10. Grief

26K 711 43
                                    

ZAIDE TRAVIS

It's hard to believe that Dad is gone and will never be able to live with us again. Mas masakit tanggapin ang pagkamatay niya, sana ay gaya ni Mommy iniwan niya nalang din ako atleast buhay siya.

I always imagined him growing old like Grandma and Grandpa and having fun with my children to be. I wanted him to be there when I get married and in that way, he will know that I grew up to be just like him, a loving father despite the fact that Mom left us.

“Z, kain ka na.” Si Chloe, lagi itong dumadalaw pagkatapos ng school.

“Busog pa ako. Salamat. Wala ka bang gagawin sa inyo
o assignment na kailangang tapusin?”

“Ayaw mo bang nandito ako?” nakasimangot na tanong
niya.

“It’s not like that, Chloe. Ayoko lang na nakakaabala ako.”

“Wala naman akong gagawin sa bahay at wala rin akong assignment. Pero kung ayaw mo, sige, uuwi na ako.”
Natawa ako at lalo lang nagsalubong ang kilay niya.

“Anong nakakatawa?!”

“Ikaw! Napipikon ka na kasi.”

“A gano’n ha?”
Sinumulan niya akong asarin. Pero ang totoo, kahit
papaano gumagaan ang loob ko ’pag nandito siya. Sayang
nga at ’di sila nagkakilala ni Dad.

He would have liked her for sure.

Nabigla kami nang marining ang sigaw ni Lola.

“Umalis ka na, Zarina. Hindi ka kailangan dito!”

“Please, Ma, gusto ko lang damayan ang anak ko.
Kailangan ako ni Zaidey.”

Si Mom, nandito siya? Pumunta ako sa living room kung saan sila nag-uusap ni Lola. Nandito nga siya. Lumapit siya sa akin sabay yakap.

“Anak, I’m sorry, nandito na si Mommy. Patawarin mo ako sa pag-iwan ko sa ’yo. Nandito na ako. I’m sorry about what happened to your dad.”
Hindi ako nagsalita.

Matagal akong nanabik sa yakap niya, pero ngayong nandito siya ay tila wala akong makapang tuwa.

Hinawakan niya ang mukha ko. “Anak, I’m sorry. Gusto
kitang isama noon, pero ayaw pumayag ng daddy mo.”

I always dreamed of this moment, ang pagkikita
namin, ang paghingi niya ng tawad. Ang marinig ko na
pinagsisisihan niyang iniwan niya ako. But I couldn’t feel
the happiness na akala ko ay mararamdamn ko. She was
already a stranger to me. Halos sampung taon niya akong
natiis.

“Umalis na po kayo. Ayos lang po ako.”

Hinawakan ako ni Chloe sa braso. Nakakahiyang makita
niya ang drama ng pamilya ko.

“Hindi, anak, nandito lang ako hanggang mailibing ang daddy mo.”

At pagkatapos? Maglalaho na siya ulit na parang walang
nangyari.

“Umalis na po kayo. Hindi pa ba sapat sa inyo na wala na si Dad? At ’wag kayong magkunwaring wala kayong alam sa nangyari sa kanya. Dahil kayo ang huling nakausap niya bago siya inatake.” Malinaw ang narinig ko no’ng gabing ’yon. Dad uttered her name.

“Anak, hindi ko ginusto ang nangyari sa Daddy mo. Nakikiusap lang ako sa kanya na kung pwedeng makasama rin kita at kung pwedeng sabihin niya sa ’yo ang totoo. Wala akong alam na may sakit ang Dad mo sa puso. Ang sabi niya noon magaling na siya.”

“Wala ka naman talagang alam, kasi wala ka. Iniwan mo kami. That was all right kasi I had Dad and my grandparents. But now Dad is gone and it’s all because of you. Kaya ko na ang sarili ko, makakaalis na kayo.”

“Zaide, anak, may dahilan ako kaya ako umalis. Pero hindi ito ang tamang panahon para malaman mo ’yon. Wala akong kasalanan sa Daddy mo. Kapag handa ka na, sasabihin ko sa ’yo ang totoo.” Lumabas ako para lumanghap ng hangin. Feeling ko sinasakal ako. Pero biglang naramdaman kong kinuha ni
Chloe an kamay ko.

“Nandito lang ako Z. Pwede akong makinig. Baka
makatulong akong mailabas mo ’yang nararamdaman mo.”

“Bakit gano’n, ’no? Ang hirap-hirap maging masaya. Oo,  bumalik na nga si Mom, pero si Dad naman ang nawala. Hindi kaya malas ako kaya hindi makompleto ang pamilya
ko? Ang damot sa ’kin ng tadhana.”

“Walang taong malas, Z. Nagkakataon lang siguro at
may mga pangyayaring hindi natin hawak. Believe me, my
family has been through the worst, but maayos na kami
ngayon. Nothing’s permanent. Lilipas din ’yang sakit na
’yan. Be strong and dance with the tide.”

Kakaiba talaga siya, hindi ko maiwasang mamangha sa kanya. At malaking bagay na nandito siya nakakalimutan ko ang sakit..

CHLOE ALEXANDRIA


The next day…


Ngayon ang libing ng Dad ni Z. Nakita ko ang hagulgol niya habang binababa sa hukay ang coffin ng dad niya.

Mabuti na lang nasa tabi niya ang lolo at lola niya. Kahit ako
hindi ko maiwasang maiyak. Pagkatapos ng libing, lumapit
kami nina Dad kina Z.

“Be strong, Z. Alam kong matatahimik ang dad mo kung
magiging maayos ka na rin.”

“Alam ko naman ’yon, Chloe. Alam kong Dad wanted me to
be strong for this family. Kung may isang bagay man siyang
naituro sa akin, ’yon ay ang pagiging matatag. I’ll be in school
on Monday. Lalo ko dapat pagbutihin ang pag-aaral ko.”

I hugged him.

“Thank you, Chloe. You don’t know how thankful I am sa
inyo ng pamilya mo. Lalo na sa ’yo.”

Sa kotse, hindi napigilan ni Dad na magtanong. “So you
and Travis’s son are close, Chloe?”

“He’s a good friend, Dad. Mom already met him, right,
Mom?” paghingi ko ng saklolo kay Mommy.

“Oo, hon, nakapunta na siya sa bahay. Hinatid niya si Chloe.
Ang bait nga ng batang ’yon. Gwapo pa.” Kinindatan ako ni
Mom. She’s the best talaga.

“Don’t tell me nanliligaw sa ’yo ’yon, Chloe Alexandria?”

“Hon, Chloe is not sixteen like Isha para mag-alala ka kung
may manliligaw man s’ya. Dalaga na ang anak mo,”kontra
ni Mom.

“Basta, Chloe, kung manliligaw man sa ’yo ang Mondejo
na ’yon, dadaan muna siya sa akin.”

Napaka-advance talagang mag-isip ni Dad.
Pagkarating sa bahay, I went straight to my room. Alam
kong wala naman talagang dapat ikabahala si Dad dahil
hindi naman talaga nanliligaw si Z.

But at the same time, I
couldn’t help but wonder…

What if he did? Ang sabi ko noon hindi ako magkakagusto sa gaya niyang presko at mayabang.

But things have changed, mas nakilala ko na siya. Hindi ko
mapigilang kiligin sa idea na gusto niya ako…

Kakatapos ko lang gawin ang assignment ko para sa
Monday nang may na-receive akong text from an unknown
number.

Hi Chloe...
Go right, Go left
Go back, Go straight
Gusto kita...

Nagsalubong ang kilay ko, hindi ko kasi na-gets ’yong
text, tapos may sumunod pa.

Oppa - older brother
Noona - older sister
Appa - father
Umma - asa sa ’yo

This time napangiti na ako. I typed my reply:

Iba rin. Do I know you? Paano
niyo nakuha ang number ko?

Ang reply niya:

Not Superman
Not Batman
Not Spiderman
But I could be your man.

I didn’t know who this was, but his messages made me
smile.


Itutuloy....





A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin