37. New Beginnings

20.8K 519 59
                                    


Chloe Alexandria

Ang anak niya ang pinaka apektado sa pagkawala ni Ethan. Malapit ang mga ito sa isa't isat at mahal ni Ethan si Maui. May mga gabing nagigising ito, umiiyak at hinahanap ang Papa niya.

" Chloe anak, makakabuti siguro kay Maui kung babalik na kayo ng Pilipinas, iyon din ang gusto ni Ethan noon, gusto niyang ituloy natin ang mga buhay natin kapag nawala na siya. Makakabuti sa kanya na makasama ang mga kapatid mo. Isa pa ang bahay na ito ay magpapaalala lang sa inyo kay Ethan." kinausap siya ng Mama Angela niya.

" Ang daya ni Ethan' Mama, para iwan niya tayo lalo na si Maui. Masyado pa siyang bata para maintindihan ang mga bagay, hanggang ngayon hinahanap niya parin si Ethan." wala na siyang balak umuwi ng Pilipinas pero mukhang mapipilitan siyang gawin yon para sa anak.

Nanghihinayang man siyang iwan ang magandang trabahong pinapasukan ay kailangan niyang unahin ang anak niya. Kahit matagal ng wala si Ethan ay hinahanap niya parin ito at nababahala na sila ng mga inlaws niya dahil palagi itong matamlay at malungkot.

Kailangan nilang magsimulang muli. Namimiss niya narin ang mga kapatid. Alam niyang matutuwa ang mga ito sa paguwi nila.

Binibihisan na niya ang anak dahil dumating na ang araw ng flight nila.

" Mom, kasama po ba natin si MommyLa and DaddyLo? " tanong nito habang sinusuotan niya ng sapatos.

" Anak hindi, may need lang ayusin ang DaddyLo mo tapos uuwi nadin sila ng Pilipinas." naging malapit din ito sa mga magulang ni Ethan lalo na at naiiwan ito sa Lola kapag nasa trabaho siya.

" How about Papa? " maang na napatingin siya dito. Halos magdadalawang taon ng wala si Ethan.

" Anak diba sabi ko sayo, hindi na babalik ang Papa mo, nasa heaven na siya. Binabantayan ka niya mula doon." nalungkot ang mukha nito.

" I miss Papa so much." yumakap na ito sa kanya.

" I know Baby, I miss him too." pinilit niyang pasiglahin ang boses.

" Tahan na anak, ayaw ni Papa na umiiyak ka diba? " tumango ito. " Hindi ka ba excited na makikita mo na sila Tita Isha at palagi na natin silang makakasama."

" Talaga Mommy? " namilog ang mga mata nito at nagkaroon ng ngiti ang mga labi.

Pagkatapos ng mahaba nilang biyahe ay lumapag narin ang eroplanong sinakyan nila ng Cebu. Tulog pa ang anak niya at napagod marahil ito sa mahabang oras ng byahe nila, nakadalawang connecting flight sila.

Binuhat niya nalang ito pababa ng eroplano, nauna silang bumaba kasama ng mga may edad na pasahero.

Ginising na niya ito ng kukuha na sila ng mga bagahe.

" Nasa Philippines na ba tayo Mommy?" tanong nito sa kanya habang kinukusot ang mata.

" Oo anak, sandali nalang makikita mo na sila MommyLa." kita niya ang excitement sa mata nito.

Abala ang mga mata nito sa mga tanawin habang nasa loob sila ng Taxi. Hindi nagtagal ay nakarating nadin sila ng bahay na halos walang pinagbago sa limang taon niyang pagkawala.

Nagulat niya ng may lumabas na binatilyo at agad siyang niyakap. Tinitigan niya ang mukha nito.

" Xhan? " huling nakita niya ito ng personal ay noong baby pa si Maui. Hindi na ulit nagbakasyon ang mga ito sa kanila na ipinagtataka niya.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now