25. Lies

16.7K 451 102
                                    

Zaide Travis

Nakauwi na ako sa wakas. Dumating na kasi si Tito Renan ang kapatid ng Mommy ko. Kailangan ko din kamustahin ang isa ko pang pinsan si Ryan, nag aalala si Mom dahil baka nasasangkot na naman ito sa gulo. Hindi ako magtataka dahil may kayabangan ito.

Namimiss ko narin ang girlfriend ko. Halos dalawang linggo ko din siyang hindi nakita tapos busy pa ito sa trabaho dahil sa bagong posisyon, kaya madalang kaming hindi mag usap. Miss na miss ko na siya.

Naligo muna ako at nagbihis saka dumaan ng flower shop. Bibili ako ng bulaklak para sa maganda kong nobya.

Puting mga rosas ang napili ko, inaayos na nila ito. Nag ikot ikot muna ako sa loob ng shop ng may makita akong cute na teddy bear. Alam kong magugustuhan ni Chloe ito.

Kukunin ko na sana ito ng may isa pang kamay na humawak dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kukunin ko na sana ito ng may isa pang kamay na humawak dito.

" Ethan pare.." nandito din siya?

" Mondejo..." paborito ng isang ito ang apelyedo ko. " Nakabalik kana pala, mabuti naman." alam ba niyang galing akong Manila? Baka na kwento ng nobya ko.

" Oo kanina lang. Bibisitahin ko Chloe, na miss ko ang girlfriend ko." Nagsalubong ang kilay nya..

" Ay Sir, kukunin n'yo po ba yan?" tanong ng sales lady sa hawak kong stuffed toy. Nabaling dito ang atensyon namin ni Ethan.

" Ay oo' paki lagay nalang sa paper bag, salamat." alam ko magugustuhan ni Chloe yon.

" Kung para kay Chloe ang mga binili mo, hindi na kailangan. Kaya kong bilhin yan para sa fiancee ko." Ano raw? Fiancee?

" Uyy talaga pare? May fiancee kana, congrats!" tinapik ko pa siya sa balikat, mabuti naman at naka move on na siya kay Chloe.

" Magpapakasal na kami ni Chloe, kaya kung ako sayo huwag ka ng mag aksaya ng pera sa mga yan." nag init ang ulo ko sa sinabi niya pero dahil kaibigan siya ng babaeng mahal ko pinili ko padin magtimpi.

" Hindi ka naman lasing Ethan, pero bakit parang wala ka sa wisyo?, kung ano anong pinagsasabi mo." lumapit ako sa cashier at nagbayad saka lumabas ng shop bitbit ang bulaklak at paper bag na pinaglagyan ng stuffed toy.

Nakasunod parin siya saakin. Ayaw niya talaga akong tantanan. " Bakit hindi mo siya tanungin? Para malaman mo na nagsasabi ako ng totoo. Magpapakasal kami ni Chloe at wala ka ng magagawa, isa pa.." napangisi ito. " May nangyari sa amin, baka dinadala niya na ngayon ang anak namin."

Dahil sa narinig ko sinuntok ko siya. Hindi niya inaasahan yon kaya alam kong nasaktan siya.

" Ang aga pa' high kana pare ah, ano bang tinira mo?" iniwan ko siya at nagdrive papunta sa bahay ng nobya ko. Alam kong nasa bahay siya dahil sabado ngayon. Gagong Ethan kung ano ano ang ini ilusyon.

Si Tita Trisha ang nagbukas sa'kin at tila gulat na gulat siyang makita ako.

" Z..kamusta kanakabalik kana pala? Kamusta ang pinsan mo? Halika pasok ka." tila tahimik ang bahay nila.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon