21. Vacation 2

22.1K 520 25
                                    

Nang makabalik sa resort ay saka kami nagkayayaang mag-swimming. Tinungo namin ang dagat.

Napatingin ako sa mga babaeng ’di ko malaman kung bakit
tila nagbibilad pa rin samantalang wala ng araw.

Parang sinasadya pa ng mga itong mag-pose pagdaan namin.

“Don’t mind them. Ikaw pa rin ang pinaka-sexy sa paningin ko, lovey,” bulong ni Z sabay halik sa pisngi ko.

Lihim na nagsaya ang puso ko. No woman will feel insecure towards other women lalo na kung may lalaking nagpaparamdam sa kanya na siya ang pinakamaganda sa
lahat.

While we were getting ready for dinner, kumatok si
Ethan sa pinto namin.

“Chloe, can we talk?”

“May problema ba, best?” Pumunta kami sa balcony sa
labas lang ng room namin. Tanaw ang dagat na nasisinagan ng buwan at mga bituin.

“I just want to hear it from you. Totoo ba? Boyfriend mo
na si Mondejo?” tanong niya.

Tumingin ako sa mga mata
niya, pero iniwas niya ang mga iyon.

“Oo, best, I was planning to tell you all here, pero nauna
na nalaman nina Elle at Sab sa airport.”

“Alam na ba ng dad at mom mo?” Ibinulsa niya ang
dalawang kamay at tumingin sa dagat.

“Oo, sila ang una kong pinagsabihan.”

“That’s good. At least hindi ka naglilihim sa kanila.“

“Kilala naman nila si Zaide. At mabuti siyang tao, best.
Give him a chance para magkakilala kaya.”

“Sure. Basta ikaw, Chloe,” nakangiting sagot niya.
The others were ready by then, and I was glad the difficult
conversation with Ethan was over.

Naglakad kaming lahat
papunta sa isang restaurant that serves the best grilled seafood on the island. We were seated at an amazing ocean view at dumating ang pagkain na pre-ordered nina Sab and Elle.

“Oh wow! Girls, this is so much food for dinner. Akala ko
ba diet kayo?” saway ko sa kanila.

“Come on, Chloe. Don’t be a KJ. Haleerr, paborito mo ang
seafoods, remember? Kaya nga kami nahawa sa ’yo ni Sab,”
sabi ni Elle na naisuot na ang kanyang gloves at inaabot ang
baked oysters.

Nilagyan ko si Z ng oyster sa plato. Mabuti na lang at
nag-order ng rice ang dalawa. Mom always reminds us to
eat rice kapag kakain ng seafoods. Lalo na sa gabi.
Nilagyan ako ni Ethan ng alige ng alimango na binuksan
niya.

“Ang taba ng isang ito Chloe. Have some.” Ngumiti lang ako sa kanya at nagpasalamat.

Pinagbabalat ako ni Z ng hipon at seryoso ito doon.

“Hey, kain ka na,” yaya ko sa kanya. Tumango naman ito at nagsimula nang kumain.

Napansin kong oyster lang ang kinuha nito at saka ’yong
pork barbecue. I took one crab at binuksan. Malaki iyon
kaya hinati ko at nilagay sa plato niya.

Favorite ko talaga ang seafoods kaya tingin ko maramirami akong nakain. Pati si Z idinamay ko dahil panay ang lagay ko ng food sa plato niya.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon