8.Crush

25.3K 727 52
                                    


CHLOE ALEXANDRIA

Hinatid ulit ako ni Zaide pagkatapos niyang umiyak.

First time ko makita siyang gano’n ka-vulnerable. I guess malalim nga ang sugat na gawa ng pag-iwan sa kanila ng mom niya.

Kaya pala gano’n na lang ang hugot niya doon sa batang-
kalye noong isang araw…

Nasa harap na kami ng bahay. Nagulat kami kasi si Mommy Trisha mukhang may sinisilip sa hardin, at ngayon ay nakaabang sa pagbaba ko.

Unang bumaba si Z para pagbuksan ako ng pinto.

“Hi, Mom!”

“Good afternoon po,” bati ni Zaide.

“Ayyy, hala ka! Gwapo lagi ka, dong!”

“Po?” litong sagot ni Zaide.

“Haha! Naku, wala, hijo. Sabi ko, kumusta ka?”

“Mom, siya po si Zaide. ’Yong tinatanong n’yo sa ’kin.
Siya po ’yong bagong kaibigan ko.”

“Hello po,” bati ni Zaide, sabay abot ng kamay kay Mom.

“Kay gwapong bata,” bulong ni Mom sa ’kin.

“Hala! Tara sa loob, hijo, at nang makilala mo ang future
family mo, este, ang mga kapatid ni Chloe.”

Si Mommy e, sumisimple! Hinila n’ya si Zaide papasok ng
bahay namin.

“Ian, Isha, may bisita ang ate n’yo,” tawag ni Mom sa kambal.

Mabilis pa sa alas-kwatrong lumabas si Isha sa kwarto
niya. Sumunod naman si Ian.

“Ay! Ang gwapo naman ng bisita ni Ate,” singit ng bunso
namin. Alam n’yo na kung kaninong carbon copy itong si
Xhan.

Ipinakilala ko sila sa isa’t isa. Si Ian, agad nagpaalam
na gagawa ng homework habang si Isha naman halatang
nagpapa-cute. Pero busy si Zaide kay Xhan na ipinapakita
sa kanya ang padalang laruan ni Mama Choleen.

Magiliw naman si Z sa kanya, siguro dahil lumaki itong walang kapatid.

“Xhan, gawin mo na ang assignment mo. Iwan mo na
’yang si Kuya Zaide mo, kinukulit mo lang,” sabi ni Mommy
na pumasok sa salang may dalang juice at sandwich.

Pumasok na rin si Xhan sa kuwarto niya.

“Ang bibo po ni Xhan,” sabi ni Zaide kay Mommy.

“Bakit, hijo, wala ka bang kapatid?”

Ngumiti si Zaide. “Mahabang kwento po ’yan.”

“Naku, e di dito ka na mag-dinner at nang
mapagkwentuhan natin.”

“Salamat po, pero sa susunod na lang po, Ma’am. Baka
inaantay na rin po ako ng grandparents ko.”

“Call me Tita Trisha, hijo… Magiging nanay mo rin naman
ako someday.”

Halos pabulong lang ’yong huling hirit ni Mom, pero
umabot pa rin sa pandinig ko.

Sana lang hindi narinig ni Z.

Hinatid ko siya sa labas.

“Ang saya siguro ng family mo kasi marami kayo…” sabi
niya.

“Oo, parang laging fiesta. Haha! Sayang nga wala pa si Dad. Sana nakikila mo rin siya.”

“May next time pa naman, ’di ba? Kung i-invite mo ako
ulit dito sa inyo.”

“Oo naman! Ingat ka sa pag-uwi ha. Salamat sa paghatid.”
Hinatid ko pa ng tanaw ang papalayo niyang sasakyan.

Pagkatapos ay pumasok ako sa bahay kung saan wagas ang
pangungulit sa akin ni Isha tungkol kay Zaide, hanggang
dumating si Dad.

“Sinong crush-crush ang pinag-uusapan ng mga prinsesa ko?”

“Hi, Dad! Wala po ’yon,” sabi ko.

“Kumusta po ang office?”

“Ayos naman, anak. Teka, sino nga pala ang naghatid sa
’yo pauwi?”

Buti na lang biglang pumasok si Xhan at Ian para salubungin si Daddy. Sinundan sila ni Mommy na agad namang nilambing ni Daddy. Nakakatuwa silang dalawa actually. Kahit na maraming taon na ang lumipas sa pagsasama nila, gaya pa rin sila ng dati—nag-aasaran,
naglalambingan, at nagmamahalan.

How I wish I could have the kind of love na meron sila. Sa mga magulang ko, may forever.

Itutuloy....









A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon