15. Reasons

27.4K 737 71
                                    

CHLOE ALEXANDRIA

Dumiretso kami ng bahay nila Z. Ginamot ko ang sugat niya
sa gilid ng labi.

“Ang lakas sumuntok ng kaibigan mo, Rosales. Pasalamat
siya you were there.”

“At kung wala pala ako doon, anong gagawin mo?”
Tinaasan ko siya kilay.

“Pssh! Wala…”
Hindi ko maiwasang mapangiti. Naalala ko si Daddy sa kanya na kahit anong tapang, hindi uubra kay Mommy.

Wala sa sariling napatingin ako sa labi niya. Binaling ko ang
tingin sa mga mata niya at napalunok ako nang mapansing
nakatitig din pala siya sa labi ko.

The next thing I knew he was kissing me. Nanlaki ang mata ko sa gulat sa pagkakalapat ng mga labi namin. Z was my first kiss.

Hindi ko namalayang napapikit na ako at gumaganti sa halik sa kanya.

“Sir, mag-merienda po muna kayo.”
Automatic na napalayo kami sa isa’t isa nang magsalita ang kasambahay nila.

Wala kaming imikan habang tinatahak ang daan pauwi
sa bahay namin.

Spell awkward, bulong ng utak ko. Napatingin ako sa kanya.

“Tsk! Wag ka nga ngumiti,” sabi ko.

“Sa masaya ako e, bakit ba? Ang sungit mo,” aniya.

Binaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Nag-iinit na naman ang mukha ko. Masaya siya na nag-kiss kami?

Pagdating sa bahay, sinalubong ako ni Isha.

“May bisita ka sa loob, Ate. Si Kuya Ethan.”
Napabuntonghininga ako. Hindi talaga siya makapag-antay na sa ibang araw na lang kami
mag-usap. Nakatayo siya sa garden.

“Chloe, I’m sorry. Nadala lang ako ng selos…”

“Ano ’yon? Bawat lalaking makakasama ko pagseselosan
mo na?”

“I’m sorry, Chloe, pero mahal kita at gusto ko lang malaman kung payag ka bang ligawan kita.”
Ngayon lang ako nainis sa kakulitan niya sa tagal naming
magkaibigan.

“Alam mong mahalaga ka sa ’kin gaya nina Elle at Sab. Mahal kita pero bilang kaibigan lang…”
Umuwi si Ethan pagkatapos maghapunan sa bahay.

Kinausap ako ni Daddy na nagpaalam daw ito sa kanya na
ligawan ako. Kinausap din ako ni Mommy nang gabing ’yon
sa kwarto ko. Tinanong niya kung anong nararamdaman ko
para kay Ethan.

“Honestly, Mom, hindi ako masaya sa nalaman ko. Best
friend ko si Ethan at mahalaga siya sa akin. Pero hanggang
do’n lang ang tingin ko sa kanya. He’s like a brother to me.”

“Bakit hindi mo siya bigyan ng chance? Unless may iba kang nagugustuhan kaya nahihirapan kang tanggapin si Ethan bilang manliligaw?”
Tiningnan ako ni Mommy sa mata at nag-init na naman
ang pisngi ko.

“Mom. I think I like Z…” Binaon ko ang mukha ko sa may
balikat niya. Nahihiya ako.

“You mean Zaide? ’Yong gwapong sinama mo dito?”
I nodded.

“Kasi, Mom, ’pag kasama ko siya, parang nagiging okay ang lahat. Masama ba ako kasi si Z gusto ko? Pero si Ethan na matagal ko nang kaibigan, bakit parang
ang hirap tangapin na gusto niya ako?”

“Anak, hindi naman natin natuturuan ang puso kung sino
ang dapat gustuhin. Nagsabi rin ba si Zaide na gusto ka niya?”
Umiling ako.

“Pero nararamdaman mo bang gusto ka niya?” Tumango ako.

“Kapag sigurado ka na sa nararamdaman mo, huwag
mong kalimutan si Ethan. Hindi rin naman niya kasalanan
na sa ’yo ma-in love. Maging tapat ka kung talagang wala
kang maramdaman sa kanya.”

Ngumiti ako kay Mom. She really knew what to say.

Kinabukasan, maaga akong nagising para sa first day ng intership ko in my dad’s company. Sa opisina, magiliw
akong binati ng secretary niyang si Lea. Ipinakita niya sa
akin ang office desk ko na nasa kwarto mismo ni Dad.

“Dad, ayoko ng special treatment. Pwede namang i-assign n’yo ako sa ibang department.”

“Chloe, ’wag ka nang kokontra. Basta si Lea ang unang magtuturo sa ’yo at sa susunod na mga araw ’yong taga- ibang department.”

“Okay, Sir! Thank you,” pormal kong tugon sa aking
“boss.” Kinindatan ko si Ate Lea na nagpipigil ng tawa.

“Whatever, Ms. Rosales,” sabay pisil ni Dad sa ilong ko.

Nagsimula na akong pag-aralan ang binigay na papers ni
Ate Lea. Iniwan nila ako ni Dad dahil may meeting umano ang Daddy sa boardroom.

Busy ako sa papers na binabasa ko nang biglang may humablot nito. Nagsalubong ang kilay ko nang makilala siya.

“Who are you? At bakit ka nandito sa opisina ni Alex?”

“I’m a new employee, Ma’am,” nakangiti kong sagot sa
kanya. Mapaglaruan nga ’tong babaeng ’to.

“Bago ka? Tapos nandito ka na agad sa opisina ni Alex?”

“Dito po ako in-assign ni Sir,” painosente kong sagot.

“Pwes bilang isa sa mga partners ni Alex, gusto kong umalis ka ngayon din sa opisinang ito. Siguro may balak kang akitin si Alex!”

“Ano naman, Ma’am, kung akitin ko si Sir?”

“Abat’ ang malanding’ to!” Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin sa braso palabas ng office ni Dad.

“Get out of my sight!” Itinulak n’ya ako na muntik ko nang ikatumba. Humahangos na lumapit sa ’min si Ate Lea.

“Ms. Buenaflor, hindi ko po siya pwedeng paalisin. Magagalit po si Sir Xander.”

Lumapit sa ’kin si Lea at ikinubli ako sa may likod niya. May mga ilang empleyado ng nakikiusyuso dahil siguro sa taas ng boses ng bruha.

“I’m sorry, Ma’am, pero hindi ko alam kung ano ang ikinakagalit mo. Babalik na ako sa ginagawa ko.” Naglakad na ako pabalik sa office ni Dad nang muli niya akong hilahin sa braso.

“Anong ginagawa mo sa anak ko, Ms. Buenaflor?” Boses iyon ni Dad.

Hindi magkandaugaga ang babaeng ’yon nang malaman
niya kung sino ako. Pero kahit anong sorry niya, galit siyang pinaalis ni Daddy with a stern warning na he would not hesitate to terminate their partnership over this type
of behavior. Nang kami na lang dalawa sa opisina, alalang-alala si Daddy sa akin.

“Tsk! Patay tayo sa mommy mo nito!” sabi niya habang hawak ang braso kong namumula.

“Sinong patay?” Pareho kaming nagulat ni Daddy sa biglaang pagsulpot ni Mom.

“Chloe?” Mabilis na nakalapit sa ’kin si Mom at hawak na niya ang arm ko.

“Anong nangyari sa braso mo?”
Kaga’t labing tiningnan ko si Dad. Bigla naman pasok sa
opisina ng bruhang ’yon, dala-dala ang first aid kit.

“I’m really sorry, Chloe. Hindi ko talaga sinasadya. Kasi naman…” Nabitin sa ere ang iba nitong sasabihin nang makita si Mommy.

Tumuwid ng tayo si Mommy at lumapit sa kanya. Oh no!
Mabilis na humarang si Dad sa gitna nila.

“Hon, it was a misunderstanding,” paliwanag ni Dad.

“I’m sorry. Hindi ko sinasadyang masaktan siya,” hirit ng
bruha.
Hindi ko alam kung paanong nakaalis si Mom sa
pagkakaharang ni Dad. Biglang nasa harap na ito ni Ms.
Buenaflor. Isang malutong na sampal ang binigay ni Mommy sa kanya.

“Wala kang karapatang saktan ang anak ko! Get out!”

Nang makaalis na ang bruha ay inasikaso ako ni Mommy gamit ang first aid kit. Tinanong niya kung sigurado akong hindi ko itutuloy ang internship abroad, lalo na’t pagkatapos ng insidente.

Pero habang pinagmamasdan ko ang lambingan nila ni Daddy sa opisina, alam kong I was
exactly where I was supposed to be.

Itutuloy....

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now