19. Graduation

23.4K 633 83
                                    

CHLOE ALEXANDRIA

Nakatingin ako sa above-the-knee royal blue na halter dress that I chose for this special day. I hardly noticed that six months had passed and my internship was over. I learned a lot. I was happy working with Daddy.

And there was Z. He has been the most patient and understanding man anyone could wish for. He’s thoughtful, funny, and kind. I’m excited to finally let him know how much I love him.

The graduation ceremony lasted for three hours. Lumapit
sa amin ang mga magulang namin nina Sabe and Elle
after the program. Proud kong itinaas ang medal ko for graduating cum laude. Lumapit din sa grupo namin si Ethan at ang parents niya.

“Congratulations, girls.”

“Thank you, best. Congratulations din.” I was glad that I had already told Ethan na kaibigan lang ang tingin ko
sa kanya. Masaya akong naintindihan naman niya ako, so we’re back to being best friends.

“Congratulations…” Lumingon ako at hinanap ang boses
na ’yon. It was him.

“Thank you, Z. Congratulations din sa ’yo.” Tinangap ko
ang flowers na bigay niya.

Hindi nakaligtas sa akin ang irap na binigay sa kanya nina Elle and Sab. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw nila kay Z.

Bago kami maghiwalay para sa kanya-kanyang celebration, humabol si Z sa akin.

“Rosales, saglit lang.” May inilabas itong box sa bulsa.
Binuksan niya ito. It was a necklace na may pendant na puso na napapalibutan ng diamonds.

“Thank you, Z. ”

Isinuot niya sa akin ang kwintas. “Congratulations, Rosales. I love you.”

Hinawakan ko ang pendant at napangiti. Isang mabilis
na halik sa pisngi ang binigay ko sa kanya saka tumakbong
papunta sa sasakyan namin.

Nag-dinner kami sa restaurant na paborito ko. Pagdating
sa bahay ay nagulat ako nang may box na iniabot sa akin
sina Mom at Dad.

“It’s your graduation gift,” sabi ni Dad. Napasinghap ako ng buksan iyon. Susi. Hinila ako ni Xhan sa garage at naka-park doon ang makintab na kotse na may ribbon pa.

That night I texted Z about my car, and he was really happy for me. He asked me if I would go out with him the next day.

“I already asked your Dad at pumayag naman siya,” he
said. Sa tuwing magyayaya siyang lumabas, si Dad ang una
niyang kinakausap.

“Okay. Saan naman tayo pupunta?”

“Basta. Just wear something comfortable.”

Kinabukasan ay sinundo ako ni Zaide. Binigyan niya
ako ng rose pagpasok namin sa sasakyan at tinulungan
akong mag-seatbelt. Napansin kong ang gwapo nito kahit
simpleng t-shirt lang ang suot.

Naka-jeans ito gaya ko at
rubber shoes. May iniabot siya sa aking t-shirt at kapareho
ang print no’ng sa suot niya.

Couple shirt?

“May outreach program ang kompanya sa isang remote
area. Okay lang ba sa ’yo na sumama?”

“Oo naman, Z. Gusto kong sumama sa mga ganyan kaso
busy naman sa school.”
Pagdating namin sa site ay nandoon na ang ibang mga
kasama ni Z.

Nilapitan kami ng tito niya na itinuro kami sa lugar para sa feeding program para sa mga bata. Habang tumutulong sa pamimigay ng pagkain. Nang matapos, napaisip ako nang malalim. Hindi ko makontrol ang emotions ko.

“Hey, are you okay?” Inalalayan ako ni Z pabalik ng kotse
niya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

“What’s wrong?” tanong niya. Niyakap ko na lamang
siya.

“Naaawa lang ako mga bata, Z. Hindi dapat sila nahihirapan ng ganyan… Bata lang sila.”

“I’m sorry. I should have known this would upset you. Sana hindi na lang kita isinama…” aniya.

“No, Z. I wanted to be here. I wanted to help, too. And I
want to be with you. To be with the man I love.”

“Did you just say you love me?”
Tumango ako.

“Meaning sinasagot mo na ako? You’re going to be my girlfriend?”

“Yes! I’ll be your girlfriend. I love you, too,” nakangiting sagot ko sa mga tanong niya.

“Rosales, you’ve made me the happiest man today. Yahoo!” sigaw niya.
Napatingin tuloy sa amin ang mga taong nandoon. Hinigit ko siya sa tabi ko.

“Huwag ka ngang sumigaw.
Nakakahiya,” saway ko sa kanya.

Niyakap n’ya ako. “I love you, and I will make you happy
each passing day,” sabi niya sabay halik sa noo ko.

“I love you, too, Z. Thank you for waiting.” Hawak-kamay na bumalik sa site. Habang tumutulong mamigay ng packed goods, pinagmasdan ko ang lalaking mahal ko na masayang nag-aabot ng kaunting tulong sa mga taga-roon.

Ngayon ko napatunayang may mabuting
puso ang taong mahal ko at masaya ako dahil boyfriend ko
na siya.

Itutuloy....

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon