang view, pero mas
maganda ang view sa tabi ko.

“Tsk! Ayon o! Hindi kasi ako.” Hinawakan niya ang
mukha ko at ihiharap sa tinuturo niya. Pareho kaming natawa pero natigil nang sipain ni Ethan ang paa ng upuan sa harap niya.

“May problema ba, Ethan?” tanong sa kanya ni Chloe.
Itong girlfriend ko talaga, clueless madalas.

“Nothing, Chloe, may nakita lang akong langgam,” sabi ni Ethan.

Pagdating namin ng resort ay sinalubong kami ng receptionist na kaibigan pala ng mommy ni Chloe, si Tita Mary Glor. Dito kasi lumaki ang mommy niya kasama ang adoptive parents nito. Natuwa ako nang ipakilala ako ni Chloe bilang boyfriend niya.

Pagkatapos ay pumunta na kami sa rooms namin. Iisang
room silang tatlo na mga girls at magkabukod naman ang
room namin ni Ethan, which is good kasi halata namang
ayaw niya akong makasama.


CHLOE ALEXANDRIA

Nakapag-shower na kaming tatlo at nakapagbihis na. Sab
and Elle put on two-piece swimsuits at maiiksing shorts.

Kinantiyawan nila ako sa suot kong sando and shorts over
my one-piece suit, pero I just laughed them off. Nauna silang
bumaba habang naga-apply ako ng sunblock.

Lumabas na rin ako at sakto namang dumaan si Ethan.
Magkatabi lang ang room namin at nasa tapat naman ang
kay Z.

“Let’s go, Chloe?” aya niya sa akin.

“Mauna ka na, best, tatawagin ko lang si Z. ” Nagdilim ang anyo niya saglit pero agad namang siyang ngumiti at tumango.

“Mondejo! Tara na sa baba,” tawag ko kay Z. Nagulat ako
nang bigla niyang buksan at pinto at nakangiting sumigaw.

“Love!” Nakapaskil sa mukha niya ang nakakalokong ngiti.

“Ang cute mo talaga ’pag namumula ka, love… Lovely?
Aha, lovey!”

Teka? Ano raw?

“You will call me love, and I will call you my lovey.” Sabay
halik niya sa noo ko. Tapos sinara niya ang room niya at
hinila ako papunta sa baba.

“Ang sexy naman ng lovey ko.”
Haisst! Feeling ko kamatis na ang mukha ko.

“Bagay din sa ’yo ang suot mo.” Nakasando siya at naka-dark blue na shorts. Ang gwapo ng boyfriend ko!

Pagdating sa restaurant ay nagreklamo agad si Elle sa
tagal namin. Nakitang kong naka-order na sila ng kanya-
kanyang pagkain. Napansin ko ang beer na in-order ni Ethan.

“Ang aga niyan, best, ah! Kumain ka muna,” bilin ko sa
kanya at tumango naman ito.

Pagdating sa bar ay sinigurado ni Z na kakain ako nang marami by ordering a ton of seafood. Ang kinalabasan tuloy ay kinailangan naming humiwalay ng table kina Elle dahil sa hindi magkasya ang lahat ng in-order niya sa cabana kung saan sila nakaupo.

I tried to invite them to our table, pero alam kong hindi naman sila papayag. Honestly, hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila kay Z. Samantalang
no’ng first day sa school ay halos himatayin sila sa kakatili sa kanya.

Kahit malayo sa kinauupuan namin ay talagang nagawa
pa akong sawayin ni Elle.

“Hoy, Claw, hindi pa end of the world. Dahan-dahan ka
sa pagkain!”
Napatingin tuloy ang ibang kumakain sa akin.

“Don’t mind them, lovey. Let’s eat.”

“Thank you, love.” Kusang lumabas iyon sa bibig ko at
huli na para bawiin. Napangiti siya. Sabay pahid ng tissue sa
gilid ng bibig ko. Ako na ang makalat kumain.

Napagpasiyahan naming maglakad-lakad pagkatapos
kumain. Niyaya namin ang tatlo, pero gusto raw nila
ma-experience ang happy hour. Hawak-kamay kaming
naglakad-lakad sa beach ni Z habang kumukuha ng
maraming pictures.


Itutuloy....

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon