39. Presentation

19.3K 511 50
                                    


Zaide Travis

Maaga siyang pumasok sa opisina ng araw na yon. Si Olivia na ang naghahatid sundo kay Kylie sa pagpasok, nakapag adjust na rin ito at wala namang naging problema sa mga sumunod na araw niya sa eskwelahan.

Naabutan niya ang Tito Tristan niya sa loob ng opisina.

" Akala ko ay maaga na ako Tito, mas maaga pa yata kayong pumasok."

" Zaide, I need to go to Manila. May aayusin  lang ako sa branch natin doon at kakamustahin ko narin ang pinsan mong si Chester."

" Sige Tito, ikamusta mo nadin ako sa kanya." matagal na silang hindi nagkikita ng pinsan.

" By the way, ikaw na ang bahala doon sa presentation natin sa RGC, today ang schedule ng meeting natin sa kanila. Wala namang problema sayo kung ikaw ang sasama sa team para magpresent diba? " ang kompanya ng mga Rosales.

" Oo naman Tito, we need them lalo na at isa sila sa pinaka kilalang may chain of Hotels and Resorts dito sa Cebu. At ang balita ko palagi silang fully book. That's good for Mondejo Airlines. " mas priority niya parin ang kompanyang pinaghirapan ng ama kaysa sa kung ano paman.

Pagkatapos ng dalawang meeting ay neremind siya ni Aileen about sa meeting niya with RGC.

" Sino daw ang makaka meeting namin?" tanong niya dito.

" Sir tumawag po ako kanina to double check the details at yong dapat po na ka meeting n'yo ay si Troy Adrian Rosales pero nasa Macau daw po siya for business conference kaya ang kapatid niya nalang daw po ang papalit."  naisip niya si Isha. Mas pabor sa kanila iyon dahil kilala niya si Isha.

" Saan ang venue?" muli niyang tanong.

" Sa Rosales Towers po." after almost five years ay ngayon lang siya ulit makikipag usap sa isang Rosales. Iniwasan niya ang mga ito para narin sa ikakatahimik nilang lahat.

Bumyahe siya kasama ang mga empleyadong naatasang gumawa ng proposal para sa mga ito. Malaking tulong sa lalong pag unlad ng kompanya ng ama kapag nakuha nila ang kompanya nila bilang kliyente.

Pagdating nila ng RGC ay nagulat silang kasabay nila ang kalabang kompanya. Nagbulong bulungan ang mga empleyado niya. Hindi naman maiwasang mag init ang ulo niya. Bakit kailangang pagsabayin sila ng mga ito. Pero anong magagawa niya sila ang may kailangan sa mga ito.

Pinapasok silang lahat sa conference room at sinabihang ihanda ang presentation.

" Miss, sinong Rosales nga pala ang ka meeting namin? " tanong ng isang tagakabilang kompanya.

" Si Mrs. Chloe Alexandria Rosales Valdez po ang pumalit sa brother niya."  nagulat siya sa narinig.

" I thought it's the twin of Troy Adrian?" hindi niya napigilang itanong.

" Si Ms. Isabelle po ay hindi nagtatrabaho dito sa kompanya." sagot ng hula niya ay Secretary ni Ian.

" Si Ma'am Chloe po ang haharap sa inyo, she'll be here any minute so please be ready." iniwan na sila nito.

" Hindi ba ex mo siya, Mr. Mondejo?" tanong sa kanya ni Vincent Bascon, anak ito ng owner ng kalabang kompanya. " Sa tingin mo advantage iyon para sa inyo?"

Naikuyom niya ang kamao, kalalaking tao nito chismoso. " Hindi ko alam ang sinasabi mo Vincent, are you threatened?" kilala niya nito, naging kaklase niya ito sa college at likas na mayabang.

Sasagot na sana ito ng biglang pumasok ang taong ilang taon niyang pinilit kinalimutan. She's in business suit.

May kasunod itong hula niya secretary nito at dalawa pang lalaki na hindi niya kilala.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon