23. Party

17.2K 443 83
                                    


Ethan Angelo

Dumating na ang pagkakataon na hinihintay ko..Mahal ko si Chloe at mas una ko siyang nakilala. Kailan lang naman pumasok sa buhay namin si Mondejo.

Magkababata kami at mas kilala namin ang isa't isa, mas maalagaan ko siya kaysa kay Mondejo. Mahal niya ako alam ko yon at mahal na mahal ko din siya.

" But Ethan Chloe will hate us if malaman niya ang lahat ng ito." saming tatlo si Sab ang atras abante sa plano.

" Akala ko ba tutulungan n'yo ako Sab? Alam mo namang para din kay Chloe itong gagawin natin." hindi ako papayag na mapunta siya sa iba.

" Mapapatawad niya din tayo and for sure marerealize niya na mas bagay sila ni Ethan." kahit noong una palang payag na si Elle sa plano. " Everything is set dapat walang pumalpak sa atin. Hindi naman mahirap ang gagawin natin plus wala namang masasaktan. Madali lang makakalimutan ni Chloe ang Zaide na yon tutulungan natin siya." babawiin ko na si Chloe at tiwala akong kami ang magkakatuluyan.

" Magkita kita nalang tayo sa Party mamaya." Umalis na rin silang dalawa. May party na gaganapin sa function hall ng Rosales Towers anniversary ng kompanya at pormal na ipakikilala si Chloe ng Dad niya bilang bagong Vp for operations...

My best chance para mabawi ang babaeng mahal ko. Siguro sa una magiging mahirap sa kanya pero I'll make sure na magiging masaya siya with me.

Inayos ko ang sarili ko, I make myself look more presentable gusto ko na tumatak sa isip ng mga associates ng Dad niya na bagay ako kay Chloe, mas maganda sana kung hindi makaka attend si Mondejo mas madali naming magagawa ang plano.

" Look at you Son, you're a good looking young man at mabuting anak. Proud kami ng Daddy mo sayo." inayos ni Mom ang necktie ko. " Every girl will be lucky to have you, I'm sure madali kang makakahanap ng bagong mamahalin." I don't have time for other girls, si Chloe lang ang gusto ko, siya lang at akin siya.

Gusto akong isabay ni Mommy at Dad but I refused, I need my car later. Nagdrive na ako papunta sa venue.

Agad hinanap ng mga mata ko ang babaeng mahal ko at tanging mamahalin ko. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya. She's very beautiful.

At hindi siya para kay Mondejo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


At hindi siya para kay Mondejo..

" Hey gorgeous.." hinalikan ko siya sa pisngi.

" Hi Handsome..anong drama yan best' may eyeglass tayo ah?" Did I mention na magaling siyang mang asar..

" Mas gumwapo ba?" Nag heart sign ako na uso ngayon..

" Oo nah, pasalamat ka wala dito ang Z ko, mas pogi padin yon sayo.." maiinis na sana ako ng binangit niya ang pandak na yon, mas matangkad ako sa kanya pero mas ang natuwa ko na wala siya.

" Bakit? Nasan si Mondejo?" mukhang pabor sa akin ang pagkakataon...

" Nasa Hospital ang pinsan niya and he needs to be there with Tita, his Mom. Wala kasi ang Tito niya nasa business trip." nabasa ko ang lungkot sa mga mata niya..

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now