4. Match

30.7K 847 34
                                    

ZAIDE TRAVIS

Kakauwi ko lang ng bahay nang tawagin ako ni Lolo.

“Zaide, hijo, halika mag-usap tayo.” Maaliwalas ang mukha nito.

Narinig ko kaninang umaga na magkikita sila ng isang kaibigan niya, kaya iba ang saya niya ngayon.

“Apo, nagkita kami ng matalik kong kaibigang si Mauro pagkatapos ng mahabang panahon.

Alam mo ba, meron siyang apong halos ka-edad mo.

Noong araw napagkasunduan naming ipakasal ang daddy mo at ang anak niyang babae, pero hindi natuloy. Panahon na siguro para isakatuparan iyon sa pamamagitan ninyo ng apo
niya.”

“Hahaha! Si Grandpa talaga mapagbiro!” kinakabahan
kong sagot.

“Hijo, hindi ako nagbibiro. Ikakatuwa ko kung
pagbibigyan mo ako. Sa nakikita ko sa batang iyon, alam
kong mabuti ang pagpapalaki sa kanya. Tiyak akong
madali lang para sa ’yo na magustuhan siya. Pag-isipan
mo, apo.”

Iniwan na niya ako at nagtungo sa kitchen.

May mabuti pa kayang babae sa panahong ito bukod sa
lola ko?

My mom left my dad in pain. He asked me before if I wanted to see Mom, pero para saan pa? If she really cared about me, sana isinama niya na lang ako or sana hindi niya na lang kami iniwan.

The last news I heard of her, may iba na siyang pamilya the reason why she forgot about me. Hindi niya man lang ako magawang kumustahin.

I opened my laptop and searched for her Facebook account. She has aged, but she looked so happy kasama ang bagong pamilya sa cover photo niya.

May batang babae sa picture, pero halos ka-edad ko lang ang binatilyong kasama niya. Imposibleng anak niya ’yon. So ipinagpalit niya lang talaga kami ni Dad.

A tear fell down my face na agad ko namang pinahid. Hindi ko siya dapat iyakan. Hindi na.

I searched for Chloe Alexandria’s account. Naka-private ito.

Magiging friend din kita Chloe, makikita mo. Hindi ko siya ma add., puro profile pic niya lang ang nakikita ko sabagay kaya nga siguro tinatawag na Facebook ang Facebook kasi panay face ang madalas makita.

Gaya din kaya siya ng ibang Facebook user na halos gawing diary ang FB, na lahat halos ng kadramahan sa buhay eh e popost tapos kapag na bash ay magagalit. Why people choose to publish their personal problems instead of finding solution. Do they know that 90% of the people don't care at madalas e chichismiss ka lang.

I closed my laptop at bumaba to get water.






Itutuloy.....

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon