17. Grounded

22.9K 624 26
                                    

CHLOE ALEXANDRIA

Ilang araw na ang nakalipas mula nang magtapat si Z ng
nararamdaman niya, pero lutang pa rin ako.

I couldn’t help but smile everytime na maalala ko ang eksenang iyon. It was not the way I imagined someone confessing his feelings to
me, but I actually found it cute.

Saan ka ba naman nakakita
ng umaamin ng nararamdam pero nagsusuplado pa?

Isang araw sa training, sinabi ni Daddy na magla-lunch out kami with Tito Nathaniel and Ethan. On the way to the restaurant, tinanong ni Daddy kung kailan ko ba sasagutin si Ethan. I had to be honest and said I only saw Ethan as a friend, or sort of a brother, like Ian.

“Anak, huwag mo kasi siyang tingnan bilang kapatid. Change your point of view towards him. Makikita mo he’s like me matalino at responsable. S’yempre alam mo ’yon,
’di ba? Best friend mo siya.”
Pagdating sa restaurant, Ethan handed me a bouquet of
flowers.

“Thank you.” Ngumiti ako sa kanya.

“Hello, Tito Nate.”

“You’re becoming more beautiful, Chloe,” bati ni Tito
Nate. “Hindi ako magtataka kung magkagusto sa ’yo ang
anak ko.”

I was starting to feel na dapat ay hindi ako sumama sa lunch na ’to. I felt awkward talking to Ethan, knowing he had feelings for me. I could tell him anything before, pero paano ko iki-kwento sa kanyang nai-in love na ’ko kung masasaktan siya?

I excused myself to go to the comfort room. Lalabas na
sana ako nang mag-ring ang phone.

Mondejo Calling...

“Hey…” matamlay na bungad ko sa kanya.

“Hi. Kumusta, Rosales?” Automatic na napangiti ako.

Gusto ko sanang sabihing
okay na ako kasi tumawag siya.
“I miss you, Rosales. I haven’t seen you in five boring
days.”

“So… may cheesy side pala si Zaide Travis Velania
Mondejo?”

“Naman! Sa gwapo kong ’to.” Bahagya siyang natawa.

“Mahangin kahit wala namang bintana dito.”

“Can we go out after ng work mo?” Bigla akong na-excite.

“I’ll see kung papayagan ako ni
Dad na lumabas nang mas maaga. I’ll text you na lang?”On the drive back to Rosales Towers,

I got Dad’s permission to get off early dahil may lakad ako. He suggested having Ethan accompany me, but I gently refused, saying it was just a quick run to the mall.

At 3PM, habang nasa
meeting si Dad, ay sinundo na ako ni Zaide. Nagtataka siya nang dali-dali akong sumakay sa kotse.

“Bakit nagmamadali ka? Hindi ba alam ng Daddy mong
kasama mo ako?” tanong niya.

“Sorry.” Napabuntonghininga siya.

“No, I’m sorry. Don’t worry.
I’ll talk to him one of these days para magpaalam na
liligawan kita. ” Kinagat ko ang labi ko. Paano ko ba sasabihin sa kanyang hindi magandang idea ’yon sa ngayon?

Bumili siya ng drinks at ilang chips sa convenience store,
tapos we picked up take-out from a restaurant. Nalanghap
ko ang amoy no’n at ’di ko maiwasang matakam.

“I know you will love the food, pero saglit na lang may
pupuntahan pa tayo.” Ako na ang MPG. Magandang Patay Gutom. Napangiti ako.

“You’re smiling.”

Napansin niya pala. Tumitig pa ulit siya sa ’kin.

“You’re beyond beautiful, Rosales.” Nag-init na naman ang pisngi ko.

“Especially when you’re blushing.”

Tiningnan ko siya nang masama.

“Eyes on the road, Mondejo. ’Pag tayo nabangga…” Binaling ko na lang ang tingin ko labas ng bintana.

He lowered his window at sinalubong ako ng malamig na
hangin. Ber months na nga pala.

“We’re here. Welcome to my haven.” It was a beautiful sight. Sa malayo ay tanaw ko ang dagat.

Cebu has many beautiful beaches. Naglakad-lakad ako sa lugar at maya-maya pa ay tinawag niya ako para kumain.

Nabigla ako sa picnic setup na inayos niya. Nang umupo ako sa tabi niya, I couldn’t help feeling
pleasantly suprised na may romantic side si Mondejo.
Napasinghap ako nang makita ang ganda ng sunset.

“Ang ganda, Mondejo.” Ipinikit ko ang mga mata ko at ngumiti.

“Ang ganda nga,” bulong ni Zaide, pero nang minulat ko
ang mga mata ko, sa akin siya nakatingin.

“Gusto kita, Chloe Alexandria. Gusto kong tinitingan ang mga mata mo, ang mukha mo. Gusto ko kapag nagsasalubong ang mga kilay mo, even when you roll your eyes. I like it when you smile, when you pout, when
you bite your lips. I like the way you blush. I like it when
you’re devouring your favorite food without thinking of how
messy you look. I’m falling more for you every day, Rosales.”
Speechless ako.

He noticed all those things?

“Tell me, what are you thinking? Ayaw mo ba sa ’kin?”

“Yes! I mean, no, gusto kita.” Ang gulo ng sagot ko!

My heart was hammering against my chest.

“You mean gusto mo rin ako?” ulit niya.

Tumango ako.

Niyakap niya ako nang mahigpit. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.

“Liligawan pa rin kita, kahit pa alam ko nang gusto mo na
rin ako. Because you deserve it, Rosales.” Napangiti ako.

Masaya kaming kumain at nagkwentuhan at ’di ko
namalayan ang oras. By the time I noticed, it was quite late.
And worse, my phone had died. Paniguradong nag-aalala
na sila sa bahay.

Kahit nagmamadali ay maayos akong naihatid ni Z sa
bahay. Pababa ako ng sasakyan nang lumabas si Dad.

“Where have you been, Chloe Alexandria!?”

“Dad, I’m sorry. I lost track of the time.” Lumabas si Z ng sasakyan.

“I’m sorry, Sir. Hindi ko agad naihatid si Chloe. ” Lumapit sa kanya si Dad at hinawakan siya sa kwelyo.

“Who are you!?”

Buti na lang lumabas din si Mommy. “Oh my god, Xander,
bitiwan mo si Zaide. Anak siya ni Travis. Nakalimutan mo
na ba?”

Medyo kumalma si Dad, pero matigas pa rin ang boses
nito nang pauwiin si Zaide. Sa loob ng bahay, ako naman ang
hinarap ni Dad.

He ended up grounding me because of lying about my errand. Galit na galit siya kaya iyak lang ako nang iyak. When I was finally inside my room, pinaalalahanan ako ni Mommy na laging tumawag o mag-text kundi mag-aalala sila nang husto sa akin. She reassured me that she would talk to Dad.

Bago ako matulog ay nag-text si Zaide, apologizing for gettting me into trouble. I told him everything was fine, and that I enjoyed my time with him. I tried to lighten the mood by saying, “Pasensya ka na kay Dad. OA lang talaga ’yon minsan.”

Pero ang totoo, I was really bothered. I lied to Dad,
and now I have to face the consequences of my actions.

Grounded pa!

Itutuloy....

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon