9. Death

25.9K 711 44
                                    

ZAIDE TRAVIS

Naabutan ko si Dad sa bahay. Lagi kasi siyang wala at busy
sa kumpanya namin, so nakagtataka akong nandito siya.

“Kumusta ang nag-iisa kong anak? Kumusta ang
pag-aaral mo?”

“Okay naman po, Dad,” sagot ko.

“Pagbutihin mo ang pag-aaral mo, anak. Balang araw ay
ikaw na ang magpapatuloy ng pamamalakad sa company
natin bilang tagapagmana ng lahat ng pinaghirapan ko.”

“Yes, Dad. Pero pwede naman pong magkatuwang tayo sa
pagpapatakbo ng kumpanya,” sagot ko.

“Matanda na ako, anak. Hindi natin hawak ang panahon.
Baka bukas makalawa, mawala na ako sa mundong ito.”

“Dad, malakas pa po kayo sa kalabaw. Maabutan n’yo pa
ang mga apo n’yo sa akin,” biro ko.

Parang naging excited siya.

“Bakit? May nililigawan ka
na ba, anak? Or baka naman may girlfriend ka na?”

“May kinikilala na ho ako, Dad. Kayo ang unang makakaalam kapag naging kami na.”

“Good.” Biglang naging seryoso si Dad. “Basta, Zaide,
tandaan mo, I’ll always be proud of you. Patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko sa ’yo, anak, at sa lahat ng kasalanan ko. Mahal na mahal kita, Zaidey.”

“I love you, too, Dad. Wala kang pagkukulang sa akin.
I know lahat ng pinaghihirapan mo ay para rin sa future
ko—natin.” Tsaka ko siya niyakap.

“Salamat, anak.”

Pumanhik na ako sa kwarto. Sasabihin ko sana kay Dad
na nagkita kami ni Mommy, pero baka masira lang ang gabi
niya.

Baka masaktan lang siya gaya ng naramdaman ko. Marahil tama si Chloe. Mom had her reasons for leaving me, us. Pero sana naman sa tagal na ng panahong lumipas, gumawa man lang siya ng paraan para ipaunawa sa ’kin ang dahilan ng pag-iwan niya sa amin.

I was about to go downstairs nang marinig ko ang
malakas na boses ni Dad. Lumapit ako sa pintuan ng library at nakinig.

He was talking to someone on the phone. “’Wag mo na
kaming guluhin, lalo na ang anak ko, Zarina. Pinili mong
iwan siya kaya ’wag kang umasa na may babalikan ka pa!”

Narinig ko ang kalabog sa loob ng library. I rushed to
open the door and saw my father lying on the floor.

Dad! What's wrong? Visible ang pain sa mukha niya..

Aa... anaak...tandaan mo Mahal na mahal kita.,ikaw na ang bahala sa Lola at Lolo mo at sana mapatawad mo ako. And he closed he's eyes.

Dad!! No!

MANANG!!! MANANG!!!!

GRANDMA!! GRANDPA!!

Tulong!!! Si DAD!!!!

I'm already screaming, never pa akong natakot ng ganito sa buong buhay ko.

DAD PLEASE, OPEN YOU'RE EYES!!! WAKE UP!!

DADDY.. PLEASE!!!!

I can't lose my Dad, he's all I have.

Hindi ko alam kung papano kami nakarating ng Hospital, I wanted to be with him sa loob ng ER pero ayaw nila ako papasukin. Nanginginig ako sa takot. I can't lose my Father.

Zaide apo, uminom ka muna ng tubig. si Grandma, pinunasan niya din ang mukha ko, ni hindi ko nga napansin na umiiyak na pala ako.

Ang tagal din bago lumabas ang
Doktor.

Kayo ho ba ang kamaganak ng pasyente?

Kami nga Dok, I'm his Father. Si Grandpa.

I'm so sorry Sir, we did the best we could to save him, pero hindi na po namin siya na revived, he's dead on arrival. I'm very sorry Sir.

Hindi pwede! Hindi pa patay ang Daddy ko. I grabbed him on his collar.

Bawiin mo yang sinabi mo!! Doktor ka diba? Do you're job , go inside and save my father!! I screamed on him.

Apo tama na, huminahon ka. Pinigilan ako ni Grandpa.

NO GRANDPA!, DAD IS STILL ALIVE, HE CAN'T BE DEAD! TELL THAT MAN TO DO HIS JOB! HE NEEDS TO SAVE MY FATHER. niyakap ako ni Grandma.

He's all I have, okay lang sakin kahit lagi siyang wala sa bahay but I would rather choose that basta buhay siya. He's been a good father to me kahit nasa malayo siya.

Pumasok kami sa loob ng ER, they covered him. Hinila ko to para makita ang mukha niya. I can't believe na iniwanan niya na ako. I hugged him tight.

Dad why? Bakit naman pati ikaw iniwan ako. My Grandma and Grandpa hugs me.

Hayaan na nating magpahinga ang Daddy mo Apo. Andito pa kami ng Lolo mo, hindi ka nag iisa.

Si Grandpa ang nag asikaso ng mga kailangan sa burol ni Dad, umuwi kami ni Grandma sa bahay, mas lalo ko lang naramdaman ang lungkot, marami kaming magagandang alaala ni Dad sa bahay na to. Hindi ko alam kung papano ako nakatulog marahil sa pagod at sakit ng loob.

I woke up this morning wishing na sana panaginip nalang ang lahat pero pagharap ko sa salamin sa itsura ko at pagkakamugto ng mata ko alam ko wala na ang Daddy ko.

CHLOE ALEXANDRIA

Kinabukasan, hinanap ko agad si Zaide para ibigay ang
padalang sandwich ni Mommy sa kanya, pero hindi ko siya
nakita sa klase.

When break time came, nakita ko ’yong mga barkada ni Z pero wala siya. Nilapitan ko si Chester, ang pinsan niya.

“Ches, have you seen Zaide?” tanong ko.

“He’s absent, Chloe. His dad passed away last night,”
malungkot na balita ni Chester.

“Oh my God. What happened?”

“It was a heart attack according to Grandma.”

Pinag-usapan namin ang details ng wake. I felt bad for
Z.

Kahapon lang masama ang loob niya sa pagkikita nila ng
mom n’ya. Ngayon naman, his dad passed away.

Pagdating namin sa burol, nakita ko si Zaide na nakaupo
sa sulok. Nilapitan ko siya.

“Z, condolence.” I hugged him.

“He’s all I had, Chloe. Bakit kailangang kunin agad siya
sa akin?” He started sobbing in my arms.

Medyo umayos lang siya ng upo at pinunasan ang mukha
niya nang lumapit sa amin ang mga kaibigan niya pati sina
Sab at Elle.

Nagulat ako nang makita ko ang Lolo Mauro ko with another man his age. Ito ’yong matalik niyang kaibigan na pinakilala niya sa amin no’ng birthday niya, si Travis Mondejo, Sr. So siya ang lolo ni Z!

Nilapitan ko sila.

“Chloe, hija, anong ginagawa mo dito?”

“Zaide is my friend, Lolo.”

“Magkakilala na pala kayo ng apo kong si Zaide, hija?”
tanong ng Lolo ni Z.

“Opo, sa school po kami nagkakilala.”

“Hindi na pala natin sila kailangang ipakilala sa isa’t-isa,
kumpadre. Tadhana na ang naglapit sa kanila.”

Dumating ang ilang kamag-anak nina Zaide at sinalubong sila ng dalawang lolo. Bumalik ako sa tabi ni Z. Bahagya naman itong ngumiti sa akin.

“Hindi ka pa siguro kumakain, ’no? Here, pinabibigay ni Mommy ’yan. Snack mo dapat sa school.” Tinanggap niya
naman ito.

Habang pinapanood ko siyang kumain, binulong ng isip
ko: Nandito lang ako Z, kung kailangan mo ng masasandalan.



Masakit mawalan ng mahal sa buhay, kaibigan, kamag- anak lalo na ang kapamilya, wala na sigurong mas sasakit pa sa katotohanang hindi mo na sila makakasama, makakausap at makikita. So, before it's too late, tell people you love, that you love them, treasure every moments with them. Have no regrets when they passed away. Life is simple. YOLO.


Itutuloy....

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon