35. Hope

17.2K 487 95
                                    

You can't judge someone's choices without understanding their reasons. People will always have opinions about your decision because they're not courageous enough to take action on their opinion.

Chloe Alexandria

" Chloe sorry, patawarin mo sana kami sa nagawa namin sayo." it was her bestfriend Elle.

Katabi nito si Sab na hindi magawang tumingin sa mga mata niya. She was surprised seeing them at their doorstep this morning.

" Sorry Chloe." si Sab na nakayuko parin, matagal na niyang napatawad ang mga ito dahil natanggap narin niya ang sitwasyon. At nakausap na niya ang mga ito sa telepono.

Isa pa kasal na sila ni Ethan at kahit magalit pa siya sa kanila, wala narin namang
magbabago. Kung may isang bagay man siyang natutunan sa Mommy Trisha niya, yon ay ang magpatawad kahit gaano kasakit at kahirap.

" Hindi naman na natin mababago ang nangyari, sana lang huwag ng maulit, bestfriend ko kayo at masakit sa akin nong nalaman ko na nagawa n'yo yon pero gaya nga ng sabi ko, nakaraan na yon at napatawad ko na kayo. " ngumiti siya sa mga ito. " Sapat na sakin na pinagsisihan n'yo ang ginawa n'yo and you went all the way here para humingi ng tawad." nagyakap silang tatlo.

She felt a sudden kick on her belly. " Mukhang nag aagree pati ang inaanak ninyo."  hilam ang luhang nagtawanan sila.

" Fairness Claw ang bilis n'yo makabuo ni Ethan but I'm so excited to meet my inaanak. I'm going to spoil her with all the fancy things in this world and I'm going to be the prettiest Ninang ever." Elle said while touching her belly.

" Parang siguradong sigurado kang kukunin kang Ninang ni Chloe." balik na ang kakulitan ng mga kaibigan niya. Na miss niya ang mga ito.

" Syempre magnininang parin tayo kahit hindi niya tayo kunin." natawa nalang siya sa bangayan ng mga ito.

" Ilang buwan na ba yang baby mo, para kasing manganganak kana Chloe?" curious na tanong ni Sab.

Yes, she's pregnant at ang anak niya ang nagbigay sa kanya ng panibagong pagasa na magiging masaya parin siya sa kabila ng mga nangyari at mangyayari.

" Anytime ay lalabas na ako mga Ninang." namilog ang mata nilang dalawa.

Time flies so fast parang kahapon lang sila dumating ng California, after two months nalaman niyang buntis siya and now she's almost ready to give birth to her baby.

" Really? meaning alam mo na ang gender? " nakangiting hinawakan niya ang tiyan at sinagot ang tanong ni Elle.

" I'm a baby girl Ninang Elle." maging siya ay natuwa na babae ang anak niya.

Siya mismo ang nagdesign ng nursery nito. At personal na namili ng mga gamit.

" She's going to be fab and pretty like us. " nag high five ang dalawang kaibigan niya.

" Kahit hindi ako lumabas alam ko na kung sino ang dumating, ang iingay." agad namang nilapitan ni Elle si Ethan ng mamataan ito.

" I'm fine Gabriella." ginulo nito ang buhok ni Elle.

" Tsk! Ethan tigilan mo nga ako d'yan sa Gabriella mo, ginulo mo pa ang buhok ko. So may naisip na ba kayong pangalan ng baby?"

" I'll name her Maureen, ang pangalan na hindi nagamit ni Mommy Trisha. " ang second name ng anak ang sinabi niya.

" Nice pero bakit ang igsi, lugi naman yata sayo ang baby mo, ang haba kaya ng pangalan mo. How about Maureen Athena? Goddess of wisdom tapos katunog pa ng Ethan at A naman galing sa Alexandria mo. Tingin mo Best? baling nito kay Ethan..

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now