47. Jealous

26.4K 654 79
                                    


Chloe Alexandria

Nakalabas na si Maui ng Hospital. Mas doble pa ang pag iingat nila sa anak lalo na sa kinakain nito. They almost lost her at ayaw na nilang maulit yon.

Medyo naguguluhan siya sa mga ipinapakita ni Zaide. Lalo na noong nasa Hospital sila. Madalas niya rin itong mahuling nakatitig lang sa kanya kapag nagkikita sila dahil kay Maui.

Wala na ang matatalim nitong tingin at hindi narin ito masungit sa kanya. Iniisip niya nalang na dahil iyon as nangyari sa anak nila.

Bisita niya si Jarred ng araw na yon, sinadya pa siya nito sa Isabelle Royal, tapos na kasi ang trabaho niya sa Chloe's Haven. Tungkol sa pagsasaayos ng apelyido ni Maui ang sadya nito.

" Zaide want to change the surname of your daughter as soon as possible. Gusto niyang isaayos na ang pangalan ng anak ninyo. I already prepared the papers, Chloe. You just need to sign it." he handed her the papers na binasa naman niya.

" Wala namang problema sa'kin Jarred. Alam ko namang Mondejo naman talaga dapat ang apelyido ni Maui." isa isa niyang pinirmahan ang mga iyon.

Napatingin siya kay Jarred na titig na titig sa kanya. " Kamusta na pala sina Dustin at Chester?" silang tatlo ang madalas na kasama ni Zaide noon. Matalik na magkaibigan ang mga ito.

" Chester is in Manila, managing the branch of Mondejo Airlines. Dustin is settled in Davao and he is a Doctor."  sagot nito habang inaayos ang pagkakabalik ng mga papeles sa attache case nito.

" Sinong mag aakalang magiging Doctor iyong si Dustin." Wala sa itsura nito iyon. Sa kanilang apat si Dustin ang pinakamaloko.

" Para mo naring sinabing wala sa itsura ko ang maging abogado. Sabagay kung noon baka mas tamang abogago ang term sa'kin." pareho silang natawa sa sinabi nito.

" We never know what the future holds. We end up becoming we are destined to be because life is unpredictable after all."  may plano ang Diyos para sa ating lahat.

We don't have to be sad where life lead us kasi minsan things happened for a great purpose. May it be bad or disappointing, at the end you will realized, it is indeed for the better.

" Sino din ang magaakala na magkakaanak kayo ni Zaide kahit pa you guy's didn't end up together." tama naman ito. Buong akala kasi nila noon, sila talaga ni Zaide ang magkakatuluyan.

Ganon naman talaga, may mga taong pinagtagpo at nagmahalan pero hindi itinadhanang magkasama habang buhay. Like her Mama Choleen and her Dad pero hindi ibig sabihin na wala ng happy ending kasi dumating ang Mommy Trisha niya.

Maybe Zaide is meant to be with Olivia at siya naman kontento na sa anak.

" Pero malaki parin ang ipinagpapasalamat ko kahit ganoon ang nangyari, may Maui ako and gladness is an understatement para ma explain ang nararamdaman ko sa t'wing pinagmamasdan ko ang anak ko." si Maui ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay niya.

" Ikaw? Wala kabang balak magkapamilya? You're not getting any younger Jarred. Pare pareho yata kayo nila Chester?" tanong niya dito.

" Yeah, Playboy parin sina Chester at Dustin. Ako naman, kung magiging mabait sakin ang kapalaran, I could have a family very soon." nailang siya sa paraan ng pagkakatitig nito. " May babae akong gusto noon paman pero kinailangan ko magparaya para isang kaibigan. But I think, dumating na ang chance para hayaan ko ang sarili ko na ipakita sa babaeng mahal ko, ang nararamdaman ko."

" Mukhang seryoso yan ah. Maswerte siya dahil nahintay mo siya, your a good man Jarred, isa pa you're a lawyer already. Padalhan mo na ng subpena." natatawa niyang biro dito.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon